Fixed Bridge Price

Krissy : Hi balak ko po sana magpa fixed bridge.Tanong ko lang po kung magkano aabutin.Tanggal na po ung first molar ko sa right side(upper teeth) pati ung second molar ko sa left (upper teeth).Yun po sana ung papaaus ko.Salamat po.

P.S. paano po kung buong upper teeth gawing fixed bridge magkano po? Salamat po

Ask the Dentist : Ilan ang bungi? Sa taas at baba?

Krissy : bale 2 po ang bungi ko sa taas.first molar po sa right side tas second molar po sa left side

Ask the Dentist : Bale aabot din ng 15 thousand pataas sa isang side. Sa kabilang side 15 thousand din pataas. Yun yung bridge na mukhang ngipin. Click here for more info.

20 thoughts on “Fixed Bridge Price”

  1. hi doc. mon here.. ask lng san po ba maganda magpa fixed bridge dito sa manila? gusto ko sana magpa fixdbridge sana affordable.. thanks po..

    1. Every 5 years dapat pinapalitan ang bridge. Pero usually tumatagal ito ng 7 -14 years. Oo pwede hindi magtagal ang bridge lalo na’t tinipid ang pagagakagawa na usually nangyayari kapag naghanap ka ng cheapest.

  2. Hi doc, currently po naka-dentures ako para sa 8 na ngipin ko sa upper. Tanong ko lang po kung possible pako for fixed bridge? Saka mga magkano po aabutin if ever? Salamat po.

    1. Possible but the possibility will be gauged through diagnostics (xrays, periodontal examination). Why not consider dental implants? This treatment offers a lot of advantage over Fixed bridge or partial dentures

      1. Masyado po kasing mahal yung implant doc. If ever okay po yung results ng xray, etc. mga magkano po aabutin ng gastos?

          1. Pag may ganung amount na po ako kailangan ko po ba magpa-appointment o pwede po akong pumunta directly sa clinic niyo?

  3. Doc, nagpa schedule na ako for fixed bridge bukas. One tooth lang. Gagawin na ba agad yon o susukatan pa lang? Gusto ko na kasi ma-bridge yung missing tooth ko. Thanks po.

Leave a Reply