Eloi : pwede bang gamitin ang braces ulit?
Ask the Dentist : Kung ang braces mo ay tinanggal ng iyong dentista dahil ito’y kailangan sa Orthodontic treatment mo, ang braces mo na tinanggal ay pwedeng ikabit muli sayo. Ito ay braces na ginamit sayo, at sayo lang dapat gamitin.
Ang braces na tinanggal sayo, ay hindi pwedeng gamitin sa iba. Ang braces na tinanggal sa iba, ay hindi dapat gamitin sayo. Ito ay isang kababuyan. Oks? Ang brackets ay nakatalagang “for single use only”.
Ang tamang pamamaraan ng mga orthdontist ay, ipinapakita muna nila sa patient na nagmula sa bagong bukas na case ng brackets ang ilalagay sa pasyente. At matapos ang ilang buwan o taon at tapos na ang orthodontic treatment, ang tinanggal na brackets ay ibibigay sa pasyente. Ang tungkulin naman ng pasyente ay kunin ang brackets na tinanggal mula sa kanya, pagkatapos ng kanyang orthodontic treatment.
May ilang dentist na nagrerecycle ng brackets. Isa ito sa dahilan kung bakit mura ang singil ng ilang dentist. Dagdag pa dito ang kakulangan sa training. Dahil kung ang dentist ay may sapat na training tungkol sa orthodontics, hinding hindi niya gagamitin ang brackets mula sa isang pasyente papunta sa susunod na pasyente.
Saan po ba nilalagay ang brace? Sa ngipin o sa gums
Sa ngipin.
Doc.. Ano po gagawin kapag may bulok na ngipin sa gilid ng teeth tsaka sa kabilaan.
tas may sungki na ngipin sa front upper teeth ko..
ano po dapat gawinb doc?
Kung hindi pa sumasakit at hindi pa infected ang pulp, ipapasta mo lang.
Paano po ba malalaman na infected na ang pulp?
Sa xray or kapag sumakit na. Or nakikita mong may lumalabas ng nana. Sa x ray ang pinakaeffective na paraan upang makita.
hanggang ilang taon po pwede mag pa brace?
Hanggang kaya niyang magbayad.
doc. balak ko po sana pabraces kaso may bunot po ang ngipin ko sa lower left part.. yung pangil at yung tabi nya..pwede pa po ba akong pabraces kahit papustiso ko yun? thanks poh..:)
Hindi mo gagamitin ang pustiso mo kapag nagbraces ka. May gagawin diyan sa parte ng bungi mo, depende sa lawak ng space.
doc. pwede po bang mag pa braces khit na pastahan nya ung sa itaas ng ngipin sa harap?
Yes.
doc, how can i bring back the whitens of my teeth before?may time limit din po ba ang pagtotoothbrush?
Magpa-teeth whitening ka sa dentist.
doc, magkano po magpa brace pag upper lang
Upper at lower lagi ang braces.
Doc, ask ko lang po ngpa brace po ako nung april.nakapgpa adjust ako twice lang this year. Ano po ba magiging epekto sa ngipin ko ng ganun katagal di nakakabalik sa dentist. Gusto po sana lumipat ng dentist para dun nalang ituloy yung pagpapa adjust, pwede po ba yun doc?
Hindi. Uulitin yan mula sa simula. Tatanggalin yang dati mong braces at lalagyan ka ng bago.
Pero pwede yun bago dentist na yung magtatanggal ng braces ko doc?
Yes. Pero walang mangyayari diyan kung paulit ulit mong gagawin yang ginawa mo.
doc tanong din po ko ulit .. sa tingin nyo po ba doc sa unang check up po or sa pag pa brace or unang bayad, downpayment mga magkano po ba muna aabutin halaga sa una lang po doc d muna kasali sa adjustment sa una lang po doc. thanks.
Depende sa dentistang pupuntahan mo yan. Hindi ko masasagot dahil hindi mo ako pinuntahan at hindi din pupuntahan.
Doc kapag magpapabrace po ba isang bayaran na lang po ba o hiwalay yung pagpapaayos o pagpapasikip?
Instalment.
