Kelv : Bale ang tanong ko po. Ano po pwede pang gawin dito? I mean para mas maging maganda tignan. :'(
Ask the Dentist : Papalitan ang crowns mo. Aabot din ng 20 thousand yan.
Kelv : Pag po napalitan ano po mangyayari? Mas magiging okay na po?
Ask the Dentist : Pag napalitan na, congrats bago na ang crowns mo. Hahaha! Syempre, maghanap ka ng magaling na dentist. 🙂 Manila ka?
Kelv : haha ganun lang sir tapos okay na???
Pampanga ako doc 🙂
Eh doc yung tatlong pinaliit hindi na pwede maayos? I mean marestore?
Ask the Dentist : Marerestore iyan sa crowns na lang din. Hindi na pwede sa pamamagitan ng pasta. Hanap ka ng magaling na dentist. Malayo ka, Manila at Pangasinan ako. 🙂
Kelv : Paano ko po ba malalaman if magaling yung dentist? -___- AH bali crowns lang din po ang solusyon? :'(
Pupuntahan ko nlng kayo doc okay lang kahit malayo basta pagwapuhin mo pa ako lalo doc haha! 🙂
Ask the Dentist : Bwahaha! Sure!
Kelv : Weh promise doc? hehe pero seryoso my pagasa pa po ba yan? For me to have a better smile? 3 Ask the Dentist : Habang may buhay may pagasa. 🙂
🙂 kakatuwa naman pala usapan dito, natawa talaga ako sa inyo, salamat at talaga napasaya nyo ako, nag moment pa naman ako, buti nabasa ko ito.. wahahhaha walang personalan, pero ang saya talaga ng usapan nyo. peace.
Thanks sa comment. 🙂
gnyan problema ko p******* ***! pano po ba malalaamang magaling ang dentista?.
yong sakin kasi,
basta nalang pinanipisan yong dalawa sa paligid nung front rabbit teth tapos siningil ako ng 20k. bayad naman ako ganda nmn kasi pero pag uwi ko mukang ipin ni dracula ung laruan, tapos 1 month lang nalaglag yong crown jacket ko! grabe parang pinag kaperahan lang ako naka 20k xa! dpat 2 lang ang babaguhin e, dinamay pa yong dalawa pra daw mas maganda zzzzzzzzzzzzz nakaka panghinayang talaga hindi nakaka satisfied ganda pa naman ng explaination nya!
tapos lalo pa ako napagastos ayaw na kasi baguhin nung dentist sinisingil ako ulit e!!! ipinaulit q sa ibang dentista!! mahal napalaki pa lalo gastos ko 30k siningil nung gumwa na bago .. nka 50k ako sa loob ng 2 months.
malas lang tlaga.
Malalaman mo kung magaling ang dentist sa pamamagitan ng
1. pagtatanong sa mga kaibigan mo.
2. pagtatanong mo sa dentist mo.
3. kung ano ang mga training na kinuha niya.
4. hindi siya murang maningil (may presyo ang quality).
5. hindi siya rush gumawa (bumababa ang quality ng mga bagay kapag minadali).
6. kaya niyang ipaliwanag kung tinanong mo siya tungkol sa ginagawa niya.
7. may mga ginagawa siyang hindi ginagawa ng ibang dentist.
Doc, Im from san pablo city, laguna. where po ang clnic nyo? pm nyo po ako sa email ko. gusto ko po sana magpajacket, naghahanap talaga ako ng magaling na dentist para hindi sayang ang ibabayad ko. how much po per tooth?Thank you so much! -may
Sorry, hindi ako tumatanggap ng pasyente galingsa website. Hanap ka na lang dito: http://www.askthedentist.tv/clinics/