Nang magtanong ang Anak ni Wolverine sa Dentist

Sheila : Doc nagpasurgery po ako kasi impacted yun wisdom tooth ko, after po matanggal yun tahi npansin ko po after one day bumuka po yun tinahi n part. Sabi po ng dentist ko natural lng dw po yun. Ang nangyayari po kc kpg kumakain ako nalalagyan ng kanin yun loob and natatakot po ako kc may bahagyang kirot. Anu po ba pwede gawin? Magpasecond opinion po ako sa ibng dentist?

Ask the Dentist : Magmumog ka lang kapag napasukan ng kanin. Kung ayaw matanggal, hayaan mo lang, malamang hindi yan kanin kundi yung gumagaling na sugat na mukha talagang kanin. Wag ka magtaka na gumagaling ang sugat mo nang ganyan katagal. Alalahanin mo, hindi ka anak ni Wolverine at tiyak ako, hindi ikaw si Wolverine. Isa pa, hindi ka Spartan . Kaya tiyak ako na hindi yan gagaling within seconds after mabunutan ng ngipin.

Sheila : Thank you po doc.

Ask the Dentist : Oks.

Leave a Reply