Jonelle: Hi Doc. My upper front teeth (7 in all) are in fixed bridge. I do not recall when I exactly got them but its definitely more than 7 years old already. However I think I should have it replaced already kasi halatang halata. Pantay pantay kasi masyado yung ibaba nung mga teeth. Can you recommend some good yet affordable dentists who specialize in these types of services? Also would you know how much these (assuming porcelain) cost nowadays so that at least I know whether I have enough budget? Thanks much in advance.
Ask the Dentist Philippines: Hi Jonelle. Ilan ba ang missing teeth mo? Specialists charge high. Imposible ang hinahanap mo. Prosthodontist ang tawag sa specialist sa pustiso. At ilan lang ang Prosthodontist sa Pilipinas.
Ang Prosthodontist kasi, sinisiguro nilang tama ang ginagawa nila depende sa kaso ng pagkabungi mo. May mga ginagawa at ginagamit silang hindi ginagawa ng general dentist. Madaming magagaling na general dentist at mura silang manigil. Pero kapag specialist, siguradong mahal ang singil nila, automatic yun.
Madaming factor sa cost of dentures. For more info visit: Denture Cost
I charge 10 thousand para sa isang crown or pontic. Porcelain fused to metal yun. Pero bumababa din ako hanggang 5.5 K. 50K ang standard na singil ko sa All Porcelain (e max). Bumaba na din ako hanggang 25K. Mahal ako maningil kumpara sa ibang dentist, pero sinisiguro kong tama ang ginagawa ko, at ang binabayaran mo sa akin ay yung kaalaman ko. Pero hindi ko sasabihin sayo kung sino ako at kung saan ang clinic ko. For public service lang ito. =)
Hi,
Inquire ako sa bridge and whitening..how much po for 4 teeth
crown?
Tagasaan ka? Madaming dentists ang singil nila per crown is 5K. Kaya yang apat, 20K. Kung sa akin, 40K yang apat. :).
Kadalasan, kapag may crown na dati, malaki ang probability na may periapical infection na. Kaya mainam na ixray muna. Kapag napatunayan na may infection nga, dapat iroot canal muna bago icrown ulit.
Madaming dahilan kung bakit may periapical infection. Maaring dahil sa tooth prep dati ng crown, pwede ding hindi mainam ang seal ng crown, pwede nafracture din.
I have 9 missing (upper teeth) and 2 in lower. I have been using removable dentures for years and I wish to have fixed bridge already. Could you email me a quote? Thank you.
Hindi kita maiemail. Hindi ko nakita yang kalagayan ng bibig mo para malaman ko kung magkano ang gagastusin mo. 🙂 Kapag ganyan kadami ang missing, aabot ng P110,000 kung ako ang gagawa (yun eh kung malaman mo kung saan ang clinic ko). May dapat ilagay diyan para macompensate yung mga kakapitan ng pontics. 🙂
Gudevening po Dr.. same po kme ng problem, aq rin po eh 9 missing (upper teeth ), posible pa po ba un sa fixed bridge khit na my pasta npo ung mga natirang ngipin ko? nakaflexible dentures npo kasi aq, at halata nrin po?
Possible kung meron at healthy pa ang kakapitan na ngipin, at may buto pang sumusuporta sa abutment teeth. Send ka ng photo through FB para makita ko. Kung may xray ka isend mo din. 🙂
gnon po ba? kng hndi npo healty wat pa po ibang option? how much po kya kng dental implants? kng cash and kng my installment po ba kyo alam? and2 po kc aq sa barko sana makapgpcheck up ako sa inyo.
Visit mo na lang ito pra may idea ka. http://www.askthedentist.tv/dental-implants-cost-philippines/ . Kung magkano depende sa makikita sa x ray. Madalas naman instalment, downpayment, tapos ilalagay yung implant body, tapos bayad ulit, tapos after 6 months yung crown naman ang ialalagay tapos babayaran na lahat.
Thank you for the information, let me know po after my contract, panget po kc ng removable eh, what po ba madvice nyo sa akin? meron po bang dental implant, with porcelain bridge po ung nakita q d2 e. mas cheaper po ba un?