Magkakaron po ba nang problema o complication ang ngipin kung upper part lang nito ang may braces?
Yes.
Doc. mag kano po ba ang pa-brace upper and lower? Naka dipende po ba ito sa dentista?
Factor yan. Kasi yung galing niya ang binabayaran mo. Factor din ang lala ng aayusin sa ngipin mo.
balak ko po kasing mag pa brace kaso yung canine(RS) ko wala na tapos po yung mga 1st molar ko wala na din… tapos po yung sa right side lower teeth ko, ung 2nd premolar ko po at ung 2nd molar mag kadikit na po sila.. ano po pwedeng gawin? …
Magpabrace. Hehe! 😀
😀 Haha! !@#$#@!$ xD thanks doc.
Oks.
doc,ask ko lang po , if pwede po ba akong magpabrace if, ung sa right part po e tnutubuan ng wisdom teeth,what is the best solution po?
Pwede.
Doc, tanong ko lang po, mga 2-3 years ng tinanggal ang braces ko, kaso ngayon po nag-move yung nasa taas kong ngipin pero minor lang naman po. Kaso medyo halata pa din. Pede ko po bang ipabalik yung braces ko dati?
Yes.
Doc, yung brackets ko pa din po dati ang pwedeng gamitin? Ibig sabihin di po magbabayad kapag pinakabit po ulit yun? Thank you po
Yes. Panibagong treatment yan.
Doc, Good day! I was just wanna ask if it’s possible na ipa-adjust and ipadikit ko yung mga natanggal na brackets ko sa ibang Dentist? I have my reasons for doing it but i just wanna know if it’s right.. Gusto ko na po kasi sna na ipa-adjust yung braces ko kasi I can feel na the wire sa dulong part na tumutusok na sa may pisngi ko and majority na din ng mga brackets ung natanggal sa pagkakadikit pero hindi ko pa tinatanggal kasi nakakapit pa nman sa wire ung mga brackets kasi may rubber nman pero natatakot ako kasi baka habang kumakain ako matanggal ung brackets tapos malunok ko, e every time na hihingi ako ng schedule ang daming excuses ng dentist ko e ako nman yung nagsusuffer hindi ako makatulog at makakain ng maayos dahil sa mga wires na tumutusok sa pisngi ko nagka-singaw na nga e.. ayoko nung ang dami niang excuses kaya gusto ko na sn magpalit ng dentist. pls answer me if it’s possible and right.. Thank you so much and looking forward to ur response.. God Bless
Magpalit ka ng dentist kung totoo nga ang kuwento mo.
hi doc…safe po ba yung mga dental braces na nabibili sa mga online sellers
Hindi. Sa totoo lang, dahilan yan ng pagkalagas ng ngipin at bukol bukol. Ilang taon ang pagaaral bago maging dentist, at ilang taon na karagdagan bago maging orthodontist. Kung ayaw mo maniwala, i-try mo. Sa dentist ka din naman babalik kapag may bukol at kanser ka na.
Doc, tanong ko lang po.. Pwede po bang magpa brace ulit kahit na tapos na ko.. i mean tapos na yung pagbabayad ko..? pero yung dalawang pangil ko pa medyo sungki padin, tas yung gilagid ko po halata parin yung nakaumbok dahil dun sa pangil. tapos gusto na po ng dentist ko na tanggalin kasi maayos na daw, okay na daw yun. pero para po sa mommy ko at sakin hindi pa sya okay kasi halata pa po yung pangil ko na medyo nakaangat.. pwede po bang hingiin ko yung bracket pagkatanggal tas ipakabit ko po ulit sa iba?? anu po say nyo ??
Kapag tinanggal na ang braces mo, hindi na dapat gamitin. Ideally, kapag magpapabraces ka ulit, bago ulit ang gagamitin at panibagong treatment ulit.
Malalaman mong matino ang dentist mo, kung after ng orthodontic treatment, binabalik sa patient ang brackets na tinanggal. Hindi dahil sa magagamit ulit ng pasyente ang brackets. Dapat binibigay sa pasyente ang tinanggal na brackets para maipakita sa pasyente na hindi nagrerecycle ng brackets ang dentist.
