Klariz : Hello po. I just had my 4 front teeth jackets. Okay naman po, ang problem lang, parang mejo makapal sya at pantay na pantay. 1. Pwede ko po bang panipisan at paliitan yung dalawa sa gilid?
kung hindi pwede,
Yung 3 teeth simula pangil ko po na ngipin both sides ay naka paloob or hindi sya kita pag naka smile ako (overjet bite po ako). So muka daw po akong donkey ni shrek dahil ang kita lang ay yung 4 na malaki at konting kita sa pangil xD
2. Pwede ko po ba ipa-adjust or move outward yung mga teeth na yun?
Kung braces po yung treatment sa question 2:
3. possible po ba yun kung yung 2 sa teeth jackets ko ay magkadikit/magkasama?
Nahihiya na po kasi ako magtanong sa dentist ko kasi ang dami ko nang natanung sa kanya =] Thank you in advanced po. I can send a photo din po if you want to see.
Ask the Dentist : Send a photo.
May bungi ba or jacket lang?
Klariz : Jacket lang po. Yung 2 na teeth sa right nung front view na pic, magkadikit po sya.
Yung red lines, ganun po sana yung gusto kong mangyari kase mejo pa-pasok po yung directions nung mga ngipin. salamats po.


Ask the Dentist : Saan diyan ang magkadikit? Magkano mo binayaran? May xray ka niyan? Ideally, ipapabraces mo muna. Base sa photo na iyan, sungki sungki mga ngipin mo. Mas mabuti kung maayos muna. Pagkatapos ng ortho, aayusin ang jacket crowns mo. Yung magkadikit na crowns mo, malamang na tatanggali muna at papalitan ng temporary para mapagalaw sa braces. Unless nagdecide ang dentist mo na huwag na i-engage sa braces at huwag na galawin at bawiin na lang sa prosthodontic restoration.
Depende sa ayos ng ngipin mo sa baba, pwede din namang papalitan lang ang crowns mo. Hindi maganda ang kalalabasan kung babawasan ang crowns mo, unpredictable, pwedeng mabasag, pwedeng mamuti, pwedeng mas lalo pumangit. Pwedeng din bawasan, yun lang mas maganda kung papalitan na lang.
Madalas ako makakita ng ganyang crowns, ang madalas na dahilan, naghanap ang pasyente ng pinakamura. Ang quality may halaga. Kaya habang pababa ng pababa ang presyo, ang quality bumababa.
Klariz : 3500 per tooth po. Super mura po ba yun? Yung dalawa sa left side po ung magkadikit. Yung temporary na ipapalit po b kung sakali ay panget tingnan? Wala pong xray eh.
If ever po ipa-brace, yung hindi magkadikit ay hndi tatanggalin? Hndi po ba maiiba yung position nun tas papangit?
So wala na po sa option ang pagbawas.
Salamat po. Merry christmas!
Ask the Dentist : Oo mura yun, kaya pangit. Ang kapangitan ay depende sa gagawang dentist at kung magkano niya siningil. Siyempre kung mura, mababa ang quality. Tatanggalin yung magkadikit kasi hindi magagalaw ng braces kapag magkadikit. Maiiba ang position.
Doc ask ko lang po kunwari po basag at bulok na 5 na front teeth majajacket parin. Po ba un
Yes and No. I’ll be able to provide you a definitive yes or no answer if I get to see your case clinically with necessary diagnostics