Pasta Philippines

Kimpoy : magandang gabi po,..

nagpapasta po ako last week, tpos kagabi po ay may nakagat ako na na maliit na buto at biglang sumakit ang ngipin ko na may pasta,.. hindi na po natanggal ang sakit,.. uminom nlang po ako ng mefenamic para mawala ang kirot dahil sarado ang dental clinic ngayong pasko,.. ano po ba ang problema?

salamat po,..

Ask the Dentist : Ang problema ay nakakagat ka ng buto. Pwedeng nagkaroon ng crack ang pasta mo, o kaya’y ang ngipin mo mismo.

Kimpoy : sobrang skit po kc kaya kung ano anu na ang ginawa ko kagabi para mawala,.. sinukan kong mumugan ng brandy para mawala ung bacteria,.. tpos nagmumugdin po ako ng maalat na tubig at nilalagyan ko rin po ng toothpaste ung masakit na part
tpos hindi pa rin po nwala ung skit,.. kaya hindi na ako nakatulog kagabi,.. tpos kanina pong umaga ay may nagsbi skin na uminom ng
ponstant 500,.. uminom po ako at nawala ung kirot

Ask the Dentist : Oks.

Kimpoy : Normal lng po ba ung pangingirot nun dok?
anu pong gagawin ko dok? ipapabalik ko po ba ito para ipa ayos ulit?

Ask the Dentist : Hindi yan normal. Hindi mo tatawaging pangingirot ang kirot kung normal. Ang gagawin mo ay pumunta sa dentist. Duda ako na maayos ulit iyan sa pasta lang. Baka RCT na ang kailangan.

Kimpoy : ok po,.. salamat

187 thoughts on “Pasta Philippines”

  1. Doc ano po ba kelangan gawin para mapatagal ang pasta. Sa bagang kasi yung sa akin. Pangguya ko pa. Gaano kaya tatagal and paano mapangalagaan

      1. Doc paanu po ba kung ang pasta po ba at hinde naman sumasakit at pag inilaawan KO may crack say at pag uminom po ako ng kape parang matatang gal

  2. doc ung ngipin ko sa harap pinapasta ko and after 3years napansin ko may lamat na siya . pwede pa bang ipapasta ulit ung ngipin ko doc ?

    Thanks sa advice :))

  3. ask ko lng po pinapastahan ko yung premolar tooth ng 8 years kong anak ang problema simula ng mapastahan sya sumakit na po ang ngipin nya at buong magdamag na syang iyak ng iyak..pinainom k o na rin po sya ng mefenamic pero hindi pa rin po nawawala ang sakit..bkit po kya sumakit nung napastahan na sya?

  4. Ano po bang klase ng x-ray kailangan pagawa ko kung gusto ko po makita ng dentist kung pwede pa ipasta at di iRCT ang ipin? May cavities po front teeth ko. Napastahan na po ito dati mga 8 years ago pero nagka-cavities po siya ulit kasi may itim na naman sa gilid. Di naman po sumasakit.

  5. doc ask ko lng pwede na po bng bunutin ang ngipin na pangatlo malapit po sa bagang.butas na po kc ang ngipin ng 8 years old kong anak.

    thanks

  6. nagpapasta ako nung nkaraan buwan pero masakit na nangingilo ung ngipin ko anu po ba nangyari sa kin..?

  7. Doc, nagpapasta po ako ngipin last april, tapos ngayon sumasakit po yung pinapasta ko, anu kayang problema. yung gums ko din po slight namamaga. right part lang po ng sumasakit na gums nde lang yung sa napastahang ngipin. anu po kayang problema?

  8. Napa x-ray ko n po and napagalaman na may abscess daw po kaya pinatanggal ko na rin kahapon.. Thanks po. 🙂

    Matatanggal po ba sa gargle yung butil ng kanin na napunta sa pinagbunutan? natatakot po kasi akong galawin. Thanks.

  9. Hello po :). Ano po bang pwedeng gawin sa front teeth ko, kasi na butas na siya tas sa gitna pa. Napastahan na po to dati, pero mabilis din natanggal. Kaya pa po ba ng pasta yun? o dapat na pong ipa Jacket?

