Kate: Follow up ko lang po sa wisdom tooth na root na lang ang natira sa gum. Oral surgery po ba ang gagawin doon? May idea po ba kayo kung magkano magpabunot ng ganitong condition? May diabetes at hypertension po yung magpapabunot.
Magkano din po ang pagpapalit ng silver filling gagawing white filling? Dapat po bang palitan pa o huwag na lang?
Salamat po.
Cavite Area or Alabang Area po sana may mai-suggest kayong honest at magaling na dentist.
Ask the Dentist Philippines: Hi Kate. Thanks for visiting our website. Yes. Odontectomy ang tawag, which is a type of oral surgery. Mga 5,000 to 10,000 pesos depende sa kakumplikaduhan ng operasyon. Kung may diabetes, dapat makontrol muna. Hypertension, dapat sa hospital ka magpabunot niyan. Punta ka sa PGH. O kaya sa Mary Chiles Hospital sa Gastambide st malapit sa University of the East.
Usually P500 pataas ang pasta na composite resin. Ito yung puti na shade na pasta. Ipacheck mo kung dapat nang palitan, offline. Since hindi ko naman yan nakita ng personal, kahit litratuhan mo. Hindi ko masasabi kung dapat palitan. Masasabi lang na kung dapat nang palitan, kapag nakita na sa bibig o kaya sa x-ray.
Tandaan mo lagi, “There is no online material nor website that can substitute a professional advice.”
thanks po. more power
Thanks din. Share our website to your friends. 🙂
how much will it cost for oral surgery? my impacted molar tooth has infection, it is also affecting the neighbor tooth. It should be removed as my dentist told me.
5 thousand pataas ang odontectomy sa Pilipinas.
Hello po,gus2 ko lng po itanong if canine teeth lng aq mron kya p po b fixed bridge?,,,any suggestion? Ang how much po kya?
Bale ipaliwanag mo mabuti. Hindi ko maintindihan gaano. Dapat maintindihan ko ang tanong para hindi ko na kailangang humiram ng mahiwagang bola kay madam Auring.
I only have canine teeth,false teeth n lhat pwede ko b pa fixed bridge lhat? How much do you think it costs?…any idea pph…tnc
HIndi. Unless palagyan mo ng implant, pwede ka magbridge kapag implants.
…gusto ko ipabunot ung molar teeth ko po kc lge sumAsakit everytime na magpplit aq ng toothpaste,, and change it into implants silver dalawa poh unn,, magkabila magkano poh b ang aabutin? Thanks poh
70 thousand pataas ang bawat isa. Kaya aabutin ng 140 thousand yan. Iparoot canal treatment mo na lang.
5K bawat ngipin po?
Yes.
gud pm, pag sumakit na po ba ang ngipin ibig sabihin infected na ung nerve at d na pwde ipasta lang?
RCT na ang dapat gawin.
how long po ba ang healing or recovery to remove 2 impacted wisdom teeth? thanks!
2 weeks pataas.
Hi po
Ako si jenny
Ask ko lang po kung pwede pa bunot ang ipin na may diabetes at ipa pustiso ung ipin sa front na apat.
Bata pa po ksi ako nag karoon ng sakit na diabetes nasa 9 and then 13 naku ngayun.
At mahina po ksi ipin ko nag kaka crack na.
And nasa mag kano po pag pabunot and pustiso apat mo sa gitna
Itanong mo muna sa physician mo. Kung maclear ka ng physician mo, hingi ka ng certification na pwede ka bunutan. Sa magbubunot sabihin mo sa kanya ang condition mo at ipakita mo ang certficate kung pwede ka bunutan,