Update kay Ask the Dentist

May : Saan na po ang clinic nyo?

Dr. Jesus Lecitona : Sa Marikina,
Anoticel Dental Clinic
18 W.Paz Sta Elena Marikina City
https://www.facebook.com/AnoticelDentalMarikina

Sa Pangasinan,
https://www.facebook.com/PangasinanBraces

Pwede nyo ako tanungin sa tiktok
Ask the Dentist on Tiktok

Saan ang Clinic ni Ask the Dentist

Josel: Doc saan po ang clinic nyo? Magpapabraces po sana ako.

Ask the Dentist : Ito ang mga clinic namin:

Anoticel Dental Clinic
2nd floor Capital Building
Mar Arthur Highway
Urdaneta Pangasinan

By Appointment
Mobile Phone : +63 915 296 0584
Text for appointments

Anoticel Dental Clinic
166 Carmen East,
Rosales, Pangasinan
In front of LBC, gotokoto. Beside pet essential, near mcdo.

Mobile Phone :
Text for appointments
Clinic Hours : 8:30 AM – 5:00 PM

Miclat Lecitona Dental Clinic
276 San Antonio St
Rosales Pangasinan 2441

Mobile Phone : +63 977 804 8076
Text for appointments
Clinic Hours : 8:30 AM – 5:00 PM

Miclat Lecitona Dental Clinic
Pozorrubio Pangasinan

By Appointment
Mobile Phone : +63 977 804 8076
Text for appointments

Recommended Dentist sa QC

Jj : Hi dok magkano po kya magpa bridge..isa lang ang bungi ko..at saan po ang recomended na destist nio..tga pembo makati po ako.

Jj : Dentist

Ask the Dentist : Madaming klaseng material ang pwede gamitin sa bridge. Kung all porcelain bridge yan, aabot din ng 40 – 60K. Kung porcelain fused to metal bridge, 15 – 25 K.
http://costdentures.com/fixed/pfmb/

Ask the Dentist : Quezon city lang ang alam ko: http://dentistquezoncity.com/

Gusto Maging Dentist

Kim : Hello po ako po yung nagtanong kung pano maging dentist
magkano po ba ang tuition fee pag pre-dental then Dentistry proper

Kim : 6 years po diba wala po bang sideline tulad ang mga estudyante ng dentistry?

Ask the Dentist : Di ko alam sa tuition. INquire ka sa mga schools.

Ask the Dentist : Meron, pwede ka maging assistant sa clinic kung magaapply ka.

Dentist Batangas

Ha : Hi doc! Magandang araw po! itatanong ko lang po sana kung ano ang pinaka mainam na gawin sa ngipin ko po. May kasamaan po kasing tingnan ang dalawang ngipin sa unahan at para pong napipingas sya habang tumatagal. May dalawang dentist po akong pinuntahan, magkaiba nga lang po ang payo nila. Yung una pong dentist, ang sabi ay kailangan daw po ipajacket yung dalawa kong ipin sa una.tinanong ko po kung kailangan ko magpabrace, sabi nya, hindi na daw kasi pantay na naman daw yung ipin ko. Then yung isa pa pong dentist eh sabi kailangan daw po muna ipabrace ang ngipin kasi overbite daw po, at para din daw po mejo tumaas yung kaliwa kong ipin kasi mababa na daw po. Tapos saka nya daw po ijajacket yung dalwang ipin. Sana po ay masagot nyo ito.. At kung ipopost nyo man po ito ay sana po pakihide ng aking identity. Marami pong salamat. Mag aatach na din po ako ng pic ng ipin para hindi kayo mahirapan magimagine.hahaha

Ha : Kung halimbawang ngipin nyo po yan, ano pong gagawin nyo? Kung mapapansin nyo po, mas maliit talaga yung left tooth, ewan ko nga ba kung papaanong nauwi sa ganito ang ngipin ko. Hindi ko napansin, not until pinuna ng mom at tito ko sa skype tapos vinideo ko sarili ko at omg, super sama naman nga pala tingnan, looked like a monster na halos. Kitang kita sya pag nagsasalita ako, hindi ko naman yun napansin sa salamin. Sama talaga. <\3 Ask the Dentist : Ipabraces mo muna. Kapag naayos na, saka ka magpaveneers.

Ask the Dentist : http://costdentures.com/ask-the-dentist/veneers-patients-gum-disease/

Ha : Thanks po ng marami.

Ha : Mga magkano po kaya pabrace ngayon? And ano po bang classification ng case ko, ito po ba ay mild or severe po? And gaano po kaya katagal ako kailangan magbrace kung tatanchahin nyo po? 24 y/o po ako..

Ask the Dentist : Mga 40 K pataas.

Ha : thank you po.

Ha : May kilala po ba kayong dentist dito sa batangas?

Ask the Dentist : Wala. QC lang.