  10. Doc, nanggaling po ako sa dentista nung nakaraang 3 Linggo sa kadahilanan na nagpa-pasta ako ng aking bagang sa kanan. Ever since that day, after pastahan ung bagang ko, ndi na ko makakain ng mabuti dahil sumasakit po ito kapag pinang-ngunguya ko. Binalikan ko po ang aking dentista at sabi nya ay malalim daw yung ngipin na pinastahan sakin. Patuloy po akong umiinom ng mefenamic para malabanan ang sakit.

    Doc, ano sa tingn nyo po dpat kong gawin? at gagaling pa ba ito?

    NOTE: sumasakit lng po ito whenever I chew. nkkaramdam din po ako ng kirot kpag umiinom ako ng malamig na tubig.

    Maraming salamat at magandang araw po

  11. doc ganto po ba pakiramdam ng pasta magaspang po xa kapag ginagalaw ng dila ko…first time ko lang po kc nag papasta….parang nakakailang po…sa harap po kc ng ngipin ko pina pasta ko kasi po butas na…wala po bang pasta na madulas na parang katulad po ng sa normal na ngipin…tnx po..

  12. doc sumasakit po kasi tong ngipin q since last week. wala po syang butas and every time po na mag brush aq ng gnipin dumudugo po yung gums sa part na masakit. ayoko po sanang pabunot, pwede po bang ipapasta ito? salamat po

  13. Helo doc
    Nagpapasta po ako sa may bagang ko tapos
    Sumakit padin po sya everytime na kumakakin ako and pumunta ulit ako sa dentist then nilagyan ng gamot and pinastahan ulit but then again sumasakit padin po sya. Anu po ba dapat gawib dto? Thank u po

      1. Doc pina xray naman po
        At the second time may cavite pala sa gilid pinastahan ulit but then again it still hurts and wala naman pong nkitang sira sa nerves xray dba sa root canal may sira sa nerves ng ngipin .. Its really wierd..what should i do??

          1. Thank u doc
            Is true po ba if magpabunot maapektohan and figure ng mukha?
            And hanggang magkano po inaabot ang rct??

          2. I mean doc if magpabunot po sa may bagang?? Ok lng po ba yun nakakasira ba yun ng hugis ng mukha?? Ksi po if mag papabunot ako 3 na wala sa akin pero sa bagang..

        1. Doc anu po ba pwd gawin ko sa wisdom tooth na tumubo sakin di po sya fully grown kalahati palang po ok lng po ba to?? Normal lng po ba to?? Minsan po ksi dumudugo pero di sumasakit
          Thank u po

          1. Ilang taon ka na? Magsend ka ng xray ng wisdom tooth mo sa fb ko. Kapag ikaw ay nagdugo at wala ka namang sugat, hindi yan normal, unless isa kang babae at nireregla ka.

          2. 21 po eh doc may sugat po sya kasi naudlot po ata and pagtubo..

            And doc bakit po mabubungi if bubunotin ngipin ko??
            If mag papostiso po ok
            Mapprevent ba pagkabungi?

          3. Hehehe! Mabubungi, kasi kapag nabunot ang ngipin wala na yung ngipin. Kaya kapag nabunot, bungi ka na. Ewan ko kung seryoso ka sa tanong mo. Hehehe! Ang pustiso ay para sa bungal or bungi.

  14. doc bakit po may nararamdaman ako sharp short pain sa may wisdom tooth ko ngaun lng po ng yari sakin to doc eh minsan magugulat nlng ako parang kuryente ung pakiramdam eh

  15. minsan din po ung upper part ng ngipin ganun din ng yari po ito nung isang araw nag tooth brush po ako ng sobra 3 times yata ako nag lagay ng toothpaste na puno sa tooth brush then madiin din po ung pag tooth brush ko d kaya yun ung dahilan nun doc

