Pwede bang hindi magretainer after Brace

James Michael : Good afternoon doc. Pwede po bang Hindi magparetainer kapag tinanggal na po ang braces?

And pwede po ba na sa ibang dentist magpatanggal ng braces?

Ask the Dentist : Magriretainer dapat after braces.
Pwedeng magpatanggal sa iba pero sure na papalpak.

Natatanggalan ng Bracket

Jerome : Hello doc pwede po magtanong kakalagay lng po ng braces ko tpos lage ako ntatanggalan ng bracket gnwa po ng dentist ko pinalitan po ng manipis na wire kaso wala po ako maramdaman na sakit normal po ba yun? Hnd tulad nun una makapal masakit po sya ano po ba dhilan bkit ntatanggal bracket ?

Dr. Jesus Lecitona : Madalas matanggalan sa simula dahil yanyung pinakamagulong pagkakaayos pa ng ngipin mo. Ipapaliwanag sayo.yan ng ortho. Part yan ng binayaran mo sa kanya.
Limited lang kaya ko sagutin dahil hindi ko nakita.yang ngipin mo at x rays mo. 🙂

Jerome : Salamat po

Nakabraces ng 6 years

Cariel : Hi! Good evening doc!
Can i ask you something. Nakabraces na po kasi ako ng 6years at gusto ng tanggalin ng dentist ko(province based) ang braces kahit na open bite pa rin ako pero mas maliit na at may spaces pa rin sa harap. Pumayag na rin ako dahil ang sabi niya ay kailangan na daw tanggalin at ipapasta na lang ang spaces. Kaso ang presyo ng retainer niya ay presyong manila. Nagtanong ako sa ibang dentist sa province namin at mas mura ang retainer nila. Ng bumalik na ako sa dentist ko para ipatanggal ay ayaw na niya nun nalaman niya na ayaw kong magpagawa ng retainer sa kanya.ganon ba talaga?
So nagtanong na din ako sa ibang dentist at dahil daw sa code of ethics ay hindi nila pwedeng tanggalin ang braces ko.

Btw, ngayon lang kasi ako nagbasa about it. Hindi niya ako pinaxray before ibrace.

Dr. Jesus Lecitona : Kung fully paid yan. Pwede mo ipatanggal sa kanya. Kung sino ang ortho mo sa kanya ka magparetainer. Kapag nagpagawa ka sa iba, magsisisihan sila kung bakit pumalya.

Cariel : Yup fully paid.
Thanks!
Cariel : Doc pero kung gusto ko magpabrace ulit pwede ba? Sa iba na. Kasi di ako satisfied sa itsura ng ngipin ko..at ayoko na din gumastos pa sa retainer

Dr. Jesus Lecitona : Patingin ng panoramic x ray.

Cariel : Walang xray.di niya ko pina xray

Dr. Jesus Lecitona : Recent. Recent yung tanong mo.

Cariel : Ah so kailangan mo makita yun xray to decide.ok noted.

Dr. Jesus Lecitona : Oo. Makikita doon yung taas ng buto mo. Health ng buto at ngipin.

Cariel : I’ll have it done then get back to you. Thanks!

Gusto ng DIY Brace

Shannan : Hi doc

Tanong ko lang po, sumasakit po bagang ko . Wala pa naman butas pero may dot dot na itim . 2 years ago na ata last nag pa cleaning ako. Ipapa pasta naba dapat tong may dot yun kasi sabi ng dentist para daw ma prevent pagka butas?

Thank you

Shannan : Pinag iipunan narin po ng nanay ko pam pa brace ko tapos meron nag offer dto sa facebook ng DIY brace kit sobrang mura, nag tanong ako sa nagbebenta kung pwede bang ang dentist ko maglagay. Sabi nya ng nagbebnta pwede daw. ??

Dr. Jesus Lecitona : Ipaxray mo yung sumasakit. Kung infected na yan, pwede ,o ipa-RCT
http://www.denturesaffordable.com/?s=rct&x=0&y=0

Sa braces, yung kaalaman ng dentist ang binabayaran mo, hindi ang materials. Kung ayaw mong mapahamak, wag kang pumatol sa mga katangahan tulad ng DIY.

X ray sa Brace

Ennaiz : Hi doc , may tanong po ako. Sabi po ng dentist ko bubunutan nya ako sa taas ng dalawa kasi overbitedaw po akoand since wala po ako ng isang bagang sa left sa baba . Is there any other procedure po para maiayos kasi ayaw ko po mag pa bunot talaga . Thanks po

Dr. Jesus Lecitona : Patingin ng xray

Ennaiz : Doc hindi po sya nag request ng xray 😔
Actually po 2nd dentist ko na sya 1st na dentist ko wla po sya nirequest na xray and hndi nya din po sinuggest na bubunutan ako

Dr. Jesus Lecitona : Hindi ko masasagot ang tanong nang walang basehan.

Ennaiz : Pero doc okay lang po ba yung mag kakabit ng braces kahit wlang xray na pinag basehan

Dr. Jesus Lecitona : Hindi. http://www.askthedentist.tv/braces-faq

Ennaiz : 😔😔 hala , nkakalungkot po
Salamat po doc
May clinic po ba kayo sa cavite?

Dr. Jesus Lecitona : Wala.

Ennaiz : Doc dapat na po ba ako mag hanap ng ibang dentista ulit

Dr. Jesus Lecitona : Tanong mo sa dentist mo. Sabihin mo na nabasa mo sa ask the dentist. Para magaral sya bago magortho