Braces FAQ

Ask the Dentist’s Legendary Frequently Asked Questions about Braces

Question : Pwede po bang upper lang ang braces?
Answer : Hindi. Upper at lower lagi ang braces. Magkatapat ang upper at lower na mga ngipin mo. Kapag inayos mo ang taas, aayusin mo din ang babang ngipin. Kahit sa tingin mo maayos sa baba, tiyak na magulo yan dahil magulo nga yung taas.

Question : Pwede po bang lower lang ang braces?
Answer : Hindi. Lower at upper lagi ang braces. Magkatapat ang lower at upper na mga ngipin mo. Kapag inayos mo ang baba, aayusin mo din ang taas na ngipin. Kahit sa tingin mo maayos sa taas, tiyak na magulo yan dahil magulo nga yung baba.

Q : Gusto kong magtipid. Pwede po bang retainer ang isuot ko para maayos ang ngipin ko?
A: Walang inaayos ang retainer. Ang retainer ay sinusuot lamang pagkatapos ng orthodontic treatment. Pwedeng isuot, pagkatapos ng ortho treatment.

Q : May pasta ako, pwede ba ako magpabraces?
A : Oo pwede.

Q : May bungi ako, pwede ba ako magpabrace?
A : Oo pwede.

Q : May sira ang ngipin ko, pwede pwede ba ako magpabrace?
A : Oo pwede. Papastahan muna lahat ng may sira bago ibrace.

Q : May sumasakit na ngipin ko, pwede ba ako magpabrace?
A : Oo pwede. I-a-RCT muna or bubunutin ang sumasakit na ngipin bago ibraces.

Q : Kanino po ako pwede magpabraces?
A : Sa dentist na may post graduate study/training sa ORTHODONTICS. Ang dentist pagkagraduate at nagkaroon ng lisensya, pwede syang maglagay ng brace. Pero hindi nangangahulugang marunong sya sa brace. Kailangan ng formal training para makapagayos ng ngipin sa pamamagitan ng braces. Ang training sa orthodontics ay pwedeng sa pamamagitan ng MASTERAL sa Dental School. Ang Masteral ay 3 years na pagaaral sa isang dental school tungkol sa orthodontics. Pwede ding sa PRECEPTORSHIP. Ang Preceptorship ay 6 months and above na training sa isang institution. Hindi natutunan nang buo ang Orthodontics sa seminars at youtube. Kahit ilang seminars yan. Kahit ilang youtube videos yan.

Q : Sa dental clinic po na pinag-Brace-an ko, iba ibang dentist ang nagaadjust sa akin. Okay lang po ba yun?
A : Hindi okay. Sa braces, isa lang dapat ang orthodontist mo. Hindi pa iba iba. Isa lang dapat ang nagaadjust sayo mula umpisa. Hindi pare pareho ang iniisip ng iba’t ibang ortho sa isang bagay. At ang level ng kaalaman at pinagaralan nila ay hindi pare pareho. Madalas ding mangyari na nageemploy ang mga clinic ng bagong graduate na dentist, kaya sa buwan buwan na pagpunta mo doon ay ibang dentist ang nagaadjust sayo. Mali yun, dahil hindi alam ng bagong graduate ang orthondontics agad agad. Kailangan niya pang magspecialize para malaman ang tungkol sa braces.

Q : Ano ang kailangan bago makapagbraces?
A : Mabuting magpatingin ka muna sa orthdontist mo. Sa consultation, titignan ang ngipin mo, condition ng gilagid mo, mukha mo, profile mo etc. Kung madetermine na pwede kang magundergo sa orthdontic treatment (Braces). Irerefer ka nya for X-Rays, Study Casts, Photos.

Q : Sabi ng dentist ko hindi ko na kailangan ng Panoramic x-ray. Kailangan ko ba nun?
A : Oo, kailangan mo lagi ng x rays. Kung sinabi yan ng dentist mo na hindi mo kailangan ng panoramic x ray, magpalit ka ng dentist. Unless, gusto mo magpabraces sa MANGHUHULA. Kahit gaano kagaling ang manghuhula, hindi niya makikita ang nasa ilalim ng gilagid, ngipin at buto mo.

Q : Ano po bang silbi ng X rays?
A : Pinakamahalagang diagnostic aid ang x ray. Ginagamit ang ceph at panoramic analysis sa kung ano ang treatment plan sa isang kaso.
Ilan din sa makikita sa x rays ang sumusunod:

Hindi tumubong ngipin

Hindi tumubong lateral incisor
Hindi tumubong lateral incisor

Extrang ngipin

Extrang premolar.
Extrang premolar.

