Fixed Bridgework Philippines

Ranielle : Hello Doc, gusto ko po sana malaman kung may pag asa pang mapalitan ng implant itong ngipin ko.. nakajacket po ako ngaun, apat sa harap at ung dalawang pangil ko po ang pinagkapitan … medyo nagsisisi nga po ako kung bakit pa ako nagpajacket kc prang nasira ung dalawang pangil eh… gusto ko po sana malaman kung sakali man po eh magkano po kaya ang implant po sa katulad kong apat sa harap ung papalagyan? paadvise lng po doc kc po nasa abroad ako ngaun at pinag iipunan ko po ung pagpapaimplant … salamat po Doc.

Spartan Bridge - Fixed Bridge na hindi mukhang ngipin
Bridge na hindi mukhang ngipin

Ask the Dentist : Pangit ng bridge mo ngayon. Plastic yan? Usually, 70 thousand pataas ang bawat implant kaya 70 thousand x 4 = P280000 na agad yan. Pero depende sa condition ng buto mo at dami ng ipapagawa mo, pwede kita bigyan ng malaking discount.

Ranielle : Yes Doc ang pangit nga po eh, at nahihiya din ako magsmile kc ang lalaki ng ngipin at halatang halata na hindi totoo ung ngipin… Porcelain po yan Doc… medyo matagal na din nabunot ung mga ngipin ko sa harap and im not sure kung ano condition ng buto ko sa harap… ang problem ko pa din kc Doc eh ung gum ko umangat na ng umangat kaya naging malalaki ung pangil ko at dun binase ung mga ngipin na pinalit hindi sa original size nung teeth, may solusyon kaya sa gum ko naexpose na kc ung roots ng iba kong ipin eh… meron pa rin akong papaimplant sa bagang sana mga tatlo or apat kaya lng unahin ko muna itong sa harap at malaki laking gastusan eh.. baka this year din po ako makauwi para maipaayos ung ngipin ko sa harap… kung mabibigyan niyo po ako ng malaking discount napakalaking tulong po nun Doc para sa akin… san po office niyo sa manila? taga olongapo po ako pero pwede ko po kayong sadyain sa manila…

Ask the Dentist : Naku. May malaki kang problema. Kung umaangat ang mga gums mo, sign ng peridontitis. Kapag napabayaan mo, lahat ng ngipin mo mabubungi. Gumagalaw na ba ang iba mo pang ngipin? Lagi kang magsipilyo kapag natapos ka kumain. Magfloss ka gabi gabi.

Ranielle : hindi naman po nagalaw ung mga ngipin ko at lagi po ako nagsisipilyo after meal at nagdental floss … tinanong ko ung dentist na gumawa ng jacket ko 2 years ago about sa gums pero normal lng daw un, pero nung nagbasa basa ako sa FB Page mo doc nakita ko nga na hindi normal un… this year pag uwi ko ipapatingin ko po agad ito… hindi naman po lahat ng gums ko sa ngipin umaangat.. ung sa gilid lng.. ung palagi kong ginagamit pag pangkagat pag kumakain ako… pero sa loob ng side ng ngipin hindi naman po umaangat ung gums dun lng sa outside… pero papatingin ko na din to make sure… salamat po Doc… medyo mahirap kc d2 sa lugar ko walang dentista eh… kaya sa pinas pa ako magpapatingin… thanks again Doc

Ask the Dentist : Habang wala ka pa sa pinas, maintain mo yung hygiene. Yung gums mo dapat hindi namumula o namamaga. Kapag namamaga, kailangan mo ipatingin. Gamit ka ng _-_-_-_ na toothbrush. Wag ka gumamit ng brush na may -_-_-_-_ at -_-_-_-_. Nauuso ngayon yun, wag ka gumamit nun.

Ranielle : medyo mapula po ung gums doc pero hindi naman po namamaga… salamat doc… maintain ko lng po muna ung hygiene habang di ako nakakauwi… ipapatingin ko agad pag uwi ko… thanks again Doc.

4 thoughts on “Fixed Bridgework Philippines”

  1. Doc posible ba na magalaw ang ngipin kahit naka fixed na po na brace? Advise kasi saken gusto na nila i-retainer agad kahit 1 year pa lang yung braces ko. Thanks po

Leave a Reply