Dentist

Ang mga dentistang sumasagot sa inyong mga katanungan ay si:

Dr. Jesus Orlando M. Lecitona

Please be aware that all material provided by the AsktheDentist.tv website is provided for information purposes only. Consult your own dentist regarding the applicability of any opinions or recommendations with respect to your symptoms or dental condition.

Maari din kayong bumisita sa clinic para makita nang personal ang inyong dental problems:

Braces Pangasinan

2nd floor, Capital Bldg, Urdaneta Pangasinan
http://www.affordablebraces.org/

848 thoughts on “Dentist”

    1. Wag mo na isipin kung ano, dagdag stress lang yun. Ang mabuti mong gawin ay makipagccordinate ka sa OB Gyne mo at sabihin sa kanya ang nangyari. Magdasal ka na din mamaya at araw araw. Makakatulong yun.

    2. Ask q lang po pdi ba q magpalinis ng ngipin? Kahit 7months nqo buntis, 3 months mahigit na po ako di nakakapalinis ng ngipin naka brace po kasi q.

  1. Hi. 8 months po akong pregnant. 6 months na po ako hndi nagpapaadjust kasi sabi po ng OB ko bawal. Kaya lang po sobrang sakit na nga ngipin ko. Tapos parang naglalaman na po sya at bumalik po ang mga sungki ko. Makakasama po ba tlaga ang adjustment? At may mga brackets din po ako natanggal na makakasama po ba ung pandikit na gagamitin? Sana po masagot to. Maraming Salamat po! Godbless

    1. Yung adjustment ng braces mismo, walang problem sa buntis. Pero maaaring maselan yung pagbubuntis mo na yung stress na mararanasan mo (byahe, paghihintay, inip etc) na pagpunta sa dentist ang iniiwasan ng OB Gyne mo. Kaya, mas mabuti pa ding sundin ang OB mo.

  2. Pde po ba aq gumamit ng toothache drops sa skit ng ngipin koh buntis po AQ ngaung July nah po AQ mangaganak.

  3. hello po ask ko lng po bakit po yung pamagkin ko nag uugaan ang mga ngipin tsaka po napupudpud ano po bang sakit yun ganun.

    1. Ikunsulta mo sa physician mo. Usually, hindi. Pero ang physician mo ang magdidecide. Kung papayagan ka niya, pagawa ka ng written clearance at dapat may pirma niya. Yung clearance na yun ang ipapakita mosa dentist mo.

  4. Doc, May TMJ po ako, kahit hindi na po ipa X-Ray obvious na may TMJ sobrang layo ng bite ko. tapos medyo tabingi na yung mukha ko dahil sa panga. magkano po kaya yung therapy dito?

    1. schedule for a consultation and secure a medical learance from your dentist to be signed by your obgynist. Only your obgynist will be able to tell if its okay or not. However, ideally we tell the patients to defer any extraction procedure on any pregnant patient until the baby is out.

  5. Tanung ko lang po 5months na po tyan ko eh sobrang sakit po ng ngipin ko ano po gamot pwede ko inumin para pain reliever lang po.tnx

  6. Doc, pag nag pa bleach po ba ng ngipin, mag lalighten din ang kulay ng pasta? O kailangan bleach muna para maimath yung gagamiting kulay ng pasta? Thank you po.

    1. No. The shade of your restoration will remain the same. Hence, after the bleaching procedure, your dentist will remove the existing restoration and change it to a lighter shade that matches your newly bleached teeth.

  7. Doc nabasag po kasi yung ngipin ko sa harapan. Tumama po kasi sa tiles pag dive ko halos kalahati din po yung nawala ano po kaya dapat ko ipagawa sa dentist medyo nakakababa po kasi ng self confident lalo na nakikita ng ibang tao. Thankyou po in advance sa reply.
    Tsaka how much po kaya aabutin.

    1. Pa consult ka kasi kailangan kuhanan yan ng xrays as a reference for your doctor to provide you a dental treatment plan. Mukhang kakailanganin ng root canal treatment, post, and crown, given kung may good bone around the tooth at walang fracture na nangyari sa loob ng ngipin.

  8. Doc posible bang maayos ngipin ko . Nabutad kas yung gilagid ko sa harap mapapaayos paba to? Nung una kasi medyo maliit pa yung butas ngayon lumalaki na. Pano po ba to ipapaayos? At mga magkano po kaya magagastos?

  9. Hello po. ☺ Meron po kasi akong mild crossbite. Magkano po ba ang palagay ng palatal expander? Thank you po and God Bless!

  10. Hello po. Misaligned po kasi yung upper teeth ko from my lower teeth. Tapos whenever I close my mouth, my lower and upper teeth is still touching. Do you advise palatal expanders? Magkano po iyon if ever? Thank you and God bless! 😊

  11. Hi..doc ask q lng po un anak q 6 yr old nabunot un baby teeth nya tpos may tumubo na bago kaso sungki tumubo paloob un bagong ngipin…nya qng ipapabunot q po ba un tutubo ba ulit ngipin nya

  12. Hi doc ask q lng kong ok lang ba ung alaxan inumin kong masakit ang ngipin…..kapapanganak q lng kc ayaw q muna magpabunot tnx doc

  13. Doc. Ano po kadalasang iniinom ng buntis kapag sumasakit ang ngipin.like me im 8 months pregnant lgi po sumasakit ngipin ko, gbi gbi sumasakit.thanks doc.

  14. hi gusto ko po magpadental implant,
    sabay ba ang bone grafting tapos implant?
    at makakagtrabaho ba ako ng maayos kinabukasan after ng surgery? may mga binubuhat kasi ako minsan na mga mabibigat sa trabaho ko..

    1. Enameloplasty is a very conservative procedure, as it only involves smoothing/recontouring a thin bit of enamel in selective areas for a variety of reasons. In most cases, the benefits outweigh the risks (sensitivity). Go back to your dentist and relay the symptom

  15. ang baby ko po kasi kaka 1month plang po ngayong sept15 ng malaman kong tinutubuan siya ng ngipin .. ask ko lang po ano ang reason bakit maaga ang pagtubo ng kanyang ngipin ay normal lang ba un sa bata ..salamat po .

  16. Hello po. 6 months preggy na po ako. Pwede parin po ba ako magpabrace ng ngipin ko? Then isa pa po pwede po ba magpabrace kahit may pustiso isa sa taas at dalawa ng baba ng mga ngipin ko? Thanks po.

  17. Hi doc anong age po ba pedeng mgpabunot ang bata. Naawa kasi ako sa anak ko sumsakit ngipin nya she just 3 y.old. Podpod npo ngipin nya. Ty

      1. Hi doc puwede na po ba magpabunot 5 months p lng nakakapanganak nabutas na po kasi ung may pasta nadurog na po kasi ngipin po?salamat

  18. Doc, nagpunta po kami ni mama dun sa mga mismong gumagawa ng brace, ng pustiso at iba pa… Ngayon po, nagpabrace po ako kaso semi-brace lng po… Posible po png ang semi-brace ay maging isang tunay na brace mismo? Kc ung nangyayari po natatanggal at tumataas po siya kc parang pustiso po ung ginawa… Now, kung pede po? Magkano po ung ibabayad?

  19. Doc, nagpunta po kami ni mama dun sa mga mismong gumagawa ng brace, ng pustiso at iba pa… Ngayon po, nagpabrace po ako kaso semi-brace lng po… Posible po png ang semi-brace ay maging isang tunay na brace mismo? Kc ung nangyayari po natatanggal at tumataas po siya kc parang pustiso po ung ginawa… Now, kung pede po? Magkano po ung ibabayad?

  20. Hi doc. May TMJ poko, wala pokong x ray, pero sa lahat ng mga napuntahan kong dentist kinoconfirm na may tmj daw ako kaya di ako natuloy mag brace.
    Papa ko may tmj, ate ko din po, not sure kung nmamana po ba yung ganon.

    Tnong ko lang po ako pong prevention pede ko mgawa para hindi sya magsakit or lumala po? May nabsa poko about dental splint na nkakagaling ng tmj, totoo po ba?
    Kpag malamig mejo masket yung joint ko sa ipin, tas dikopo manganga ng maayos, sa left po sumasket kaya sa right poko ngumunguya, tolerable nman po yung saket basta wag ko lang ngunguyain sa left.
    Thank you po doc pls reply

  21. Hi doc , im planning to get my braces and sabi ng dentist ko since wala na akong isang bagang sa left sa baba bubunutan nya ako ng 2 ipin sa taas . Is that really part pf the procedure po? And sabi nya overbite po ako . Ayoko po sana magpa bunot ng ipin sa taas kasi kumpleto ito .

  22. Hi po ask ko lng pewdi n po b mag palinis at magpa2sta 2mon nko nkapanganak masakit n kz ngipin at mabaho din nakkahiya eh

  23. Ask ko lang po ano pong gamot ang pwedeng inumin kpag masakit po ung ngipin .ang kso lang po nag talik po kmi nang asawa ko. Then ktpos ko lhng po ng menstruation.ano po ang pwedeng gmot sa ngipin kong masakit

  24. Doc anu po bang gamot sa singaw sa dila ..tsaka po .. Pwede po ba ko uminum ng gamot nilalagnat po at msakit po mga kamay ko at paa 8days na po akong buntis

  25. Doc. Ask ko lang po sabi kasi sakin nung dentist na kinunsulthan ko eh. Hndi na daw po pwede sakin ung ordinary na pasta which is mahal din 600 isang ngipin sabi po nya may gagawin daw po sya na mas mahal pero 1,500 po per teeth basta aesthetic something po di ko masydo narinig. Pero advise din po sana kung ano po bang dpat gawin sa teeth ko sa two front teeth ko po kasi naghhwalay na nung june 2016 lang po nagpapasta pero nasira agad kaya ayun po yung snabi ko kay doc ko. Sana may ma advised po kayo kung anong mas magnda at affordable na treatment for my teeth. thanks po.

  26. Good morning po doc, ask ko lng po Sana Kung OK lng po ba n Mag papasta ako kc kagagaling ko Lang po sa kunan 2months n po Ang
    nakararaan.? Thanks po!

  27. Hello po. Balak ko po kc ipa silver crown yung ngipin ng baby ko.5yr old npo sya to late napo ba para don?? Totoo din po ba na ang silver crown ay makakatulong sa permanent teeth para lumabas ng pantay pantay ?? Tnx po

  28. May bulok po ngipin ko sa unahan, dati maliit lang po sya ngayon po lumaki na ang bulok nabutas na rin sya pero yung kalahati lang, gsto ko na po ipa ayos ano po kaya ang papagawa ko, jacket po ba??

  29. Good pm doc
    Help po kung anu po e2 sa pisngi ku parang mumps.. Nung nag pa bunot ako ng ngipin sa isang health center medyo masakit at pagkalipas po ng dalawang araw biglang bumukul ung pisngi ko parang mumps malapit sa pinagbunutan ng ngipin ku po..

    At nung nag pacheck up ako nag resita lang po sila ng amoxicillin pero feel ku wala naman po nang yayari.. Kailangan ku po ng advice sa inyo doc thnx

  30. doc 7 months pregnant po ako ngaun tapos sobrang sakit nga ipin ko at gums yung dati ko kasing pasta yung sumasakit halos d po ako makatulog .. anong gamot po ba yung pwede Kong inumin ??

  31. good morning po ask ko lang nadapa mo kasi ang anak ko at tumama sa sahig ang ngipin nia. bumaon pa sa gilagid ang ngipin nia at nangalahati. masama po ba iyon? nangitim po ang gilagid nia at andun ung ngipin.

  32. Hi doc may itatanong lang po ako , January 31 sumakit at lumaki ang mukha ko dahil sa ngipin ko umabot ito hanggang isang linggo. Tapos ang problema meron something na bukol sa may panga ko ano po ba ito ? Salama Doc.