Infected na ngipin

Periapical infection sa lateral incisor.
Periapical infection sa lateral incisor.

Q : Sabi ng kaibigan ko, nilitratuhan ang ngipin niya, mukha niya at profile niya. Sa dentist ko, hindi ako kinuhanan ng photos. Kailangan po ba ng photos ng ngipin at mukha?
A : Kailangan. Kinukuhanan ng photos ang ngipin, sa occlusal, sa front, sa side. Kinukuhanan din ng picture ang mukha. Ganun din ang side view, profile ng pasyente. Kung hindi ka kinuhanan ng photos ng dentist mo, malamang na hindi siya nakapagaral ng tungkol sa brace. Isa siya sa mga dentist na nagoortho-ortho-han lang.

Q : Hi doc. Yung dentist ko po kasi 2months nkong d pinapalitan ng wire. palit rubber lang pag adjustment. okay lang po ba yun?
A : Hindi buwan buwang pinapalitan ang wire. Hindi kada adjust papalitan ang wire. Kung sigurado kang orthodontist ang dentist mo, wala ka dapat alalahanin.

Q : Ano po ba ang Rubber change?
A : Kapag nadinig mo ang rubber change, isa yan sa senyales na magpalit ka ng dentist. Mapariwara ang buhay mo niyan sa kapalpakan.

Q : Pwede ba ipabrace ang may RCT?
A : Oo pwede

Q : Mura po ang DIY Braces. Pwede po kayang ako na lang magbraces sa sarili ko.
A : Kung sa mga dentista na nga nagaral ng mahabang panahon, may pumapalpak pa din. Yun pa kayang ikaw? Malalagas ang ngipin mo sa DIY braces, garantisado yan.

Q : Bakit masama sa DIY braces?
A : Ang braces ay hindi simpleng dikitan lang. Pagkapasa ng dentist, hindi pa niya alam ang magayos ng ngipin sa pamamagitan ng braces. May karagdagang pagaaral na tinatawag na specialization. Ang masteral ay nagtatagal ng 3 years sa isang dental school. Pwede ding preceptorship na pwedeng magtagal ng 1 year. Matapos ang specialization saka lang siya makakapanggamot sa pamamagitan ng braces. Kung ang simpleng tao ang naglagay ng braces, sa tingin mo alam niya ang pinagaralan ng isang dentist sa loob ng 7-9 years? Kahit magbasa siya nang magbasa o manood ng videos ng braces, hindi niya matututunan yun. Sa maling position pa lang ng brackets, malaking damage na ang pwedeng magawa. Dagdag mo pa ang wire na ginamit, maling force lang ang maapply sa ngipin, pwede na yung maging dahilan ng pagkamatay ng ngipin.

Q : Ano ang pwedeng idulot ng DIY braces?
A : Pagkalagas ng ngipin ang final result. Sa simula, pamamaga ng gilagid, paglihis ng ngipin, maling position ng ngipin, labis na paguga ng ngipin, pagkakaroon ng caries, pagkabali ng ngipin, infection ng ngipin. at iba pa.

PDA Warning
PDA Warning
DIY Brace is dangerous
DIY Brace is dangerous
Effect of DIY Braces
Effect of DIY Braces
DIY Braces are harmful to your oral health.
DIY Braces are harmful to your oral health.

For more info visit us @
Quezon City Dental Clinic
Pangasinan Dentist
Pangasinan Dental Clinic

352 thoughts on “Braces FAQ”

      1. Gud eve po doc.. Bkit po may mga clinic na pede i brace lng ang upper or lower na teeth?? Kung need po plng na up and down ang ibbrace bkit? Po gnun.. Balik ko po kc mg pa brace at ung taas lng po ang problema ko ok namn ako sa baba ko ngipin! Thank u po answet my question.

  1. Doc. Pwede po bang magpa brace kahit may sira ung dlawa mong ngipin sa harap ? tapos bulok po ung isa mong ngipin sa taas ?

      1. Okay lang po ba kung walang wire at bands ang brace? Kasi tinaggal ng dentist ko eh, hindi ko alam kung bakit :3

  2. Pwede po ba ako magpabrace kahit na may bungi ako sa baba? Bandang bagang ppo bungi ko bali tatlo yung dalawa magkatabi yung isa sa kabilang bagang po. 🙂

  3. Hi Doc 🙂 Itatanong ko lng pi kung magkani kaya lhat nang magagastos ko pra mapabrace ko lng ngipin ko at Itatanong ko lng din po pwede po ba magpabrace khit may pustiso ang ngipin mo?

