Masakit ang Gilagid

Daysie : Doc pwede po ba manghingi ng medical certificate sa dentist pag nagpacheck up? 2 days na po kasi sumasakit ng matindi ang ngipin ko namamaga na din po ang gilagid kaya di ako makapasok sa trabaho. Naiimmune na ko sa mefenamic at ibuprofen advil saglit nalang tumalab. Sobra sakit kasi di ko alam kung pinapacheck up po ba ito.

Dr. Jesus Lecitona : Oo pacheck up mo. Read :

Who can Suffer from Gum Disease

Gum Disease

Jiazel : Hello po. Nakita ko po tong facebook nyo sa google at idi-nirect ako ito.

About

May itatanong po sana ako.

Ask the Dentist : Ano yun?

Jiazel : Tuwing nag to-toothbrush po kasi ako ehh may dumudugo po. Ano po yun? At ano pong gamot dun?

Ask the Dentist : Palinis ka sa dentist every 6 months para mawala gum disease mo. Read : http://www.denturesaffordable.com/who-can-suffer-from-gum-disease/

Gustong malaman kung healthy ang bibig

Sean : Hi maam,sir.. Can i ask you for something.. ? Gusto ko lang po malaman kung healty ang bibig ko?
Pano po malalaman yun?
Di po kasi ako pumupunta sa dentista eh.. No time .. And walang budget.. Kaya natanong ko po ? Pano po malalaman?
Kung healthy sya and maayos ba? Walang sakit ? Mga ganung bagay po?

Ask the Dentist : Punta ka sa health center.

Who can Suffer from Gum Disease

Umuga ang Ngipin

Jessica : Hello, may loose teeth po ako. Nag start po ito nung nagpalinis ako ng ngipin. After a year bumalik po ako sa dentist para magpa-pasta ng ngipin. Nag recommend siya ng braces kasi po yung ngipin ko sa unahan naghihiwalay unti-unti. Then sabi ko if okay lang yun kasi umuuga mga ngipin ko since nagpalinis ako ng ngipin. Napaliwanag naman niya sakin ang posibleng dahilan. Ang tanong ko lang po, pwede po ba akong magpalagay ng braces kahit umuuga mga ngipin ko?

Dr. Jesus Lecitona : Hindi yung pagpapalinis ang dahilan. Yung minsan kada isang dekada ka magpalinis ang dahilan. Ang periodontl disease ay nangyayari kung once lang magpalinis ang tao sa tanang buhay nya. Every 6 months ang pagpapalinis.

Who can Suffer from Gum Disease


Hindi ka pwede magbrace kung may periodontal disease ka, dapat muna magamot yan.

Jessica : Yun nga po ang sinabi niya kailangan daw pakapitin yung ngipin sa gums? Mga how much po ba ang ganung gamutan?

Dr. Jesus Lecitona : Yung dentist mo ang makakapagsabi depende sa makita nya sa xray mo.

Jessica : May maisa suggest po ba kayong home remedy just in case habang pinag iipunan ko ang treatment?

Dr. Jesus Lecitona : Walang home remedy yang ganyan.

Jessica : Mga gaano po katagal ang treatment?

Dr. Jesus Lecitona : YUng dentist na makakakita ng x ray mo ang makakapagsabi kung gaano katagal.

Jessica : Ah okay. Last question po covered po ba ng health card ang treatment para dito?

Dr. Jesus Lecitona : Hindi. Halos wala naman covered ang health card.

Jessica : Okay sige po. Thanks

Magkano ang Cleaning

Alyssa Jane : Hellow doc. Can ask if pwde ba magpalinis ng ngipin ang 8 months pregnant..

Dr. Jesus Lecitona : Yes. Pero hingi ka ng clearance mulA sa ob gyne mo.

Alyssa Jane : ‘. My ob. Ask me yesterday if nakapagpadental na ako..sB KO NDE pa ang sabi kc need KO yun

Dr. Jesus Lecitona : Kaya nga hingi ka ng clearance sa kanya. Tapos ipakita mo sa dentist na pupuntahan mo.

Alyssa Jane : K po thanks.

Alyssa Jane : .. Doc ask KO lang magkano po pacleaning hung common price?

Dr. Jesus Lecitona : Iba iba kada lugar.

Pwede ba magpalinis ang bagong bunot

Jessa Lou : Hello po pwede magtanong , Kailan po pwede magpalinis ng ngipin ang bagong bunot?

Hello po pwede magtanong , Kailan po pwede magpalinis ng ngipin ang bagong bunot?

Dr. Jesus Lecitona : Kapag nagsara ang pinagbunutan.

Who can Suffer from Gum Disease

Deep Cleaning

Rainer Pier : Doc magkano po ba ang price range ng pagpapa-deep cleaning. Thanks!

Dr. Jesus Lecitona : 2k pataas. Depende sa lala at gum disease.
Browse

Who can Suffer from Gum Disease

Rainer Pier : Doc ilang session po ba ang pagpapalaser whitening at ilang minuto po ang aabuten? Thanks!

Dr. Jesus Lecitona : Depende sa system.

Pangil is very vampire like

Rieza Mariel : Good day, doc! If the front teeth is this worse, what treatment coud you suggest? Also, the pangil is very much vampire-like, which, of course, I do not fancy. How could a dentist possibly give salvation to my front teeth? And of course, how much would it cost? I’m looking forward for your positive reply. Thanks a lot, doc!

Sakit sa gilagid
Sakit sa gilagid

Dr. Jesus Lecitona : http://www.denturesaffordable.com/who-can-suffer-from-gum-disease/

Rieza Mariel : Doc. Is there, by any chance, a medication for me wherein I could get the perfect smile without replacing my real teeth with false ones like dentures? This maybe ambitious (considering the severity of my teeth’s case) but I don’t really want to get my original teeth replaced if possible.

Dr. Jesus Lecitona : Pagamot mo yang gum disease mo. Browse mo yung site na binigay ko. Simulan mo dyan.

Dr. Jesus Lecitona : Ang gagawin mo punta ka mamaya sa dentist. Tapos sasabihin mo, ipapagamot ko po itong gilagid ko. Yung dentist na pupuntahan mo alam nya ang gagawin nya dyan. Depende sa lala base sa mouth examination.

Rieza Mariel : Okay doc. Hahaha thanksss sorry okay magta-tagalog na po. Pero based po diyan sa pictures, mga magkano po kaya ang estimated cost ng pagpapagamot ng gums ko?

Dr. Jesus Lecitona : Patingin ng x ray para makita ko kung magkano.

%d