Sheryl : Hi doc. Fake yata ang dentist ko. Ano ba ang dds?
Ask the Dentist : Hi Sheryl. Apat ang nakikita ko na common DMD, DDM, DDS at BDS. Ang DDS ay Doctor of Dental Surgery. Mga dentist na graduate sa US ang kadalasang may DDS. DMD at DDM ang madami sa Pilipinas. Ang BDS ay madami sa India. Ang gamit nila ay nakadepende kung ano ang ibinibigay na title ng School kung saan sila nagtapos. Pare pareho lang silang Dentist. Para makasiguro ka, laging nakalagay sa dental clinic sa Pinas ang school diploma at PRC Certificate. Required yan ng batas sa Pilipinas.