Depende sa x ray mo yan. Kahit magadvice ako ng maraming marami, nakadepende pa din sa kung ano makikita sa bibig mo. At syempre kung ano ang goal mo sa buhay at kung magkano ang pondo mo para sa dental health mo. Pwede din yung implants tapos bridge. Kung limited na lang ang space sa buto mo para sa implants, pwedeng implants tapos lalagyan ng bridge kaysa implants tapos individual crowns..
Visit this website for more info:
http://costdentures.com/dental-bridge-cost/
Maraming salamat Dr. sa pagba2 ko nlng po ako asikasuhin ko po 2, at kng pwede po sa inyo mgpaquote? oo nga po, parang mas mura yta ung nakita ko na implant with bridge. ga2stusan ko po 2 at binata p nman po ako, gs2 ko ln blik self confidence ko. salamat po ulit.
Oks. 🙂
good morning po, I have 1 missing tooth po at gumagamit po ako ngayon ng removable dentures. Gusto ko po magpafixed bridge. Saan pong clinic ako makakapunta?at magkano po ang gagastusin ko?
Sa Manila ka ba? Saan ka malapit? PM mo ang location mo through FB, send photo or Xray din kung pwede. 🙂
hi, meron po akong two missing teeth sa right side, in between po nila e isang teeth na me pasta. the problem is marupok na ung pasta, matagal na po kc un e. gusto ko po kc fixed denture ilalagay sa missing teeth. any advice po, and how much gagastusin. thanks much.
Kung makakapagsend ka ng dental x ray or photo ng area ng missing teeth, sa akin through FB ay mas mainam. I’ll wait for the photo or maybe I’ll answer your question later.
hello po doc,ung sa akin po kc anim nlang ang natira kung ipin sa baba sa harap at 4 nlng po sa taas harap dn,ano po kaya pwede dto doc,pustiso ba?mgkano nman po magagastos ko?slamat po
Removable partial denture ang dapat sayo. Ang halaga ay nakadepende sa kung anong uri ang dapat sayo, kung saan ang probinsya mo at kakayahan ng dentist mo.
Hi Doc, ask ko lang po may jaket kasi yung 2 front teeth ko tas hindi sya porcelain, nagmumukhang pustiso po yung dalawang front teeth tas iba yunh color nia sa the rest ng teeth ko. Anu po kaya magandang treatment ang pwede sa teeth ko para di na sya mag mulhang pustiso? Sana po makareply kayo please.. Salamat po
Papalitan mo yang crowns mo, 10 K pataas ang magagastos mo. Siyempre, kung maghahanap ka ng mas mura diyan, ganyan din kalalabasan, mukhang pustiso. May presyo ang quality, unless BF mo ang gagawa niyan, kahit free pwede. Hanap ka ng magaling na dentist. Usually mahahalata mo kung magaling ang dentist mo kung tinanong mo at sigurado siya sa sagot tungkol sa crowns and dentures. O kaya kung diretsahan, tanungin mo kung may training siya sa Prosthodontics.
hi yung kakilala ko nabungi kasi napagtripan siya ng mga lasing habang siya ay pauwi sa probinsya. tinulungan namin siya maayos yung ngipin niya. dahil nasa probinsiya siya, singil sa kanya 2k ng dentista. sabi niya yung ngipin niya parang plastik daw at kakulay yung ngipin niya pero parang bakal na nakapaligid. ano po tawag doon? at safe po ba yun? kasi parang ang mura
*parang may bakal na nakapaligid.
Ano pa ang sabi niya? Hindi ko maimagine. Describe mo pa. 🙂
Hi doc. Tanong ko lang po kung magkano ang dental bridge para sa condition ko. It po yung mga missing teeth:
Upper
Right third molar
Left lateral incisor
Left first bicuspid
Lower
Right second molar
Left second molar
Left third molar
Salamat.
