How to Post a Question in Ask the Dentist

Evangeline : How to post a question in itanong mo sa dentista?

Ask the Dentist : Madali lang.

Like our page: https://www.facebook.com/askthedentistphilippines
Click message and ask me.

Pwede ding gamitin ang comment form sa mga posts dito sa Ask the Dentist website.

Dentures Cost Guide Official Website

Alright. Mga matanda, mga bata. Babae o lalaki. Maganda o mas maganda pa. Taga syudad o taga probinsya. Mga mababasa ng Ask the Dentist. Ako po ay kasama sa nagsusulat para sa http://www.denturescostguide.com/ . Karamihan sa mga litratong nandoon ay gawa ng inyong lingkod.

Dahil sa hangarin kung sumagot sa mga tanong. Pwede niyong paduguin ang ilong ko sa english. Mangyari lang magtanong sa legendary Q & A page ng:

Dentures Cost Q & A – denturescostguide.com
Dentures Cost Q & A – denturescostguide.com

AT syempre pwede kayong magtanong sa pamamagitan ng post na ito ng Ask the Dentist. 🙂

Walang matibay sa batong malaki

Ask the Dentist: Noong bata ako, uso pa ang tirador. Minsan, nagkaroon ng payabangan. Kanino ang may pinakamatibay na tirador. Syempre payabangan, mas matibay ang tirador ng bawat isa, kanya kanyang papuri sa kanyang kanyang tirador.

May tirador na gawa sa nara. May tirador na binili sa palengke. May tirador na gawa sa puno ng kaimito. May tirador na gawa sa puno ng bayabas. May tirador na gawa sa bakal.

May nagsuggest na testingin ang mga tirador para mapatunayan. Babagsakan ng malaking bato ang bawat isang tirador. Kung anong tirador ang hindi nabali, syempre siyang pinakamatibay.

Nabali ang gawa sa nara. Nabali ang tirador na binili sa palengke. Nabali ang tirador na gawa sa puno ng kaimito. Nabali ang tirador na gawa sa puno ng bayabas. Hindi nabali ang tirador na gawa sa bakal.

Ang tawa ng kaibigan ko. Pinagyabang niya pang lalo. Ang ika, “Sabi ko sa inyo eh ang tirador ko ang pinakamatibay. Sige bagsakan niyo pa ulit ng bato.”

Binagsakan ulit ng malaking bato. Hindi nabali.

Tuwang tuwa ang kaibigan ko. Lalo pang yumabang. “Wala pala ang mga tirador niyo eh. Bagsakan niyo pa.”

AT binagsakan pa ng malaking bato.

Nabali.

Halatang nangingilid ang luha sa kanyang mga mata. Habang tinatagni ang hating tirador.

Moral lesson
Walang matibay na tirador sa batong malaki. 🙂

Madaming salamat sa mga bumibisita

Dumarami ang bumibisita sa Ask the Dentist.

Dumarami ang tanong.

Madami na ding mga tanong ang nasagot. Sa FB man o sa dito sa website.

Sa kaunaunahang pagkakataon, nagexceed ang Ask the Dentist sa bandwidth.

Isa itong tagumpay.

Tagumpay hindi lang sa mga taong may dugo ng Sparta. Maging sa mga simpleng tao. Mga taong walang bahid ng dugo ng Sparta. Mga pinoy na bumuto kay PNoy. Mga pinoy na hindi bumuto kay PNoy. Mga matanda. Mga bata. Mga babae. Mga lalake. Mga maganda. Mga mas maganda.

Naaalala ko tuloy. Noong bata ako. Sabi ko sa nanay kong dentist, balang araw ayokong maging Dentist. Gusto ko maging Engineer. Gusto kong maging Scientist.

Matapos ang mga taon. Ang ate ko naging doctor. Ang kapatid ko naging nurse. Ang kuya ko hindi naging dentist.

Kumuha ako ng exam sa iba’t ibang unibersidad na may Engineering Courses. At ako’y pumasa sa lahat.

Dahil hindi naging dentist ang kuya ko. Kumuha ako ng exam sa University of the East College of Dentistry. Pumasa ako. Naging Dean’s Lister sa Pre Dentistry. Naging Tan Yan Kee Scholar sa Dental Proper.

Matapos ang ilang taon bilang working student. Nakapagtapos ako. Hindi bilang Engineer. Kundi bilang Dentist.

At akalain mo matapos ulit ng siyam na taon sa Dental Practice, nandito ako, sinasagot ko ang mga tanong niyo.

This is not Sparta. This is Ask the Dentist. 🙂

Welcome to Ask the Dentist

Punongbayan : Greetings! I am Punongbayan from the Rotary Club, we will be hosting a medical mission with Lighthouse Baptist Church this March 16 and would like to request for some assistance with dentists who will volunteer for the said mission. This will be at Barangay Tatalon near Araneta Avenue. My number is 0917-.-.-.-. You can text or call anytime. God bless.

Ask the Dentist : Ask the Dentist po ito. Hindi Dental Mission.

Punongbayan : My apologies. Thank you very much.

%d bloggers like this: