Judith : Doc good day!
Daughtet ko po is 3 yrs old turning 4 this end of oct. Sumasakit po un ipin nya sa bagang.pina check ko po sa dentist sabi po need i root canal and pasta. I sedate daw po sya para hindi matrauma. Ask konlang doc, di po kaya pwdeng upabunot nlng kasi milkteeth lang naman.? Nag aalala po kasi ako baka hindi mafanda ang pagkaka root canal sasakit labg din or kung hindi pantay ang pagkaka pasta sasakit din. Bata un doc eh patulugin pa nila..
Judith : Pinag aantibiotic po muna today for 5 days.
Un procedure kasi doc ako ang natatakot. 3yrs old i root canal.sbi nun dentist di nmn dw sagad un root canal sa ibabaw lang daw po papatayin un ugat. Itira pa din dw nya un ipin para may guide un permanent pag labas. Di po kaya pwdeng bunot na lang?
Dr. Jesus Lecitona : Sabihin mo sa dentist mo ang kinatatakutan mo. At kung ano an desisyon mo. Sa bata kasi, dapat nandyan ang ngipin niya bago tumubo ang kapalit. Pero kung ayaw talaga ng magulang na isave, nasa magulang pa rin ang huling desisyon.
Judith : Cge doc sabihin ko po sa dentista. Syempre doc gusto ko ma save din un ipin ng anak ko. Medyo weird labg kasi 3yrs old plng pasta na. Parang unusual po.
Dr. Jesus Lecitona : Yun ang dapat gawin, pasta or RCT. Isave. Madalang lang gawin sa pinas dahil karamihan ng pinoy naghihirap, kaya pinapabunot na nila kahit ano ang kahihinatnan.