Braces Philippines: Missing Teeth

Nikka: Hello! Just wanna ask, pwede po ba magpabraces kahit wala na yung 2 molar teeth ko sa baba. Sa right po, wala na, wisdom tooth nalang nasa dulo. Then sa left side, ipapabunot ko po yung 2 molar teeth ko kasi bulok na. Pwede po ba yun?

Ask the Dentist Philippines: Pwede mong ipabrace. Ipaendo mo na lang. Huwag mong ipabunot. πŸ™‚

Braces Philippines: Filling

Paul: hello po……… tnong ko po sna kpg po b ngpapasta binubutas po b un???kc i had my pasta a year ago and sbi skn d nmn po ddkit ang pasta kng d un nbutas orn carve po bgo po ilgay ung pasta. ska npansin ko po kc ung isng ipin ko n npstahan e prng my itim2?ano po b ggwin ko?ska pwde po b mgpapasta kht nkbraces po?ska 1st adjust lng po ng ipin ko last week po..pls po sna msgot nyo po ako….slmat po………

Ask the Dentist Philippines: Butas na yun dahil sa caries. Mukhang binubutas lang dahil tinatanggal yung caries. Pwede pastahan kahit nakabraces. Ang dapat mong gawin ay magtiwala ka sa dentist mo.

Filling Philippines

Jacquilyn: good am po. ask ko lang po if ano possible gawin sa tooth ko kc nkapermanent filling na po ito (last march lang po) pero nagdedecay po sya sa loob. parang affected na din po yung gum and katabing ipin na temporary filling lang. thanks a lot po

Ask the Dentist Philippines: X ray at tests. Kapag wala pang periapical infection at hindi pa naman sumasakit, papalitan yung pasta. Kung may infection na, root canal tapos porcelain fused to metal crown or all ceramic crown. Para magimprove ang gums, magbrush ka. Every after kumain. πŸ™‚

Braces Philippines: Missing Tooth

Armand: hello po. ask ko lang po kung ok lang magpa-braces kahit wala na yung second molar sa lower left? before po ba magpa-braces kelangan muna ng panoramic x-ray? tnx po in advance

Ask the Dentist Philippines: Yes. Pwede ipabrace iyan. Yes. Kailangan ng panoramic X-Ray. Kailangan din ng Ceph X Ray. Kukuhanan ka din ng madaming photos. At kukuhanan din ng sukat ang upper at lower arches mo. Kailangan din ng kumpletong record at history para mapagaralang mabuti ang case mo.

Fixed Bridge: Sensitivity

aymi: ask lang po,, fixed bridge po ang 4 teeth ko sa taas..4 days ago pa lang …ang prob..talaga po bang okay lang na pinapasikan ng water s loob? prang ramdam ko po yung lamig,,may konting ngilo pag malamig na tbig ang iniinom ko. thaks.

Ask the Dentist Philippines: Kung naadjust naman ng husto at sakto ang pagkakagawa ng bridge, 3 days to 1 week mawawala iyang pangingilo. Ang pangingilo matapos ng pagkasemento ng fixed bridge ay natural lang. Bigyan mo ng ilang araw at mawawala din ang pangingilo. Kapag dumaan ang isang linggo at hindi nawala ang sensitivity, bumalik ka sa dentist mo at ikuwento mo ang nagyayari at iyong mga nararamdaman. πŸ™‚

RCT Philippines

ryco: dok,sumasakit po kasi ang pasta sakin at parang may nana yata sa loob kasi may kumubukol na maliit kapag ginagamit ko pangkagat yung 1st and 2nd molars ko sa lower teeth.ano po bang dapat kong gawin sa ngipin ko?ipapabunot ko na po ba?

Ask the Dentist Philippines: Thanks ryco sa tanong. Dahil puno ka ng “yata” ng duda eh ganito ang gawin mo. Ipatingin mo sa dentist. Kapag iyan ay napatunayang may infection, may dalawa kang option, iparct mo, o ipabunot mo. Kung wala pa namang infection, aayusin lang ang pasta mo. Iyan ay matitignang mabuti sa pamamagitan ng x-ray at iba pang tests.

Para sa karagdagang impormasyon sa RCT, iclick mo lang ang Endodontics sa category o kaya’y bisitahin mo ang post na ito:
RCT

Dental Caries

Rexon Nomus Calub: Magandang Umaga po,

May ngipin po ako na may malaking butas na pero di naman ganon kalaki. ano po ang masuggest niyo po para maayos toh? sumasakit po kasi pagnalagyan ng anong bagay like kanin dun sa butas ang ngipin ko, hm, makaya pa po ba ito ipa cement?

Salamat po sa mag tugon.

Ask the Dentist Philippines: Hehehe! Malaki pero hindi ganon kalaki? Hehehe! Maliit ba? O malaki? Ang maisasauggest ko ay, ipatingin mo sa dentist. Hindi ko malalaman kung ano ang pwedeng gawin para maayos yan dahil mismong ikaw hindi mo alam kung maliit o malaki.

Upper Denture Cost

Earl Dennis: Did u know how much if i make it only top dentures?

Ask the Dentist Philippines: Ang price ng denture ay depende sa gagawang dentists, kaalaman ng dentist, gaano kahirap lagyan ka ng pustiso, mga ngipin na kakapitan, uri ng soft tissue na meron ka, quality ng buto at lokasyon ng clinic.
Continue reading “Upper Denture Cost”

Dental Mission Philippines

Kaye Halili: Need volunteers for a dental mission in Carmona Cavite. There are around 200 patients. We were not expecting a big registration. Is there a way for us to contact dental associations that do volunteer work? The oportunity to serve is here πŸ™‚

Ask the Dentist Philippines: Contact Cavite Dental Chapter. Search mo lang sa FB or sa Google or Bing.