Pekeng Dentista – Fake Dentist

Masamang dulot ng DIY Braces = Pagkalagas ng Ngipin
Masamang dulot ng DIY Braces = Pagkalagas ng Ngipin

Sheryl : Nagpabraces po ako. Nakita ko lang ang page niya sa Facebook ang page niyang Affordable Braces.. Murang mura po kasi. Doc, paano ko ba malalaman kung peke ang dentista ko?

Ask the Dentist : Hi Sheryl. Unang una. Quality comes with a price. Lagi kong sinasabi, wag mo hanapin ang cheapest. Ang cheapest siguradong low quality. Tama nga na magduda ka kung murang mura.

Maraming paraan para malaman kung peke ang dentist mo.

Sa Dental Clinic
Required ang dentist na nakasabit ang certificates at mga papeles niya galing sa Professional Regulation Commission (PRC). Hanapin mo ang mga nakasabit. Kung may mga papeles siya mula DTI at school kung saan siya graduate ay mabuti. Pero ang pinaka mahalaga ay ang mga certificate niya mula PRC Board of Dentistry.

Pero hindi porke kumpleto siya ng papeles mula PRC ay sigurado nang dentist siya. Madaling mameke ng mga certificate na sinasabit. Madaling magscan, photoshop at magprint ngayon dahil sa technology. Kaya, ipagpatuloy mo ang pagbabasa, nasa dulo ng post na ito ang pinakaeffective na pamamaraan.

Sa Google, Yahoo at Bing
Search mo sa Google (Yahoo or Bing) ang pangalan niya. Kung lumitaw ang website ng clinic niya, mabuti. Karamihan sa mga tunay na dentista naman nagpapagawa na talaga sila ng website. Pero hindi porke nahanap mo sa google ang pangalan niya ay siguradong tunay siyang dentista. Sa PRC mo malalaman kung tunay ba o peke siyang dentist. Kaya, ipagpatuloy mo ang pagbabasa, nasa dulo ng post na ito ang pinakaeffective na pamamaraan.

Sa PRC
Pwede kang pumunta sa main office ng PRC sa Manila. Kuhanin ang buong pangalan ng dentist mo. At itanong doon kung tunay ang dentist mo. Ang Main office nila ay:

PRC map location
PRC map location

Professional Regulation Commission
P. Paredes St. corner Morayta St. in Sampaloc, Manila.
Tel. (632) 3100026
Telefax (632) 7354476
License Verification
(632) 3102020

PDA Warning about DIY Dental Products
PDA Warning about DIY Dental Product

Sa PRC website
Ito ang pinakaeffective na pamamaraan. Bisitahin mo ang website ng PRC, http://www.prc.gov.ph/

Click to enlarge
Click to enlarge

Hanapin mo ang button na ito:

Verification of Dentist
Verification of Dentist

Piliin sa drop down form ang “Dentist”

Itype ang kumpletong pangalan ng dentist (example George John Michael K. Rocks)
Itype ang kumpletong pangalan ng dentist (example George John Michael K. Rocks)

Itype ang buong pangalan ng dentist. Kailangan buong pangalan. Buong pangalan ang kailangan. Tama ang spelling. Hindi spelling ng taga-Star Bucks.

Kung, ang lumabas ay:

VERIFICATION RESULT:
Error No matching record found

Possible na peke ang dentist mo.

Pero
1. Dapat mong siguruhing buong pangalan ang itype mo. Kanina ko pa inuulit ito. Kung dalawa ang pangalan (John Michael), dapat itype mo buong pangalan din. Kung dalawa ang pangalan niya, halimbawa George Johnny, at naitype mo ay George lang, hindi yan lilitaw.
2. Dapat mong malaman na kung kakapasa ng dentist mo, kunyari, kahapon lang naiannounce ang dental board exam results, malamang wala pa sa listahan ng PRC website ang pangalan ng dentist mo.
3. May mga dentist na hindi nila inilalagay sa prescription pad nila ang buong pangalan nila. Halimbawa, yung kaibigan ko, napakaganda ng pangalan niyang ginagamit, pinaikli niya mula sa tunay na pangalan niya. Dahil ang tunay na pangalan niya ay pangalan ng bold star ilang dekada na ang nakakaraan. Matagal na misteryo yun noon sa dental school kung ano ang tunay na pangalan niya. Noong grumaduate, saka ko lang nakita buong pangalan niya noong inannounce ang mga graduates sa stage.

Magaling na Dentist

Edree : Hi doc, hihingi po sana ako ng recommendation nyo na magaling magpasta at magaling na TMJ. So far, yung napapastahan ko sa ____ Health Service ang pinakamagaling nga lang nde ko nakuha name hehe. Pero yung gawa nyang pasta sa front tooth, naitulak yung left tooth masyado so d na aligned yung two front teeth ko Thanks po!

Ask the Dentist : List – http://www.askthedentist.tv/clinics/

Edree : Thanks po how about sa Alabang area? Mas malapit kasi ako sa Alabang.

Ask the Dentist : Tingin ka sa list ng malapit sayo.

%d