  16. doc. nagparoot canal na ako at jacket (Porcelain) since (2011) .my question is how many year tatagal tong artificial jacket na to. minsan na ako uminom ng alcohol at natural din nmn mga kinakain ko. at doc second question ko po. okey lang po ba na ipabunot na ung ipin kahit maliit pa butas ng ipin ko sa bagang kasi sakit na eh.mukang ung pasta kasi hindi din tatagal yan. thanks

    1. Ang crown, tumatagal yan ng taon. Kung paanong ang bawat bagay sa mundo may expiration, ganon din ang crown. Minimum of 5 years ang crown, maximum of 10 yeara then replace again.
      Bakit mo ipapabunot? Kung kaya mapastahan or fills, ipapasta mo. Masakit sa ulo mawalan ng ngipin. Wag kang hayok magpabunot. Marerealize mo yung importansya ng ngipin mo sa huli.

  17. hello doc. may previous pasta na po un ngipin ko mga 10 years ago. nung 30 pinapalitan ko po ng bagong pasta.. one week na po pro kumikirot po mga napalitang pasta. sabi po saken normal po un dahil malalim un mga pinalitang pasta. ok lang po ba un sakit hanggang sa nerve ng brain ko

      1. 4 po kc doc na mgkakatabi un pinapalitan ko ng pasta di ko madetermine kung alin po dun tlga un nangingirot kc pakirmdam ko po lahat affected. My paraan po ba para malaman ko kung alin un ang kelangan maRCT.. bumalik po ako sa dentist na gumawa sabi saken di naman po namaga un mga gums ko. Pero yun bandang ilalim ng gums nag red. Sabi dahil daw po sa pagclean nya sa ngipin ko. Bale 11 days na siyang makirot pero hindi na katulad nung first 7 days

        1. Sabi pa po ng dentist na gumawa saken dito sa probinsya un pangingirot ng pastang napalitan 4-5 weeks.. pag bandang hapon na nagstart na siyang kumirot.

        2. May gagawin na endo test sa quadrant kung saan yung pain nag radiate. Actually, simple lang tong problema mo. Xray lang yan. Kung walang xray yung dentist na pinuntahan mo, obviously hindi sya pwedeng mag root canal treatment sa iyo.

  18. hello po, may butas po kasi yung impacted wisdom tooth ko sa left side kaya hindi po ako makanguya sa side na yun,sa ngayon po ay hindi pa naman sya sumasakit, tanong ko lang po kung pwede bang palagyan ko muna ng pasta yun? medyo mahal po kasi ang pagpapabunot ng impacted wisdom tooth dahil mga orthodentist lang daw ang pwedeng magbunot nun, thx.

    1. Pwedeng i pasta/fill yung ngipin. Ganoon talaga ang range ng pagextract ng thrid molars as it poses difficulty. Pero I would like to inform you that Orthodontists are not the only ones who could perform this procedure. General Dentist can perform this. An Oral Maxillo Surgeon could perfrom this best.

  19. doc may pasta po ang bagang ko sa right side medyo natangal un pasta. after two months wala pa nmn pong khit anong kirot o sakit ang nararamdaman ko ngipin na yun pero naisipan kong papastahan na ng bago. nitong lunes (march 2) ko lang po napapasthan pero kda ipang kakain ko po may ngilo po sya po siya. ano po dapat gawin salamat

  20. Doc pinapastahan ko po ang ngipin ko na nabutas kahit sumakit na. Nararamdaman ko padin po yung pain at namaga po yung gums ko. Ano po dapat kong gawin?

    1. Punta ka dentist asap. Ieevaluate yung ngipin na infected. Kailangan ng root canal treatment yan. He / she will take an xray , evaluate the roots and is difficulty kung kaya. Your dentist will also prescribe you medication

      1. Doc? Nagpapasta po aq 3days plng nkakaraan … dpt po ipapas a q po dlawa kso yung isa nlng dw po ung pd… nung napasta npo yung isa after 1day sumakit yung hndi npasta blak q npo xia ipabunot kso .. pti po ung ipapabunot q nlagyn ng pasta .. ung kalaht parang nagk dkt pu cla .. pag pinbunot q pu b ung ktbi nung pasta dpo b msisira ung pasta ?? Anu po dpt gwin?

