Braces in San Juan

Pauline : Hi doc . May Kulang po akong 2 teeth sa bagang sa baba, kahit daw po na magpabrace ako, babalik parin dw po sa dati, maghihiwa hiwalay parin daw po kaya kailangan ko magretainers or ung pustiso daw po para sa maintenance, hanggang kailan po ako magreretainers doc? Sobra po akong worried sa teeth ko

Ask the Dentist : Ilang taon ka na? Pwede maayos yan nang hindi naghihiwa-hiwalay. Maghanap ka lang ng magaling na dentist.

Ask the Dentist : Ikaw din ayat yung nagcomment sa website. Ito yung reply ko doon sayo:
Maghanap ka ng magaling na dentist. Ikaw yata yung nag-PM sa FB ko. Maganda ka, huwag mo pabayaan ang ngiti mo. Alagaan mo ang ngipin mo. Magsepilyo after kumain, magfloss bago matulog, magpalinis ng ngipin sa dentist kada anim na buwan. Maghanap ka ng magaling na dentist para hindi ka mapariwara. Oks?

Pauline : ok po thank u

Pauline : Pero magreretainer po ba talaga ko? Tas hanggang kailan? kasi po magpapabrace ako .

Ask the Dentist : Ilang taon ka na? Nagpaxray ka na ba?

Pauline : I’m 14 . Hindi pa po . Pero sabi kasi ng dentist ko ganun daw. Magreretainer parin dw po ako for maintenance

Pauline : Kasi kulang ang teeth ko

Ask the Dentist : Ano ang problema sa ngipin mo? Yung bungi lang ba? Picture an mo yung smile mo para makita ko. Sa age mo, hindi braces agad. Kung may problema sa ayos ng ngipin, appliance na muna. Kung anong klase ng appliance ay depende sa sungki mo.

Pauline : Ayan po doc

Pauline : May Kulang akong 2 teeth sa baba

Pauline : Sa taas complete pero hiwalay hiwalay

Ask the Dentist : Ah. Madali lang yan.

Pauline : Ano po gagawin sa ganyan

Ask the Dentist : Ang unang ipapagawa sayo ay magpacephalometric xray at panoramic x ray. Base sa xray ang mga susunod pang dapat gawin.

Pauline : Ahh ok po

Leave a Reply

%d