Dahil po sa medyo matagal na missing ung ibang ngipin ko, at hindi po kasama sa current dentures ko, nagkaroon ng gaps ung mga existing ko na ngipin – esp. gap sa 2 front teeth ko. Nirecommend ng dentist ko na magpabraces ako, per sayang naman daw kung babalik lng dahil sa missing teeth ko, so suggest din nya mag bridge or dentures. Ano po ba ang masusuggest nyo sa kin. Salamat.
Braces muna, tapos bridge or implants. Dapat magaling sa prostho ang magbibraces sayo. Or may partner siyang magaling sa prostho. Para may ok na teamwork.
30 K sa taas. 30 K sa baba. Pero mas mabuti kung makakapagsend ka ng photo ng panoramic x ray mo sa FB ko. Hindi iniri-restore ang 3rd molar.
Kung magpapa-braces ka muna, may good chance na hindi na kailangang lagyan ng bridge ang karamihan sa missing na ngipin mo.
Tnx doc. Merry Christmas!
Yun din po ang recommendation sa kin ng dentist – braces then bridge. May masusuggest po ba kyo na magaling and affordable na prostho specialist? So possible po na hindi babalik ung gaps sa ngipin after ko mag braces, kahit walang bridge? Sige po, papaxray po muna ako tapos send ko sa inyo.
Mahirap hanapin ang combination na “magaling” at “affordable” at “specialist”. Ang mga magagaling, nagiging magaling dahil sa pag-aaral nila. Ang pampaaral ay may bayad. Ang pambayad saan kukunin? At kung magaling na sila, ang gamit nila ay pinipili na nila, mga high quality na gamit. Kapag high quality, siguradong mahal ang bayad nila sa gamit nila. Saan nila kukunin ang pambayad?
Delikado ang paghahanap ng “most affordable” or “cheapest”. Sigurado low quality. 🙂 Kahit ikaw, siguro kung pasusuwelduhin ka ng P25 pesos kada araw, tapos paglilinisin ka ng buong Mall of Asia, yung quality ng paglilinis mo, high kaya? 🙂
Anyways, taga saan ka? Ito ang recommended dentists ko: http://www.askthedentist.tv/clinics/. High quality yang mga yan, pero hindi “most affordable”.
Pero kung ako or team ko mismo ang gusto mo, nasa Pangasinan at Manila ang location ko. PM mo ako sa FB kung sa Manila ka.
Magkano po ba ang magpa crown ng teeth? kasi yun lng ang mas mainam kaysa magpapasta eh..
Depende sa lala ng case kung for crown or pasta.
ask ko po.. kung ang problem ko po ay dalawang ngipin sa left side front,, bali hindi sya exact front dahil may ngipin pa po ako sa right side front.. kaya po kaya ito ipa bridge? at nasa magkano po ang gagastusin ko pag pina bridge ko ang dalawang ngipin?
Linawan mo konti. Hindi ako si Madam Auring, hindi ko kayang hulaan ang gusto mong sabihin.
hi doc gusto ko po sanang mag fixed bridge sa lower at dalawang bagang na lang natira sa lower ko magkano po kaya doc?
HIndi pwedeng ibridge yan kung 2 bagang na lang ang ngipin mo.
Eh, doc ano pa pong dapat gawin pls tell me po at magkano kaya kung sakali magastos ko?
7 – 14 thousand. RPD with metal framework ang nararapat sayo. http://costdentures.com/tag/rpd/
Hi doc tnx sa reply nyo ulit pero gusto ko po sana ung permanent at makakain po akong mabuti isa pa po dahil sa tagal ko ng di sinuot ang dentures ko sa lower wla na pong buto sa gilagid ko kahit implant di na ata pde ano pa po mas maganda at magkano po at kung pde saan mas magandang dentist taga Antipolo pa po ako.
Bale ano ang tanong mo? 🙂
Any other option po aside sa RPD na suggest nyo kc nga dalawang bagang nalang natira sa lower ko at sa tagal kong di sinuot ung dentures ko wla ng buto sa gums ko po. Gusto ko po sana ung permanent na ayojko po sana ng dentures na removable po.
Oks. Ano ang tanong mo?