  21. Doc anu po ba pwede kong gawin kase habang ng sswimming ako bigla po akongnapauntog dun sa tiles ng pool ngayon yung ngipin ko sa unahan ng karon sya ng parang hati tpos kumikirot sya tapos kapag inuga ko sya parang nauga ung may hati anu po dapat kunh gawin

  22. Doc, Nag papasta po ako last month tapos ngayon po chineck ko yung pasta medyo nangingilo po at nag bbrown. Ano po ba dapat ko gawin?

  23. Doc pwede pa po ba ipasta ung jacket ng kaibigan ko 10 year old po. Sa front upper teeth po kase ung nakajacket po sa knya. Eh di nmn daw po bulok.

  24. Doc bakit po kaya smsakit ang dulong bagang ko? Pinapasta ko na po eto last march..ngyn po feeling ko maga sya..tnx

  25. DoC
    Yung ngipin ko po natangal yung kalahati dahil kumain po ako ng bulalao tapos nakafat ko yung maalim na buto natangal yung kalahati ng Wisdom tooth ko sa pinakahuling ngipin sumazakit po siya pag nakakain po ako ng malamig at maanghang. Sumasakit yung gums ko po. Anu po pedeng gawin doc o pede bang ipa bunot ko nalang yung wisdom tooth ko para di na siya sumakit? Thank you po

  26. Good day po Doc.,na impacted po wisdom tooth ko sa right side at na infection na rin po… pinainom po ako ng antibiotic for 10 days. After 2 weeks, dumudugo/sumasakit po yung area sa 3rd molar ko at na sorethroat din po ako. Dapat ibabunot ko na po ba ang wisdom tooth ko? May ma suggest pa po ba kayo na ibang gawin?

  27. Malalaki po ang ngipin ko kya po nila inaasar na mas matangos dw ang nguso ko kesa rw sa ilong ko. Nkakalow po ng self-esteem.anu
    po kya ang dapat kong gawin?

  28. Doc ano po b gagawen ko ung ipin ko medjo magkalayu lng nung asa gitna nung renecomend nla ung retainer sakin napapansin ko lumalala ung pagitan.ano po b ggawen ko salamat po

  29. Doc magandang umaga na po ba! Ano po ba ang dahilan bakit bigla biglang nagilo ng 3- 4 times kahapon ng npakasakit na parang tinutusok konektado sa ulo ung ngipin ko sa baba leftside pangalawa mula sa wisdomtooth ko? Almost 15 years n kasi mula ng huli akong magpalinis at magpapasta pero wala nmn po siyang sira nung pinastahan, may koneksyon po ba yun? O dahil nasanay na akong ngumunguya sa kanan pero nitong mga nakaraan sa kaliwa nmn ako ngumunguya kaya biglang sumak? Tapos nitong bago ko magcomment sa inyo bigla n nmn xang sumakit ng halos mapatalon ka sa tindi ng sakit nagmumog na ako at nagtooth brush nandon pa rin ang ginawa ko kinagat ko yung hawakan ng tooth brush sa bagang nawala po xa! Ano po ba to? Nangangamba lng po kasi ako kasi baka habang nagddrive ako ng motor biglang umatake ng sakit! Wala nmn po xang maga at di nmn masakit pag nwala ung biglang ngilo, anop ba ang dahilan nito?

  30. Doc bakit po nagkalamat ang ngipin ko?hindi ko po alam ang nangyari kung bakit nagkalamat e at hindi pa po eto napapa-Pasta,ano po ang mabisang solusyon para maagapan ito? Salamat po.

  31. doc ung ipin ko po kusa pong nagsisicrack hanggang matira na lang po ung ipin ko na natitira sa gums , tas sa pinakaloob nya naman po ay may itim po , lagi naman po akong nagtotoothbrush , ano po ba ang problema ng aking mga ipin ? at ano po ang aking pweding gawin ? salamat po doc 🙂

  32. Doc ano po bang bawal sa mga bagong pasta? Sa harap po kasi as in yung gitnang bahagi sa harapan po sa taas nkkaaffect po ba ng pagsira n pasta ung pagyoyosi? or pagkain ng mga malamig tpos sabay inom ng kape mga ganun po?

  33. Hi Doc, I found out na may lamat yung ngipin ko sa unahan and yung lamat `nya is parang mahahati sya sa dalawa. Ano pong procedure ang dapat gawin dito para maagapan ang pag crack niya.? Ayoko po kasi na ipa’extract. Thanks!

      1. Hindi po ako na’accident. May mga white part po yung ibabaw ng front teeth ko; yung napupolbos daw po dahil kulang sa flouride ang sabi nung last time na nagpa’cleaning ako. may natanggal na daw po na white part, dun po nag start yung lamat na Visible lang po kapag natatapatan ng ilaw. (ginamitan ko po ng flashlight kaya po nakita ko yung lamat na sinabi nung dentist hehe)

  34. Doc. Ask ko Lang bago po akong pasta sa harap ng ngipin ko simula palang at uminom along ng malamig na tubig rapid Don nag sisimula any pangingilo ng ngipin ko, hanghang sumakit na Talaga sya.. ano po bang gamot Para ma wala Yung skit sa ngipin love doc Yung bagong pasta

  35. Doc ano po ba pwede kong gawin kase parang matatanggal yung ipin ko e parangumuuga sya pero pag ginagalaw ko lang tsaka konti lang

  36. doc pinapasta ko po itong ngipin ko s my bandan left side sa taas.. after 2 months po bigla nlang po cya sumakit at apektado ulo ko sa sakit nangingilo din po cya ano po dapat ko gawin?

  37. Nagpapasta po akodoc at itatanong ko lang po kung natural lang po ba na sumakit ang pinastaan after 3days.? Sobrang sakit po lalo na pag ikinakagat ko po sa pagkain.

  38. Doc…npastahan po ako nung 2007 pero ngayon po sumasakit na yong npastahan n ngipin ko..nwala npo yung dating kinang s ibabaw pwede pa po ba otong ipapasta uli???slamat po

  39. Hi Doc, nag papasta po ako sa front teeth ko, di naman po sya masakit pero once na umiinom ako ng malalamig na inumin, nangingilo na sya. Ano po dapat ko gawin? Thanks

    1. Hello Engr. Galvez! Was the doctor able to mention that the resoration (filling / pasta) done on you was a deep cavity? If yes, then normal po na kapag may temperature changes inside the mouth, especially when you eat or drink something cold, sensitivity or pangingilo is a normal symptom.

  40. Hi Doc, nag papasta po ako sa front teeth ko, di naman po sya masakit pero once na umiinom ako ng malalamig na inumin, dun na ako nakakaramdam ng pangingilo. Ano po dapat ko gawin? Thanks

  41. Hi Doc, nag papasta po ako sa front teeth ko, di naman po sya masakit pero once na umiinom ako ng malalamig na inumin, dun na ako nakakaramdam ng pangingilo. Ano po dapat ko gawin? Thanks

  42. Hi Doc, nag papasta po ako sa front teeth ko, di naman po sya masakit pero once na umiinom ako ng malalamig na inumin, dun na ako nakakaramdam ng pangingilo. Ano po dapat ko gawin? Thanks

  43. Nagpapasta po ako last june 2016 pero sumakit po ito march 2017 ginamitan ko lng po sya ng colgate sensitive at nawala po ang pananakit tapos po bumukol po ang gilagid ko at may nana na lumabas po. Ano po pde kong gawin?

  44. Nag pa pasta po ako kahapon. tapos po pag gising ko masakit po yung isang pinasta sakin wla namn po akong nkain na matigas . 3 po yung pinapasta ko kahapon . pero isa lang po yung nasakit . ano po kayang dahilan or pwedeng gamot po and may nararamdaman po ako simula kahapon na parang may hibla .

  45. Doc sumasakit po yung bagang ko na pinastahan ng 8 years na pati po yung gums ko. ano po yung gagawin ko?

  46. Doc sumasakit po yung ngipon ko na pinastahan 8 years na po. pati po yung gums ko sumasakit. ano po yung gagawin ko? 2 weeks na po.

Leave a Reply