Pwede bang Gamitin ang Braces Ulit

Eloi : pwede bang gamitin ang braces ulit?

Ask the Dentist : Kung ang braces mo ay tinanggal ng iyong dentista dahil ito’y kailangan sa Orthodontic treatment mo, ang braces mo na tinanggal ay pwedeng ikabit muli sayo. Ito ay braces na ginamit sayo, at sayo lang dapat gamitin.

Ang braces na tinanggal sayo, ay hindi pwedeng gamitin sa iba. Ang braces na tinanggal sa iba, ay hindi dapat gamitin sayo. Ito ay isang kababuyan. Oks? Ang brackets ay nakatalagang “for single use only”.

Ang tamang pamamaraan ng mga orthdontist ay, ipinapakita muna nila sa patient na nagmula sa bagong bukas na case ng brackets ang ilalagay sa pasyente. At matapos ang ilang buwan o taon at tapos na ang orthodontic treatment, ang tinanggal na brackets ay ibibigay sa pasyente. Ang tungkulin naman ng pasyente ay kunin ang brackets na tinanggal mula sa kanya, pagkatapos ng kanyang orthodontic treatment.

May ilang dentist na nagrerecycle ng brackets. Isa ito sa dahilan kung bakit mura ang singil ng ilang dentist. Dagdag pa dito ang kakulangan sa training. Dahil kung ang dentist ay may sapat na training tungkol sa orthodontics, hinding hindi niya gagamitin ang brackets mula sa isang pasyente papunta sa susunod na pasyente.

Braces Cost in the Philippines

Edward Angle: How much do braces cost in the Philippines? Is orthodontic treatment really affordable in the PH?

Ask the Dentist : Hello Edward Angle. Thanks for asking the dentist! Dental braces in the Philippines are more affordable than other countries and there are several reasons why.

Generally, the prices of dental treatment in Asian countries are affordable. Because of lower cost of living, the prices of services are naturally lower than European countries. There are also steps in a dental procedure na pinasimple para mapapababa lalo ang presyo.

Sa Cost of Braces, madaming factors na makakaimpluwensya dito. Una, gaano kalala ang alignment. Gaano kalala ang overjet at overbite. Gaano kalala ang oral health status mo. Pangalawa, anong uri ng brackets ang gusto mo? Metal ba? Ceramics? White? Transparent ba? Self ligating ba? Pangatlo anong materyales ang gagamitin sa pagkabit?

Pangapat, specialization ng dentist na gagawa sa orthodontic treatment mo. GP practicing orthodontics ba? Or may MS o may PhD? International Association for Orthodontics member ba? O member ba ng Association of Philippine Orthodontists.

Panglima, location ng clinic. Kung sa manila, mas mahal, kung sa city mas mahal. Kung sa liblib na lugar, syempre mas mura.
Continue reading “Braces Cost in the Philippines”

Tooth Extraction Cost – Tooth Bonding Cost Philippines

Rain Angelo : Good Day, ask ko lang po kung magkano usually ang teethbonding sa front teeth.. and magkano po ang magpa extract ng First Bicuspid and First molar.. pati po Bridging.. Thanks..

Ask the Dentist : Search mo na lang sa website ko. Ask the Dentist

Periodontitis

Fiwie : hi po ask q lng po kc nung ngpabunot aq.. Pnbblik aq pra linisin mga ngipin q d aq nkblik kc nmaga buong gums.q.. Anu po b gamot d2.. Thanx!

Ask the Dentist : Ang gamot diyan ay bumalik ka sa dentist mo para magpalinis.

Fiwie : pede po b linisin khit nmamaga ung gums q mskit po kc pag nbu2ngo. Txka my asthma po aq now.. Ok lngpo b un

Ask the Dentist : Oo.

Affordable Fixed Bridge Philippines

For Root Canal Treatment
Patient’s old denture

Venus : hi good day. pls advice me what to do …napapagod nako sa pustiso ko laging natatangal yung ipin,kakabalik ko nga langg ulit sa dentista ko kahapon yan para marepair.. kaso nung ifit sakit di na ganun kaganda yung lapat at pagkakabit ng ipin di na panaty…in short di nako satisfied sa di tangal na pustiso ang hirap kasi istorbo sa trabaho..sumasakit yung upper right tooth ko as described in the picture e..gusto ko sana yung nakafix na,,,para di na natatangal ng ilang buwan lang anu po bang mest na gawin para dito,, pls see attached pictures..and magkanu po kaya ang affordable price but good and quality ang output..and ur recommended orthodentist…pls advice me naman po,,,, sobrang burden napo kasi sakin to at nasstress nako dito.. sasakit po ba mga ipin kong my pasta if ever na magbuntis ako…plan ko na kasi iapbunot yung magkabilang side ng upper front kasi yung isa sumasakit ngayun iniinuman ko ng mefenamic muna para mwala ang maga. my konting kirot kasi at mapula yung gums na parang my dugo… yung other side naman in good condition pa yung pasta pero sa loob nun pudpod narin yun di lang kita dahil sa pasta…..pls help me po where po ako pwedeng pumuntang dentist/orthodentist para mapaayos ko na to…im from las pinas po…thanks po.. pls let me know po asap…

Ask the Dentist : Ipa-RCT (Root Canal Treatment) mo yung ngipin na sumasakit. Pagkatapos ng RCT, ipa-fix bridge mo. See this page for my recommended dentists. 🙂