Odontectomy in Manila

Lionel : Dear Ask the Dentist,

Nagpabunot po ako ng third molar nung Sept 11 (see image). Kinailangan po ng minor surgery dahil hindi normal ang pag tubo nya. Medyo sumasakit narin po kaya pinabunot ko na. Ang range po ng mga price sa mga napag tanungan ko eh 8-15 thousand para lang dun sa ngipin na yun. Last ko na consult ay yung ABDG sa SM Fairview, 7 thousand lang daw, kaya pumayag ako.

Maganda naman po at malinis yung facilities nila. Dalawang dentists at dalawang assistant ang tumira sa ngipin ko. Tumagal po ng halos 5 hours yung procedure, kasi po hirap na hirap silang makuha yung root kaya pinag pira piraso nila ang ngipin ko, naging 5 pieces po sya.

Nung time po na ineextract na nila yung 2nd to the last part ng 3rd molar ko, hindi raw nila makita yung root. At everytime na nag aaply sila ng pressure, nagkakaron po ako ng radiating pain sa may bandang right parietal lobe ko kaya pinatigil ko sila. baka daw mali yung natatamaan nila kasi mukhang crown. mandible ko ata yun pero nung naglaon eh natanggal din nila yung remaining 2 parts ng root.

1st day post op po ay ok naman, hindi masyadong ramdam yung sakit. Nagtext pa nga sila at sinabi ko na ok ang pakiramdam ko. 2nd day post op naman mga lunch time bigla akong nakaramdam ng blunt pain sa right parietal area ng ulo ko, nawala nung ininuman ko ng flanax.

Pasensya na po kung mahaba…

My questions are as follows:

1. Ganoon po ba katagal ang minor surgery o kulang ang experience ng dentists? yung isa kasi parang baguhan palang, at tinuturuan pa sya nung senior nya. pati nga pag suture hirap.

2. Normal po ba yung headache na na experience ko during the operation at post op? Nakakabahala po kasi.

3. Ano po ang mas mabisang pain reliever kasi hindi nawawala yung sakit sa flanax 550 mg hanggang ngayon po, 6 days na.

4. Ok lang po ba mag mumog ako ng asin at suka at baking soda? dami ko na naubos na bactidol at listerine bumili din ako ng dactarine yung ointment.

Odontectomy sa Manila - askthedentist.tv
Odontectomy sa Manila – askthedentist.tv

Ask the Dentist :
1. Yes. Mahirap gawin yun kaya ganun ang bayad. Mahahalata mo kung ano ang level ng expertise ng dentist sa singil niya. Mas mataas, mas mataas ang level ng training dahil alam niya kung gaano kahirap gawin sa tingin pa lang sa xray.

2. Makadanas ka ng sakit. Unless may dugo kang Spartan.

3. Ask mo yung dentist na nagopera sayo kung ano ang gamot sa sakit na nararamdaman mo.

4. Ask mo sa dentist mo.

Leave a Reply

%d