Anna : Hi Doc. Advisable pa ba ang dental implant for senior citizens na nag-recede na (yata) ang gums? The person wears a full set of upper dentures but getting tired of it.
Ask the Dentist : Paanong full set? Wala ng ngipin ang patient? Pwede ang implant sa senior citizen, provided na healthy ang patient.
Kung wala ng ngipin ang pasyente, possible na bridge na sa implant kumakapit. Yun lang expect na mahal ang gastos. Pwede ring implant retained denture, yun lang parang complete denture din lang na mas makapit, dahil retained siya ng implant.
Kapag senior citizen, expect na mahal ang gagastusin. Maliit na ang buto nila kaya kailangan magdagdag ng buto. Mahal ang bone graft.
Anna : Wala nang upper teeth, doc. Actually, okay na sa kanya ang (full) dentures. Kaya lang, tatlong beses na sya nagpagawa …panay pangit. Nasasayang lang. The current one she wears has thinned out na. Doc, gumagawa ka din siguro ng full dentures. Siguro magaling kang gumawa. Can you give a price estimate … Where’s yur clinic located, doc?
Ask the Dentist : Oo, gumagawa ako ng dentures. Pero hindi ako tumatanggap ng patient galing sa website. Masyaong delikado. Nasa FAQ page ko kung bakit. Tignan mo na lang yung recommended dentists ko na nakapost sa website.
Anna : Huh? Ang haba ng FAQs hirap hanapin. Anyway, I hope to consult with you one of these days. SM Santa Mesa clinic mo?
Ask the Dentist : Nasa website ang FAQ. Sa fb ka ba galing directly o sa website? http://www.askthedentist.tv/faq/
Ask the Dentist : Sorry. Hindi ako tumatanggap ng pasyente galing sa website o galing dito sa FB. Sumasagot lang ako sa tanong for free. Hindi marketing strategy yang website.