DIY Braces

Venus : Hi doc … Bat ganun sobrang tagal matapos ng brace ko . 2.5 years na po… Evry two weeks po ako nagpapa adjust.. Di naman po ganun kalala teeth ko… Thanks po

Ask the Dentist : Dentist ba ang nagbraces sayo? Send x ray and photo. Nakakamatay ng ngipin ang every 2 weeks na adjustment.

Venus : Opo. May clinic naman po sya and madami po syang patient. Hindi naman po ako nag pa X-ray dati eh . Bale nung first year po once a month. Pero after that every two weeks na po adjustment kasi po need ko na po toh matanggal until December…
Thanks doc.

Ask the Dentist : Oks.

Ask the Dentist : Sa mga nakapagaral ng orthodontics, ang unang hinahanap ay panoramic xray at cephalometric x ray.

Venus : So meaning to say doc? Possible po na fake si dra.

Venus : Hindi nya po kasi ako ni required na mag X-ray eh

Venus : Pero doc yan po yung teeth ko ngayon . For more than 2 years

DIY braces
DIY braces

Venus : Yung dalawang teeth ko po sa taas yung middle. Tinaas po yan eh…. Siguro 4 mos ago pa po… Tas yung pangil ko mas mahaba kesa dun sa gitna… Ang panget po tignan

Ask the Dentist : Madaming dentist ang nagbibraces kahit walang formal training tungkol sa ortho. Kahit nga karaniwang tao, na inutusan bumili ng suka, naglalagay na din ng braces. Search mo sa facebook ang DIY braces, kahit mga pasyente, sila na mismo nagbibraces sa sarili nila.

Venus : Seryoso…. Ayyy grabe…. Sige po doc thank you

Ask the Dentist : Mas mahaba talaga ang pangil. Kumpara sa ibang ngipin.

Ask the Dentist : Kung hindi ka kuntento, tapusin mo na yung treatment sa kanya, tapos magpabraces ka sa iba. Hanap ka ng magaling na dentist.

Venus : Sige po doc…. Thank you po…

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *