Santino : Doc, may dentist ba ang dentist?
Ask the Dentist : Oo, may dentist ang isang dentist.
Itanong mo sa Dentista!
Santino : Doc, may dentist ba ang dentist?
Ask the Dentist : Oo, may dentist ang isang dentist.
Ronald : Dear dentist. Laging akong nagbabasa nitong website nyo. May tanong po ako.
May crush ako. Crush ko na siya nagaaral pa kami. May boyfriend siya noon. Bantay sarado. Kahit anong epal ko, hindi niya ako mapansin.
Ilang buwan ang nakakaraan, nagkakilala kaming muli. No. Siya lang siguro, nakilala niya ako. Dahil ramdam kong kilala ko na siya buong buhay ko.
Noong makita ko siya, nahiya ako kasi baka mahalatang kilala ko na siya, siya hindi niya pa ako kilala. Sabihin pa niyang, stalker ako. Na mukhang ganun na nga. Pero inapproach ko pa rin. Tagtag ng puso.
Unang date namin mamaya. Ang tanong, paano ko ba malalamang gusto niya din ako?
Ask the Dentist : Gusto kong sabihin naliligaw ka. Gusto ko ding sabihing dapat sa love expert ka nagtanong. Pero dahil may specialization ako sa puso, sasagutin ko ang tanong mo.
Sa pagsakay sa kotse, ihatid mo siya sa pinto ng kotse. Pagbuksan mo. Kung mababa ang kotse, harangan mo ang lugar na pwede siyang mauntog. Isara ang pinto.
Sa pagpunta mo sa gawi ng driver seat, hintayin mo. Tumayo ka doon sa tapat ng pinto. Pasimple. Kung ikaw pinagbuksan niya mula sa pagkakaupo niya sa side niya sa loob ng kotse. Gusto ka niya.
Matapos ang date. Inihatid mo na siya. Nagkapaaalaman na kayo. Pagtalikod niya. Hintayin mo, titigan mo. Mga ilang sandali pagkatalikod niya. Hintayin mo. Kung siya tumanaw/tumingin sayo pabalik. Gusto ka niya.
Kung hindi nangyari ang mga bagay na ito, huwag kang magalala. Habang may buhay, may pag-asa.
Good luck! ๐
Para sa aking mga tagapagtangkilik at manananong:
Ako ay umattend ng convention ng mga dentista ngayong buong linggo. Magiging mabagal ang pagsagot ko sa tanong niyong pangdental na kalusugan.
Magtanong lang kayo dito at sa facebook. Sasagutin ko kapag ako’y nakauwi na. ๐
Chill. Maging proud Spartan kayong lahat.
Lovingly yours (Bwahaha!)
Ask the Dentist
Meri krismas sainyong lahat! Hindi ako makapagupdate dahil sa internet connection kong Globe na sobrang bagal magopen ng websites at mabilis lang sa facebook.
Sa mga minamahal kong mambabasa at manananong. Napakabagal ng Globe tattoo hindi ako makapagupdate.
Libing ng nanay ko ngayon. Sasagutin ko ang mga tanong niyo, pagbalik ko.
Ohohmelody : doc nung bata pa po ako , takot po ako sa dentist kaya hindi ko po pinabunot yung ngipin ko , then may tumubo po doon sa may canine tooth po, hindi naman po sya nag overlap sa ibang ngipin ko , pero ang origin ng tooth na ito ay nasa mas mataas na parte ng gums ko. doc, maayos pa po ba ito ? T_T
Ask the Dentist : Madali lang yan, ipabraces mo. Pero ang napansin ko, parang may periodontal problem ka. Kailan ka huling nagpalinis sa dentist?
Ohohmelody : ayy , mabuti nlang.. salamat po sa pagsagot pero ano po ba yang periodontal problem ? heheh. matagal na po nung last ako nagpalinis, 2009 pa po yta yun, nung nagpa’pasta ako. ang napansin ko po kasi sa ngipin ko , palagi nman po ako ng to’tooth brush , gumagamit ako ng mouthwash and nag fo’floss po ako , pero madali lang tlga masira ngipin ko. T_T.
Ask the Dentist : Kailangang magpalinis sa dentist every 6 months.
Ohohmelody : uhm , salamt po sa pagsagot pero parang hindi nman po ganyan ang form ng teeth ko, parang katulad po nung kay angeline quinto. sungki po yta ako eh. parang pangil po kasi itong teeth ko.
Ohohmelody :
Ohohmelody : front view at side view po
Ask the Dentist : Hindi ko sinabing ganyan. Sinagot ko yung tanong mo tungkol sa periodontal problem.
Madali lang yan. Ipabraces mo, maaayos yan.
Ohohmelody : hehe. ok po doc magkano po ang magpabraces kung ganito po ang ngipin, magkano po aabutin ?
Ask the Dentist : Mga 40 thousand din pataas.
Ohohmelody : 0_0 .. naku ! paano ko ito sasabihin sa nanay ko ? ang mahal pala talaga. cge po doc . maraming salamat po sa pag’answer :))) God bless po
Ask the Dentist : Oks.
Jerome : meron ba sa pasay…ska wla na ba ung ibaba??tnx
Ask the Dentist : Pakilinawan yung tanong mo. Merong LRT sa pasay. Meron din motel. Ano wala nang ibaba? Kanal ba ang tinutukoy mo?
Ito ang nagpapatunay na walang dental problem ang mga Spartan. Garantisado!
300: RISE OF AN EMPIRE
Opening across the Philippines in March 2014, โ300: Rise of an Empireโ will be distributed by Warner Bros. Pictures, a Warner Bros. Entertainment Company.
Frannie : Palagi po ba kayong nag-uupdate ng list of approved dentist niyo? Kailangan ko po kasi ng dentist na malapit lang po sana sa Manila. Sa Sta. Ana, Manila po kasi ako nakatira. Magkano rin po ang consultation fee? Salamat ng marami.
Ask the Dentist : Yun lang. Syempre, yun lang alam ko ang klase ng gawa. Hindi porke nalaman ko ang pangalan ilalagay ko doon.