RCT and braces

Dianarra : Hi doc, ito nga po pala ung napaganda kong ngipin. 19 palang po ako, ano po ba magandang solution jan doc. salamat po.

rct-braces

Ask the Dentist : Una mong gawin ay magpapasta. Daming sira na ngipin na pwede pa isave sa pasta. Tapos, braces.

Dianarra : doc panu ung sumakit na, ung nasa lower part, ipapasta ko pa ba? naencounter ko po kasi un eh, sumakit na tapos pinapasta ko, aun nabunot din :(((

Ask the Dentist : RCT kapag masakit na.

Dianarra : sa tingin nyo po magkano magpabrace ng ganyan po ang issue?
sa tingin nyo po doc magkano magpabrace na ganyan ang issue? thanks po.

Dianarra : HI DOC, PWEDE PO BANG MAG PA BRACE MUNA? SA ISSUE NA IYAN?

Ask the Dentist : Hindi. Bago braces dapat inaayos muna lahat ng sira. Papastahan, RCT etc.

Dianarra : ahhh cge po, ahm last na po. may isa po kasi akong ngipin, nasakit lang sya pag nakain ako ng sobrang tamis like snickers. kaya pa po iyon ng pasta ano po?
upper premolar po un.

Ask the Dentist : Try mo. Kung sumakit ulit, RCT.

Dianarra : aw. lagi pong ganun. nasakit pag nakain ng matamis. cge. po doc. salamat po ng marami.
magkano po ba rct nga po pala.
Thank you po.

18 thoughts on “RCT and braces”

  1. doc, ako po yang nasa pic. nagpaconsult po ako kanina.

    sabi, yung ganyang case po eh kayang ayusin ng 1year, which is tama po ba ung sinabi ng dentist?

    and every 3months lang saka magpalit ng wires, which is tama rin po ba ung sinabi nya?

    tsaka, ung pinasa ko po sa fb, ung wala po kasi akong 1st molars sa baba both sides, papapustisuhan daw kasi hindi sya kaya magclose gamit ang braces, hmmmm. ayun po. salamat.

    hindu naman sa may doubt ako, gusto ko lang iassure kasi, ayoko po matulad sa iba na nasira ang ngipin dahil sa hindi maganda ang quality.

    1. at tsaka, pede daw po na magpapasta habang may braces. i mean, kunwari naka 2mons ka na nakabraces, ika 3mons pagnaisipan mong magpapapasta, pede daw po, tama din po ba ung sinabi nya? hope doc maintindihan nyo po ako. salamat. 🙂

      1. Uunahin ang pasta. Nagmamadali ang dentist mo para makasingil agad. Magpapasta ka bago ang braces. Kung pinilit niya ang una ang braces bago pasta, magpalit ka ng dentist.

        Wag ka maghanap ng cheapest ortho. Para safe, magtanong tanong ka ng price. Kunin mo ang average ng prices mula samga dentist na natanungan mo. Pagkatapos nun, mamili kang dentist. Tanungin mo ang pinagaralan niya. Ilang buwan ang training niya.

  2. Hi doc, tanong ku lang kung pweding pa maayos yung tooth ko na pinapastahan ko 4 years ago nawala na yung cement.

Leave a Reply