Pero hindi pa po sya medyo maayos.. kahit po ba ganun, kailangan po bago ulit ang gamitin na brackets??
Ang dentist mo ang magdidecide kung kailangan ng bago.
Doc, hindi po ba tinatapon ng dentist ang brackets kahit 3 years ng pinatanggal ang braces? Pede pa po ulit gamitin yung dating brackets kapag nagadjust yung ngipin?
Usually, pagkatapos ng treatment, binabalik yun sa pasyente. Kung hindi niya ibinigay matapos ang treatment, tinatapon niya yun. Maliban na lang kung isa siyang hoarder hindi niya itatapon yun. Pwede din hindi niya itapon yun kung nagrerecylce siya ng brackets mula isa patient patungo sa ibang pasyente.
Hello! Just wanna ask po, I use Straight Wire Low Friction na brackets, yung may anim na tips (tips ba tawag dun? dun sa pinag kakapitan ng ligatures). Ano po pinagkaiba nun dun sa may apat na tips lang? Ano po ang mas mahal? Thanks Doc!
Mas friendly sa periodontal ligaments.
Paano po ayusin ang tabinging ipin? Kailangan po ba itong i brace?
Yes.
doc i just want to change my dentist because it is to far to my hometown it is possible to change my dentist na mas malapit sakin? and paano ang payment meron bang downpayment ulit or yung monthly adjustment nalang
Oo. Panibagong case yan.
Nakakasira po ba ang DIY braces?
Oo. Oo. At oo. Walang kaukulang kaalamn ang naglalagay ng diy braces. Hindi nila alam na ang epekto ng paglagay nito sa pasyenteng naloko nila ay pagkalagas ng ngipin ng pasiyente.
Doc, magkano po ung magpaaus ng ngipin kase ung harap po ng ngipin ko ay parang bunny teeth, malaki po ang ngipin sa harap pero pantay. Magagawan po ba ng paraan un ng braces? Magkano po kaya un?
Oo magpabraces ka.
doc, magkanp po ba mag braces
Depende sa lala. For more info, read: http://dental.tips/dental-braces/
Hello po doc. Gusto ko lang po sana magtanong kung pwede po ba ako magpa tooth braces kahit may isang denture ako .. Nasa gilid lang naman po siya doc .sa upper part ..
Pwede. Read for more info :
http://dental.tips/dental-braces/
http://www.askthedentist.tv/braces-faq/
Hi ! Ask ko lang po .. may natanggal kasi sa bracket ng braces ko .. pero yung dentist ko is in vcation .. ask ko lang po if pwede po sya ipakabit sa ibang dentis
Hindi. Madaming tangang dentist na nagdidikit nyan. Kapag natangahan ng dentist na pinuntahan mo, lagot ka.
Hi Doc! Pwede ba akong magpa braces khit maayos naman ang ipen ko? May kulang lang ako na molars magkabila sa lower..
Pwede. Anong maayos eh ikaw na nga ang nagsabi na may kulang.
Doc after po ba ng braces ano po susunod na ilalagay o may ikakabit pa ba o wala na!??,.
More info. More kwento.
doc. pwede bang ipalinis ang ngipin kahit nakabrace? at ipasta ulit,
panu po maiiwasan ung pag kakaruon nang sugat pag nasasagi ng mga bracket
Magpalit ka ng orthodontist. Kung DIY braces yan, magdasal ka na mamaya na tumagal pa mga ngipin mo.
Doc ask ko lang may kelangan pa bang requirements kapag magpapalit ng dentist..
Oo.
doc paano po kung hindi nakuha yung brackets ko nung nagpatanggal ako ng braces. makukuha ko pa ba yun ?o itinatabi ba ng mga dentist yun? kasi naman ang pagkasabi nya saakin ay kung gusto ko gawing bracelet yun. hindi naman nya binigay .
Wag mo na paginteresan yun. HIndi mo na magagamit yun.
May bayad po ba pag tinataggal yong braces kahit Di pa tapos ung treatment
Kasi walang xray
Oo.
Yes there is.