Tapusin mo sa question mark para alam ko kung saan diyan ang tanong mo. 🙂 http://www.askthedentist.tv/faq/
Aside po sa RPD may iba pa po bang option para sa 2 bagang ko sa lower? 2nd question po pde po bang magrecomenda kau ng dentist na gagawa sa lower ko dito lang sa Quezon city po?
Pwedeng implant retained and supported fixed bridge. Yun lang aabot din ng 1 million ang gagastusin mo. Sa recommended dentists visit mo itong page ko: http://www.askthedentist.tv/clinics/
sa RPD with metal framework sabi nyo gagastusin ko 7-14k saan po kayang dentist puwedeng puntahan dito sa Rizal may alam po ba kayo? Pls po give me some dental clinic na pdeng puntahan?
Tignan mo na lang pinakamalapit. http://www.askthedentist.tv/clinics/
hello po.meron ako 2 missing (upper teeth),naka denture po ako ngayon,ask ko sana kung pwede ba to ipa fixed bridge,at magkano?
Yes. Magkatabi ba ang bungi? I-drawing mo tapos send mo thorugh fb.
Hi po, I have 1 missing tooth kc upper front at nkadenture ako ngayon, gusto ko sanang magpa bridge din pero hesitant ako kc front sya,meron po bang set back yong bridge or ok nman po?.tsaka how much kaya yon?thanks
Walang set back kung magaling ang dentist mo.
Hi Doc,
Yung ngipin ko pa sa left-front, maliit po kasi siya halatang may space sa katabing ngipinm pero hindi po siya bulok, maliit lang talaga. Dental crown po ba ang dapat dito? At ano po ba ng ang type ng crown na maganda ang quality at how much po ang range nito ngayon? Thank you!
Send ka ng photo sa FB para makita ko.
hi doc. i have 1 missing tooth in front. bale left side siya! matagal na din po akong gumagamit ng denture gusto ko po sanang ipa bridge. pusible po ba yun at magkano ang gagastusin? salamat
Possible.
kung magpapa bridge po ako sainyo magkano gagastusin ko?
Ilan ang bungi?
tyka san po yung clinic nyo? taga Q.C ako
Taga Tawi Tawi ako. Tignan mo na lang ang recommended dentists ko at hanapin ang pinakamalapit na dentist: http://www.askthedentist.tv/clinics/
1 lang po yung bungi
Oks.
hi doc.ask ko lang sana na kung ok lang mag pa brace ako para mawala yung spaces between my single missing tooth sa upper? gumagamit na kase ako ng denture. what do you think doc?
Depende. Send ka ng photo sa FB para makita ko.
Doc magkano mag pa fixed bridge? 1 missing tooth Lang ung upper.
Noon mo pa tanong yan. Hehehe! Hindi mo pa din naipagawa?
Hala ngayon ko Lang kaya yan tinanong doc. Grabe ka Hahahaha.
1 year ka na kaya nagtatanong sa akin. Sabi mo nga recommended dentist ko ang pinagawan mo, eh hindi naman. Hehehe!
Doc anu po ba dapat qng gawin..kz un 2 front teeth q lower po mejo umuuga na cla nangingilo.Den un gums q parang bumababa nakikita na un pinakababa ng teeth mejo msakit din 🙁 dapat po ba ipabunot na ito tapos ipafixed bridge??un po ba ang tamang gawin??salamat po nagpabraces po kz aq dati mukang nasira lng un ngipin q..Buo un upper front teeth q binawasan wl sa ayos un pgbawas pos pinastahan plagi nmn nttanggal.ayoq ng magtiwala agad2 gus2 q muna manghingi ng opinyon po..sayang lng un binabayad q 🙁
Malamang na kada isang dekada ka magpalinis ng ngipin sa dentist mo. Ang paguga ay senyales na hindi yan nalilinisan, kaya hindi lang gilagid ang malala, pati buto. Hindi masisira ng braces ang ngipin provided na sumusunod ka sa advice ng dentist at malinis ka sa ngipin mo. Ang masama niyan ay kung hindi pa dentist ang nagbraces sayo. Ang dapat mong gawin ay pumunta sa dentist ngayon.
