Vita : Hi I would like to ask if its possible to complain a dentist due to excessive billing? What is the parameter in determining whether or not the billing is excessive? i will surely appreciate your response. I am very much desperate because I am so disappointed with my dentist.
Vita : this is in line with re-cement of brackets.
Ask the Dentist : Hindi possible. Walang fixed price sa kahit anong treatment. Kadalasan ang singil ng dentist ay base sa pinagaralan niya. Lalo na’t nagspecialize ang dentist mo. Hindi same ang singil ng general dentist sa orthodontist. Depende din yan sa price na pinagusapan niyo. Madalas sa recement ng brackets, may bayad yan.
Vita : will it cost as much as 400?
Ask the Dentist : P500 pataas.
Ask the Dentist : Binabayaran lagi ang quality. Quality ng material, quality ng utak, quality ng mga bagay bagay. Pwede ka pumunta sa mura, pero expect mo low quality ang gamit. Saan kukunin ng dentist ang pambili ng highquality na gamit kung mababa ang singil niya? Ano ang pampaaral niya sa sarili niya? Unless, bilyonaryo ang tatay at nanay niya.
Ask the Dentist : Example. May distal end cutter. Pamputol ito ng wire sa loob ng bibig ng pasyente. May mabibili kang P900. May mabibili ka namang P5,800. Yung P900, kumakawala ang naputol na wire sa bibig ng pasyente. Yung P5,800 na type, secured, hindi kumakawala. ANg problema kasi kapag kumawala ang naputol na wire, pwedeng malunok ng pasyente. Syempre sa murang maningil, hindi nila mabibili ang tig- P5,800 na distal end cutter.
Ask the Dentist : Sa plier na lang sa ortho, tig-P5K pataas bawat isa. Sa murang maningil, sigurado ako hindi na nila mabibili ang ganung klase ng plier. Kaya kapag napunta ka sa denrtist na murang maningil, wag ka magtaka, na ang mga gamit niya ay mga patapon. May mga materials din siyang nirerecycle. Tulad ng bracket mula sa isang pasyente papunta sa susunod na pasyente. Tandaan mo, ang bracket single use dapat yan. Isang pasyente, isang set ng bracket.
Sino po ba ang dapat ang suture? Yung mismong nagbunot po ba ng ipin na dentista?
yes. No one else but the dental surgeon