  33. Doc, yung baby ko 11 months old nabasag yung ngipin niya sa taas. Ano po kaya dapat gawin? Pwede na po ba i pa Pasta yuny teeth niya sa Ped.Dentis? Thank you po. Sna po mabasa

  34. Doc my baby is turning 1 on april 23 tapos napansin ko po na tinutubuan sya ng ngipin sa lower po n bagang nya. Yun po ung first tooth nya.normal po ba
    yon?..

  35. doc nag papasta na po ako dati siguro mga 8 years old pa ako nun pero ngayon kumikirot na siya di pa po siya totally butas parang parte lang po yung butas kaya pa po ba maagapan yun ayaw ko po kse ng bunot eh di ko pa po naranasan

  36. Good morning doc. 31 weeks and 6 days pregnant npo ako today at sa kasamaang palad sumakit po ang ngipin ko lasr saturday. Tolerable papo sya non kaya nmn. Toothbrush lng. Kaso po pag dating ng sunday iba napo yung sakit nya hanggang sa namaga na sya doc, at hanggang ngayon doc. 4 days napong namamaga yung gums ko at may nakakapa napo akong maliit na bilog sa ilalim ng panga ko. Sobrang sakit nya na po. Pati pisngi ko ang hapdi narin pag hinahawakan. Please doc patulong nmn.

  37. pede papobang manatiling ipin ang natatangal na ipin? sa harapan po kasi yung ipin ko eh .. nag swimming po kasi kame tapos nag slide kame tapos pa harap .. paki ask nalang po Tapos po paki pray nadin po 🙂 ayaw kopo kasi matangalan ang ipin ko eh

  38. Dok 8 months buntis po ako tapos panay dugo ng mga gums ko as-in malakas po sobra nag pa consult napo ako sa dentist at hiningan ako ng clearance sa ob ko
    Bago po ako bigyan ng clearance chineck po muna ni ob ko ung efm ng baby ko nung nakita nya po na ok at normal nag bigay o pumayag po sya na bunutan ako di po ba delikado un kasi sa anesthisia? Di poba nakakasama sa baby ko yun?

    1. Yung OB Gyne mo, nakita ka. Ako hindi kita nakita. Sya ang tanungin mo at wag ako. Yang pagbubuntis, hindi mo ibabase sa online. Madaming fake kang mababasa online. Sa doctor mo ka umasa ng info dahil nakita ka niya, doctor mo siya. Wag sa kung ano ano online. 🙂

  39. tanung ko lang po nagpabunot kasi ako 3 week ago na sabe ng dentist may naiwan daw po maliit n ngipin sbe lulutang daw ito pero hanggang ngaun wla nmn po nalutang at pag sinisilip ko ay natabunan n ng laman. ndi din nmn po sumasakit anu p kaya gagawin ko

  40. Ask ko lang Doc, ano po yung treatment na kelangan sa ngipin ko. The problem is yung back side ng teeth ko ay unti-unti nauubos yung tooth at parang gums nalang na pumalit sa tooth and becaus of that nag shift yung alignment ng teeth ko sa upper part kase walang kabangga sa ilalim. What can I do po?

  41. Hello doc. 3months na po nung nanganak ako. Pwede na po ba kong magpabunot ng ngipin? Ang dami na po ksing bulok. Tas yung isang bagang ko butas na tas yung sa upper po nun butas na din. Bali 5 yung ipapabunot ko after po ba nun pwede ako magpabrace kahit hndi na complete yung ngipin ko?

  42. Hello po, kakapatanggal ko lang po ng braces tapos napansin ko parang nakaslant yung 2 front teeth ko po yung isa naka-pasta yung isa hindi pero pareho sila slanted, lagi ko naman pong suot retainer ko saka dati ko pa siya napapansin since nakabraces pako kala ko magiging straight din siya pero hindi. Huhu ano po pwedeng gawin 😢

  43. Doc… Pwede po ba mag pabunot ng ipin and isang nanay na nag brebreastfeed? Diko na kasi Mathis sakit ng ipin ko…..

Leave a Reply