Doc 5 ipin po ang nawala sakin sa taas simula sa 2 gitna papunta sa gilid. Magkano po kya ang normal na singil ng porcelain na ipin?
Hindi yan indicated sa bridge. Masyadong mahaba.
hello doc ask ko lang po 7 na ipin daw gagawin na bridge sakin, eh tanda ko po 3 lang nawala sa taas sa right side tabi tabi po yun 3 na yun, at isa sa baba left side, 6k daw po per teeth mura po ba yun,? sabi po eh unahin daw po muna yung pag bridges bago brace ano po ba talaga gulong gulo na po ako, may xtray na po ako kasi papa brace na sana ako, eh ang sabi po brigde daw muna, paano kaya to doc.?
Nareceiveko na.
gusto ko sana isend sayo yung xtray ko doc para malinawan ako., ano po fb nyo, haha salamat 🙂
Nasagot ko na angtanong mo sa fb.
Hello po ask ko lang po meron po akong 6 missing tooth. apat po sa front sa taas tapos dalawa po sa gilid taas din po.. how much po kaya aabutin kapag nagpaporcelain fixed bridge? o kaya po kapag dental implant?
Send a photo sa FB ko, at tukuyin mo itong tanong mo dito. Photo or x ray.
hello po ask ko lang kung totoo po ba na masama ang effects ng root canal in a long run? kasi may mga nabasa ako articles na nag kakaroon ng bacteria sa canal. paano gagawin dun? pwede po ba ipatanggal ko nalang buong ngipin. and ask ko lang po kung ano pwedeng options ko kasi kapag binunot ngipin ko pangit tingnan kasi medyo harap siya.
No. Mas masama ang katangahan na paniniwalaan ang lahat ng nabasa sa internet.
Magkano po kapag nag papalit ng crown?
Madaming klase ang crown. Porcelain fused to metal crown, 5.5K pataas. http://costdentures.com/fixed/metal-ceramic-crown/
Hi doc, inquire ko lang, kapag nagpa fix bridge ba para sa missing front tooth eh pwede ding i-brace? prob ko din kasi yung allignment ng teeth. MAGKANO po kaya yung extimated na magagastos? salamat po.
Kung magpapabraces ka, sabihin mo sa magbibraces sayo ang plano mo para alam niya ang gagawin.
*estimated (sorry typo)
Oks.
Hi doc! Na root canal po yung upper 3 front teeth ko yung nasa middle. After a year discolored na, Im no longer comfortable smiling showing my teeth. The dentist recommended that I have zirconia crown. Pero ang gagawin na e max crown mas cheaper and it would be best for anterior daw. May ibang teeth na yellowish na rin due to my habit of drinking apple cider vinegar brown po yon dun ko rin alam ko nakuha. 7 teeth daw mas magandang pa emax. Gusto ko sanang mangyari yung 3 ngipin ko na okay naman walang diperensya isave sana. Mas maganda daw k9 to k9. Para pantay ang kulay ganon po ba dapat? Mahirap daw habulin kulay ng ibang ngipin sa anterior.
The procedure’s cost will not be charged to me its a company benefit. Pero concern ko lng po kung pwedeng di emax yung iba pero di magkakatabi at iba iba rin ang shades ng ngipin.
Thanks doc.
Yung sinasabi mong 3 na ngipin na walang deperensya ay hindi yung yellowish na sinasabi mo?
Ang gagawin ay zirconia pero emax crown? Ang emax ay hindi zirconia. Ang Zirconia based na crowns ay indicated sa posterior teeth. Ang emax (lithium disilicate) ay indicated sa anterior teeth. http://costdentures.com/fixed/fixed-partial-denture-e-max/
Laging kayang habulin ang kulay. Ang naRCT na ngipin, mas mabuting icrown yan parasa proteksyon na din ng naRCT laban sa pagkaimpeksyon ulit. Kapag walang sira ang ngipin, hindi ikacrown agad dahil lang sa katangahan sa pagkuha ng kulay. Madaming pwedeng gawin, at hindi “crown agad sa walang deperensyang ngipin” para lang maghabol ng kulay.
