Paano hindi magka butas sa ngipin

Lori : Hi doc. Paano hindi magka butas sa ngipin?

Ask the Dentist : Hi Lori. Toothbrushing ang pinaka-effective. Dapat malaman mo ang tamang pagba-brush. Madalas at matagal na pagba-brush. Hindi sapat angg brushing lang, samahan mo ng dental floss tuwing gabi.

Sa 1st birthday ng anak mo, naipunta mo na dapat siya sa dentist. As intro. Para kapag may problema, malaman agad.

Every 6 month ang bisita sa dentist.

Bukod sa oral prophylaxis, magsasasuggest ang dentist mo depende sa pangangailangan sa condition ng anak mo. Tulad ng fluoride application, varnish at sealant.

Sa kanyang paglaki, at tamang edukasyong pangdental, masasanay siyang alagaan ang ngipin niya at masasanay din siyang magpunta sa dentist ng regular.

Para hindi magkabutas ang ngipin, team effort yan. Ikaw at ang dentist mo. 🙂

Leave a Reply