Nikka : Doc, pwede bang bunutin na lang yung mga sirang ngipin? Ipapabraces ko sana eh. Okay lang ba kahit walang molar teeth sa lower?
Ask the Dentist : Ubos na nga ngipin mo gusto mo pa ipabunot. Pagtanda mo, magsisisi ka. Kahit gaano kagaling ang dentist mo, hindi niya kayang pantayan ang tunay na ngipin. Kahit sa simpleng pakikipaghalikan, mahirap ang may pustiso. Pwede masungkit ng dila ng BF mo ang pustiso.
Magpapanoramic X-Ray ka muna. Tapos tignan natin kung anu-ano ang dapat bunutin. Ang panoramic x ray, magagamit mo din oras na magpabraces ka. Isa yun sa hahanapin ng dentist mo sa braces. Kapag ang nag-o-ortho sayo ay hindi ka hiningan ng x ray, magduda ka. Base sa litrato na naisend mo, may isang dapat bunutin. Pero tignan natin sa x -ray.
Nikka : Sige po Doc. Ippm ko na lang po sayo ung Xray.


Kapag may apat ng ipin sa harap na wala pero naka pustiso pwede paden ba mag brace?
Pwede. Pero mahirap at magastos na case yan. Dental implants ang target-in mo. http://costofdentalimplant.com/dental-implant/
Hi doc ask ko lang kung anu po cause ng pagsakit ng ngipin ko sa gabi yung pang limang ngipin sa lower na me brace kaso naalis yun bracket pagkakadikit sa ngipin na yun at mga 3 months na po yun natapos i root canal at ipasta bigla pong sumakit sa gabi for 4 days na iniinuman ko lang po mefenamic since yung dentist ko naka out of town ano po ba magandang gawin o remedyo dito..pwed po ba patignan to sa ibang dentist? At normal lang po ba yung cause
Paxray ka. Send mo sa fb ko.