Maghanap ka ng magaling na dentist para hindi kung ano ano lang sinasabi sayo.
Doc, i forgot to mention i had braces before with a different dentist. May sungki kasi ako na isa at edge to edge daw ang bite ko. Di naman nacorrect yung edge to edge problem perp yung sungki/ pangil bumaba naman. Isa yon sa gusto ko talagang ma e max kasi di gaanong ka allign ng ibang teeth ko, slightly bumaba ng konti. Pero yung katabi ng pangil may major sira na daw yung ngipin na dating pinastahan noon pa, maitim- itim na rin yung pasta ng ngipin. on and off na sumasakitl pero ngayon occassional na lng o halos hindi na sumasakit. Pero sabi ng dentist malaki daw sira based on my panoramic x ray. After ng ngipin na yon doc may space ako ipi fixed bridge daw ikakapit na lng sa tooth na walang sira upper molar.
Ang nirecommend ng dentist i emax din daw yung sumasakit na tooth pero isi seal mabuti tingnan kung sasakit pa, or temporary muna. The other option is bunutin at i fixed bridge ikapit sa katabi na naka e max. What can you advice po doc?
Thanks to your patience and genuine kindness entertaining/ answering our questions, Doc.
Ganito ang gawin mo. Una, siguruhin mo muna sa sarili mo kung ano ba talaga ang ano. Sabi mo sa unang kwento mo “walang diperensya ang tatlo sa ngipin mo”, pero dito sa pangalawang kwento mo napakalaki pala ng diperensya ng mga ngipin mo.
Ang pangalawang dapat mong gawin ay magsend ng panoramic x ray sa FB ko. Magsend ka din ng photo ng ngipin mo para maisuggest ko ang dapat gawin. Dahil kung ibabase ko sa kwento mong magulo, magulo din ang magiging sagot ko.
Okay thanks doc
Oks.
may tooth decay po ako sa front teeth ko ung dalawa, ayoko nman po sanang magpapustiso ano po ba pedeng treatment
Kung kaya pa sa pasta, papastahan mo. KUng hindi na pwede, ipa-RCT mo tapos crown: http://www.denturesaffordable.com/fixed-partial-denture-endodontically-treated-tooth/
Magkano magpa fixed bridge? 9 na ngipin sa taas…
Send photo. Kadalasan hindi na indicated for bridge kapag ganyan kadami ang bungi. Send photo para makita ko or visit our clinic at: http://denture.cheap/
Hi po mag kano pa fix bridge apat na ngipin sa taas sa harap?
Depende sa klase ng bridge : http://costdentures.com/fixed/porcelain-crowns/ . Bisita ka sa clinic para makita : http://dentistquezoncity.com/
magkano po magpafixed dental bridge? one teeth lang po.
Depende sa klase ng bridge
Porcelain fused : http://www.denturesaffordable.com/fixed-bridge/
E-max : http://costdentures.com/fixed/fixed-partial-denture-e-max/
zirconia with porcelain facing : http://www.denturesaffordable.com/zirconia-fixed-dental-bridge/
Hi meron akong 2 teeth sa ibaba pero mag k hiwalay sila i need for my job how much po ba and bridge
I didn’t understand your statement.
Gud am po ask ko lng po me mga kulang ako ipin sa taas mga 2 po pero nka braces ako ask ko sna kng mggwan pa ng paraan ung mga ipin ko bakante?
Yes give it time.
Hi Doc, ask ko lng po, ano po kaya possible problem ng teeth ko, nag dis align po yung nasa baba, then nagloose po and possible po na mabungi kasi umuuga na..mas treatment po b na marestore yung ngipin kahit medyo umuuga na pero wala nmn pong sira?Thanks po.
Schedule for a consultation. You may need a gum therapy treatment.
Hi doc ask ko lang po magkano kaya magagastos ko kung magpapa bridge tooth ako.. isa lang po sana doc pero doc yung katabi nya kasi nahawa mean nag ka cavity nadin pde pa kayang pa fix brodge ko yun. Magkano po kaya magagastos ko.
