Braces sa Philippines pero sa ibang bansa nakatira

Grace : good evening po doc,

mag tatanong lang po sana ako kung pwede ba mag pa brace ulit kung hindi sobrang naayos yung ngipin? naayos naman po kaya lang parang yung right side partng teeth ko hindi naayos? nag ask po ako sa dentist sabi niya ok naman na daw po at hindi na daw po talaga maayos ung alignment yata ung about sa molar yata?

salamat po

Ask the Dentist : Pwede.

Grace : Hi doc, mag ask lang po ako. Meron po ba talaga na braces na kahit 1 year di ka mag punta sa dentist? Nag wowork po kasi ako sa ibang Bansa and sabi ng dentist meron daw po na ganun. Thanks po!

Ask the Dentist : Sugal yan. Kung saan ka madalas, doon ka magpabraces.

Grace : Doc good morning po self ligating daw po tawag dun? At may magagawa pa po ba kung ang mga ngipin ko eh naka lock na daw po? Cross bite daw po ako. Sabi po kasi ung dentist daw na nag brace saken before instead bunutin ung wisdom tooth ko ung isang ngipin po sa harap ang binunot. Pero sabi po kung self ligating magagawan pa daw po ng paraan? Salamat po doc.

Ask the Dentist : Hi. Isipin mo. Ito ang number 1 na dahilan kung bakit “kung saan ka madalas ay doon ka dapat magpabraces”. Isipin mo, kung natanggalan ka ng bracket at nasa ibang lugar ka. SIno ang magdidikit ng bracket sa lugar na iyon? Babalik ka sa Pinas? Babalik ka sa clinic ng dentist mo? Self ligating man o hindi, kung natanggal ang isang bracket, sino ang magdidikit? Ikaw? Madami pang ibang dahilan, hindi lang ang pagkatanggal. Isa na din ang maintenance ng ngipin mo, kung may braces ka, kapitin ng dumi, prone sa caries. SIno ang magmimaintain? Ikaw? Kawawa ka lang habang masaya ang dentist mo.

Magsend ka ng panoramic x ray para makita ko ang sinasabi mong nakalock.

Ask the Dentist : Sa braces, laging tinatanggal ang wisdom teeth. Absolute yan. Pampagulo ang wisdom teeth.
Alalahanin mo, hindi kita pinagkakakitaan, kaya ang payo ko walang impluwensya ng pera. Hehehe!

Grace : Kasi po doc nung nag pa brace po ako before di po tinanggal ung wisdom teeth ko. Sige po papa X-ray po muna ako. Kala ko po kasi ung sinabi nila na self ligating eh hindi matatanggal na ung mga bracket eh.
Salamat po doc ah. Pacensiya na po kung makulit hehe
And usually doc how much po ang self ligating braces?

Ask the Dentist : Hindi ko alam kung gaano kalala yang ngipin mo, kaya hindi ko masasabi kung magkano.

Grace : Ok po doc salamat po.

2 thoughts on “Braces sa Philippines pero sa ibang bansa nakatira”

  1. tanong ko lang Doc. kung anong age bracket ang bata ang pede mag pa brace at kung anung age bracket din ang hindi na pede mag pa brace

Leave a Reply