  4. hi dok good morning,
    ask lang po ako ..pag brace extraction ang karaninwang binubonot ay ang pre molar ..bale ang tanung ko dok grade six pa ako wala na ang molar ko ..ang molar ba pwedeng gawing extraction …sa halip ang karananiwang tinatanggal ay ang premolar

      1. im mean d ba ang extraction tatanggalin ang premolar ..pwede ba na hindi na ako tatanggalan ng premolar .pd hindi na ako mag extraction kac since wala na ako molar un na lang gawin subtitute..para d na ako tanggalan ng pre molar ..

        1. at tanung ko dok ang molar na nawala sakin ay ung pangalawa sa dulo….bale tanung ko dok mag didikit pa ba ang natirang molar ko at ung premolar ?

  5. Hi doc, ask q lng po kung may kakilla po keo n pwede mg tuloy ng adjustment ng brace ng wla referral kc po galing aq ng abroad at wlang records n hawak yung dentist n ngkabit sakin ng brace?. Pinagtaguan nia n po kmi after namin mg exit.

  6. DOK PANU MALALAMAN ANG ISANG CLINIC OR DENSTIST AT TUNAY AT MARUNUNG MAG BRACE…?

    MINSAN KAC EDIT LANG UNG MGA GINAGAWA NILANG CERTIFICATE NA PAPEL NA DINIDIKIT SA DINGDING

    1. Isearch mo muna sa PRC website kung dentist talaga. Tapos tanungin mo mismo yung dentist. Basahin mo yung info na nabasa mo sa FAQ na ito. Kung pareho ang naging sagot ng dentist mo sa nabasa mo dito, ibig sabihin, nakapagaral talaga ang dentist mo.

  7. bale isa nalng natirang molar ko dati kac dalawa ito …bale ang tanung ko ang molar ko na nasa pinka dulo kaya pa bang dumikit sa premolar ko pag nagpabrace ako

  8. Doc kapag ba hindi nagla line yung ngipin kahit ilang beses na inadjust tas pinalitan na ng wire tapos pinalitan ulit ng wire para maglining nanaman okay lang? Or dahil pwede po bang dahil un sa ngipin ko na pinastahan dati at parang nagdikit yung dalaqang ngipin at mahirap maghiwalay?

  9. Hi dok pwde po ba mag palit ng dentist? Nka 5 months nko pero plage ako natatangalan ng wire 🙁 pano po ba process kapag nag palipat ng ibang dentist? Mag ddown po b ulit?

    1. Oo naman, pwede ka mag palit ng dentist. Karapatan mo yan bilang pasiyente. Pero siyempre, kailangan mong maintindihan, its another financial responsibility for you if you look for another dentist and doctor / orthodontist tells you your case is considered a new case.

  10. Tanong ko lang po kung pwede po ba ako magpabrace kahit wala na yung left lateral incissor teeth ko. Napabunot ko po kasi accidentally.

  11. Hi doc..ask q lng po kung sa unang pagpunta dentist para magpabrace,after ng mga test mo,pwede kna po bang ibrace ng araw naun o kailangan mo pang bumalik sa ibang araw?tnx po.

      1. Hehe..cenxia napo doc..i mean ako po.. my ipapasta papo kc aq,after po mapastahan ang mga ngipin q,ung araw napo naun pwede napo aq lagyan ng brace?tnx po?

          1. Salamat po..pero doc ung wisdom tooth q po hnd pa cia totally tumubo..ung sa upper at lower q po doc..ok lng po baun pag nagpabrace aq?tnx po ulit?

          2. Ok po doc..salamat.
            Ung wisdom tooth q po sa taas at baba mejo hnd pa po buong natubo,ok lng po baun?pwede nadin po ba aqng ibrace nun?tnx po?

  12. Hi doc,ung wisdom tooth q po sa taas at baba hnd pa po halos nakatubo..ok lng po baun?pwede napo ba aqng ibrace?tnx po

  13. Doc, nakabraces ako ngayon (3months na) pero biglang aalis pala ako going to another country for work/study. Anong dapat gawin? Pwede bang magpalit from swlf to self ligating?

    1. Kokontrolin yun ng orthodontist mo. Sasabihin din sayo ang mga gagawin mo bilang kanyang pasyente. Pero primarily, sya ang gagawa ng paraan. At tutulungan mo siya sa pamamagitan ng pagsunod ng mga sasabihin niya.

  14. Doc gsto ko sana mgsend ng picture para hingin ung opinion mo kung ok po ba yung ginawa ng dentist ko sa ngipin ko po thanks.

