Pwede ba lumipat ng dentist kapag braces

Genelyn : Doc
May nag offer sakin ng brace na start to 25k
Sa ur—- sm—- po un.. Kaso ung dentist n unang gumawa is umalis n so nilipat ako sa bagong dentist.. Nilinis at agad ding nilagay ang brace .. Tas pinapirma agad ng contract.. Ilang session din cnabihan ako na ung case q ay malala kaya mas mahal dapat.. So binago nila… Doc sabi ko sa skul n lang ako magpapapasta para mura..
Pumayag cla.. Tas binunutan pa ko ng ngipin.. Doc panu po un? Pwede b ko lumipat ng dentist?

Ask the Dentist : SIla ang kausapin mo tungkol diyan. Hindi ako.

Genelyn : E doc pwede po ba papasta sa ibang dentist kahit may brace ako?
Syaka doc ganun po b talga yun? Binubunutan ng ngipin?
Salamat s response

Ask the Dentist : YUng ortho mo ang dapat magpasta.
Depende sa kaso kung may bubunutan. Either 3rd molar or premolar. For more info read:

Braces FAQ

Genelyn : Pumayag sya n hndi aq mgppasta s knya..
Tama b yun n ginawa nya un? Na pumayag sya..

So sa madaling salita hndi aq tatanggapin ng ibang dentist for pasta?

Ask the Dentist : Kung sa kaso mong kuripot, pumapayag na ang dentist. Usually kapag ortho px, tapos nagpapasta sa estudyante, hindi mo sigurado kung alam ng estudyante ang ginagawa niya sa kasong ganyan.

Tandaan mo, ang quality laging may presyo. Kung talagang nagtitipid ka, wag ka na magpabraces. Magastos ang braces.

Genelyn : E yun n nga po e.. Nandito n kasi.. Tas pag pinatanggal ko ung braces kitang kita yung bungi

Genelyn : Syaka tanong ko n rin po..
Sa 40k n bayad ko na hndi kasama ang pasta.. Tama lang po ba ang presyo?
Hndi rin po jan kasma mga xray ..
Salamat s response

Ask the Dentist : Parang sa bayad ng kuryente yan. Magkano ang bayad mo sa kuryente? Hindi mo sasagutin ng “2K kasama ang bayad sa tubig at upa sa bahay”.

Leave a Reply

%d