Darah : hi po doc. nagpabunot po ako ng ngipin kanina. ask ko lng po kng kelan ako pede magpalagay ng dentures. sa harap po kasi siya. isa lang naman po.
Ask the Dentist : Yay! Bakit ka nagpabunot? Kung sa long term, mas makakamura ka sa RCT plus crown.
Darah : e kasi po ndi na daw kaya iroot canal. trusted naman po ung dentist kasi matagal na po namin ung dentist. any suggestions? ang weird naman po kasi nung feeling and binabasa ko po ung forum niyo. pede naman po cguro magpadenture na bukas db?
ndi naman po cguro masama na magpadenture muna db?
Ask the Dentist : Halos pwede lagi iroot canal.
Darah : ngak. e nabunot na po e. pero pede naman cguro po mgpadenture na bukas db?
Ask the Dentist : Depende sa purpose ng denture. Kung for esthetic purpose, oo pwede. Pero asahan mong hindi pa yan ang definite na denture mo dahil luluwag yan after 3-4 weeks.
Darah : pero magkano naman po kaya yun?
Ask the Dentist : Madalang na madalan na hindi na pwede iRCT. Base na din sa photos mong nakapost.
Darah : kht pantapal na lng po muna. kasi db mas prone po sa infections kpg bagong bunot?
ahhhh. may cnasabi po kasi ung dentist kanina. ndi ko lng po naintindihan kasi sobrang kabado ako. hahahaha. btw, magkano naman po kaya un?
Ask the Dentist : Kung madalang ka magbrush at kada-dekada magpalinis ng ngipin sa dentist, oo prone sa infection.
Since ang dentist mo ay napakagaling at sinabi niyang hindi ka na pwede iRCT ay siyang makakasagot kung magkano ang pustiso.
Darah : tsaka po kasi kanina akala ko may natira dun sa nabunot ung pala may kanin na naiwan. magkano po kaya ung denture? kpg gumaling na po ng tuluyan ng gum tsaka ako mgpapagawa ng denture
kung kayo po magkano kaya?
pero pede naman po na bukas na ako mgpalagay bukas db?
Ask the Dentist : Kung ikaw ay wala pang asawa, iyong sinayang ang iyong kagandahan. Ito ang simula ng iyong pagpangit.
Darah : hahahaha. grabe naman po doc. hindi na rin po ako papabunot. gusto ko lng naman po malaman kung pede
Ask the Dentist : Sinasabi ko lang ang totoo. After ilang buwan, mapapansin mo na na mali ang desisyon mo.
Darah : na mali po na nagpabunot ako?
e ung dentist din po kasi ung nagbunot. so hindi po muna ako dapat mgpadenture?
Ask the Dentist : After 2 weeks, magsasara ang sugat. Pwede ka magpagawa ng interim denture. After 6-8 weeks, pwede ka na magpagawa ng definite denture.
Darah : pero ngayon ndi na po muna?
Ask the Dentist : O siya, magtanong ka sa dentist mo. Hehehe!
Darah : thank you po sa advice. ndi na rin po ako papabunot. sundin ko n lng po ung advice niyo na magpaRCT na lng.
Ask the Dentist : Pwede kang wag magpagawa kung ikaw ay may lakas ng loob na humarap sa mundo na bungi. Or kung may dugo ka ng Spartan.
Darah : HAHAHAHAHAHA. magpapagawa na po ako bukas. salamat po sa advice. kahit pangtapal lng muna.
Doc meron ako fixed bridge porcelain sya kaso after a year nabasag sya… Lumipat ako ng ibang dentist para magpagawa ng bagong fixes bridge kaya lang ang suggestion nya magsplint daw muna ako kase may tmj ako… Kahit daw po magpalit ako ng fixed bridge same lang daw ang mangyayari kase mali daw ang bite ko… Tama po ba yun?
Magsend ka ng panoramic x ray sa FB ko para makita ko.