  15. Paano po ang gagawin kapag maluwag ang bakal na nasa braces mo please help maluwag ksi yung bakal na nasa brace ko ehh

      1. pwede kopo bang ipatanggal doc . ung brace ko
        sa ibang dentist
        natatakot na kc ako ey limang buwan ng nd napapalitan
        magkano po patanggal ?

    1. Nasasabihan ng ganyan kapag sobrang pasaway ng pasyente. Ang ginagawa sa ganyang kaso ay tinatanggal ang brace. Kapag nakapagdecide na ang pasyente sa kanyang tunay na pakay sa buhay saka pa lang pupunta ulit sa dentist.

  16. Doc ask ko lang po, grade 11 po ako nagstart magbrace at sa province po ko nag aaral, tapos after 2 school year e magcocollege na po ko sa manila. Ang inaalala ko po e baka hindi po ako makapagadjust monthly pag nasa manila na ko kasi sa mindoro po ako nagpabrace. Pwede po kaya ituloy yun sa ibang dentist?

  17. Hi Doc! May bangkil ako dito sa upper left, kapag mag smile po ako, lumalabas ito. Nahihiya ako, kaya tinatakpan ko nalang kapag tumatawa or kapag nag ssmile. Ano po ang gawin sa bangkil ko sa upper left?

  18. Doc mag isang buwan na ako naka brace. Sabi kc nila masakit daw ang mga gilagid namamaga daw. Pero sa akin walang ganun ng yari. Ok lng po ba yun kahit hindi ko naramdaman ang pamamaga bg gilagid at kirot.?????

  19. Pede po bang maiwasan ang lockjaw? pag nag pa braces ka?, actually di pa naman po ako nag jawlock pero minsan or napapadalas kapag kumakain ako ng mga matigas or ngumunguya sumasakit yung kaliwang panga ko or yung part ng (temporo mandibular joint) and natatakot po akong ngumuya masyado kase baka mag lockjaw nga po ako doc. Kung mag papabraces na rin lang po ako san po ba yung sigurado or garantisadong magandang puntahan para mapakunsulta po ito? around manila/caloocan lang po sana doc, also may sungki rin po kase ako so ayon po balak ko pong mag pa braces, na dagdag lang po ‘tong pagsakit or minsan parang ang hirap ibuka ng bibig ko and parang mag hahang po siya doc. Thankyou and advance po sa sasagot doc ^_^.

  20. hi. may natanggal po akong ngipin sa upper teeth ko, maayos po ba ito ng braces para mahmukhang kumpleto ulit ang upper teeth ko?

  21. Hi Po. Mag tatanong po sana ako Bali po Gusto ko sna mag pa brace kaso po Yung Bagang ko kabilaan e sira na po Tapos Yung Isang bagang bago mag Wisdon tooth okay pa po kaso may sira Okay lang po ba yon? madumi at may mga bulok rin po kasi ako sa ngipin. salamat

  22. Ahmmm hai dok…ask ko lang po,para sa inyo kung malala ang ngipin magkano para sa inyo ang price?at kung d gaano malala magkano para sa into?thanks doc…

  23. good day po doc. 2 months npo kong naka brace nagdikit na po ang ngipin kong may spaces pero may isang ngipin ang umuurong paloob kahit di talaga ako sungki. ano po kaya dapat kong gawin

  24. Hi Doc, matagal na po akong hindi nakabalik sa dentist ko kasi malayo po, eh ang dami na po natanggal na bracket sakin, hindi ko pa po kaya magpa install ng bago sa ibang dentist kasi start from scratch po diba po. If ever po ba magpapa tanggal ako ng brackets sa ibang dentist, nasa magkano po kaya aabutin ng presyo po? Wala po kasi talaga akong idea. Salamat po ng marami Doc.

  25. yung sa baba ko po may dalawang ngipin na natanggal sa left side pwede pa po ba ibrace yun?sabi kasi ng dentist ko wala na daw pong kakapitan eh ang problema po humiwalay na po yung ipin ko sa gitna

  26. hi doc.
    Kakalagay ko lang po ng braces last week. Ask ko lang po bakit po ung iba may lock sa dulo yung sakin po wala

  27. Okay lang po ba na sa ibang clinic magpa pasta bago sa clinic kung saan magpapa consult for braces? Mas mura po kasi hehe

  28. Ilan taon po ba dapat isinusuot o ginagamit ang braces? Pwede po ba itong umabot ng mga 4 to 5 years?

    At ilan taon po dapat isuot ang splint?

  29. Good day Po. May I ask Po kung kailangan Po ba ng record sa ngipin sakaling magpatanggal Ako ng braces sa pinas Po?
    Thank you sa response.

Leave a Reply

%d