Pwede ba magpabraces ang walang 1st molar

Drew : Hi doc, pwede ba magpabraces kapag missing na ang right upper first molar? para iadjust ang 2nd and 3rd molar in place sa missing first molar

thank you po sa sagot

Dr. Jesus Lecitona : Oo pwede. Possible din imove forward ang ngipin sa likod pero matagal.

Update kay Ask the Dentist

May : Saan na po ang clinic nyo?

Dr. Jesus Lecitona : Sa Marikina,
Anoticel Dental Clinic
18 W.Paz Sta Elena Marikina City
https://www.facebook.com/AnoticelDentalMarikina

Sa Pangasinan,
https://www.facebook.com/PangasinanBraces

Pwede nyo ako tanungin sa tiktok
Ask the Dentist on Tiktok

Pwede ba ipabunot ang mga ngipin nang sabay

Arnel : Doc, pudpud na po yung ngipin ko simula 1st premolar hanggang 2nd molar, pwede ko po ba ipabunot lahat ng sabay sabay yun? Tsaka po yung 3rd molar ko sira na din. Sobrang nahihirapan na po ako.

Dr. Jesus Lecitona : Ang magdidecide nyan ay ang dentist na pupuntahan mo. Depende yan sa health mo, kundiyon ng ngipin buto at gilagid, xray result etc.

Natatanggal ang ngipin

Вianca : Doc natatanggal po kasi ang ngipin ko tutubo pa po ba kahit 11 years old na ako?? natatakot po kasi ako doc sana po manotice nyo po ako ang tagal kopo nagsearch

Dr. Jesus Lecitona : Depende sa kung anong ngipin. Kung ngipin mo pang pambata yan at hindi ka pa natanggalan, may tutubo pa. Para macheck pwede mo isend ang photo ng ngipin mo sa fb.

Kulay white sa gums ilang araw matapos bunutan

Charmaine : nagpabunot po kc ako ng ngipin kahapon and hind naman po nasakit ngayun.,pero parng merong maliit n nana n kulay white sa gums ? Delikado po bayun ? And doc pwede po ba mgpasukat ng denture after 3days binunutan?

Dr. Jesus Lecitona : Yung white na yun ay pagsasara ng sugat. wag mong galawin para magsara agad. Mabuti nyan kapag wala nang dugo. Ang pinaka oks na panahon para magpasukat ay after 6 to 8 weeks.

%d