Thanx po
Madaming klase ng bridge. (See : http://www.dentures.com.ph/category/fixed-dentures/ ) Factor din kung saan ka magpapabridge. Factor din ang specialization ng dentist na gagawa. Kung gusto mo send mo ang photo ng bungi mo sa fb ko, tapos iquote mo itong tanong mo.
Doc ano fb nyo? Para po masend ko salamat po ng madami 🙂
https://www.facebook.com/DrJesusLecitona/
Hi doc, pwede po ba fixed bridge pag 5 missing teeth? 4 front teeth at 1st pre molar sa left? All porcelain po sana..magkano po kaya aabutin? Saka feedback po dun sa recommended dentists nyo,.ngyayari po kase hindi po yung dentist na un ang gumawa..parang special cases na lang ata ginagawa nung head dentist na recommended niyo o namimili ng pasyente pag mahalan an gagawa siya mag take over? Parang bagong dentista lang kase yung humawak saken, i requested for the senior dentist na nasa list nyo kaso ayaw..nakakainis lang..my marerecommend po ba kayo yung may passion at care sa pasyente talaga hindi ung parang sawa na sya sa buhay nya at ayaw ipaliwanag saken mga bagay bagay..after the procedure abutan lang ako reseta taz magtatago na sa lungga nya..pa recommend nmn po sa magaling na dentist within manila
Possible naman ipa fixed bridge yan case mo kaso long span ang mangyayari. Magkano aabutin? The dental for such a procedure may vary depending on who will work on you & the specialization (is the doctor a general practitioner? A prosthodontist?), the location, and the material to be used. Marami pa namang ibang dentist na naka indicated diyan sa recommended dentist. 🙂 QC kami. Is that even within Metro Manila? Yes right?
paki email naman po ako marissa.basul783@gmail.com
magpapa crown po ako 12 pcs. magkano po
Mag eemail ako sa iyo ng isang dental treatment plan kung 1. Ikaw ay physically pumasok sa opisina ko at nagpakonsulta at nakuhanan ko ng xray 2. You seek for you my professional treatment on your own decision.
Doc my madali bang paraan na hindi na po Kelangan ng implant tooth at ng pustiso ..may iba pang paraan Para magkaroon ng ngipin???
Bridge : http://www.dentures.com.ph/category/fixed-dentures/
Doc, ask ko lang kung magkano talaga bayad pag nawala ang lock ng braces? (sa lower right) nabigla kasi ako sa sinabi ng dentista ko kaya umuwi na ako. parang di naman kapani-paniwala na ganon talaga presyo nun. student palang ako at sariling pera ko ginagamit ko para sa braces ko. mahirap po imanage. kaya gusto ko malaman kung magkano po talaga ang isang lock?
Depende sa usapan nyo. Usually 1k pataas.
Hi doc. Isa lang po ang missing teeth ko nasa upper right pero yung jatabi non sira na rin po ang half ng ngipin. Ano po bang narerecommend niyo? Denture poo pwede pa siyang ipabridge? Pwede rin po bang magpabrace pagkatapos non? Thankyou po
I recommend you schedule for a dental consultation para makuhanan ng xrays yang area. Your doctor will evaluate it and give you treatment option, kung its for denture or possible, for fixed bridge restoration. Your doctor too will give you sequence of treatment.
Hello. Magkano po fixed bridge na porcelain sa 3 front teeth po?
Hi Jessa, the fee will depend on the type of material to be used, span and doctor (gp or specialist). Schedule for a consultatin appt with a dentist in order for him or her to create a treatment plan according to what you need
Good day doc! Im still young yet I have already a removable dentures for almost 5 years and I feel awkward na everytime I smile kase halata na sya. Im planning to have fixed bridge sana since 1 tooth lang naman yung missing (in upper front) but yung katabi nung missing tooth ko is medyo nakaangat and baliko, what can u recommed me to do? Is it possible for me to have braces even though I have fixed bridge? And lastly, how much will it cost po? Thankyou in advance
this concern of yours will require a clinical exam and diagnostic tools.