May Jean : Hello, good morning po. May itatanong sana ako.
Oct 20 ay nagpa RTC ako ng upper and lower molar tooth ko pero hangga ngayon ay nasakit pa rin tulad ng dati before the treatment at both nasakit. 4 times ng na open at linis upper at 5 times naman sa lower. Everytime na file nya ay masakit yong dulo na natutusok. 1 canal sa lower at 1 din sa upper ang nasakit pag natutusok. Hindi ko alam kung hindi lang talaga magaling dentist. Tiningnan ko calling card ay DND nakalagay at wala nakalagay na specialization. Ni refer kasi ako ng kasamahan nya na d kayang perform RTC ng molars at sinabing magaling daw. At everytime na nag perform ay sya lang at wala assistant. Yong assistant ay taga tawag lang. Tapos pag nag perform ay wala pa 1 hour for both tooth kasi dati kong root canal ay 1 canal lang sya pero inaabot dati ko dentist mahigit 1 hour at d man lang sumakit after the procedure.
Parang kulang pati sa instruments at hindi masyado hygienic. Parang wala transillumination at ni wala yong kulay blue na ussually giangamit dentist para sa pagkagat pag nilalagyan temporary/permanent filling.
Tapos aalis kasi ako bansa for 3 months. Paano po if d mawala sakit before ako alis? I close na ba nya permament at kailangan ko ba bayaran ng full kahit d successful?
Thanks and sana po ay masagot nyo mga tanong ko. Thanks 🙂
Ask the Dentist : Hi May Jean. Normal lang ang pananakit after ng RCT. Nagheheal ka pa. Nilagyan na ba ng final restoration? Palagyan mo ng final resoration ha. Kailangan within one month malagyan na ng crown o pasta. Pero kung tatanunin mo ako kung ano ang pinakamainam, porcelain fused to metal crown, next ang onlay, last ang pasta. Kapag maganda ang seal sa crown, at maganda ang seal ng mismong sa apical, pwedeng habambuhay na ang ngipin mo. Siyempre dapat practice good oral hygiene, floss 3 times a week tuwing gabi, at brush after matapos mo kumain. 3 -5 minutes ang brushing ha.
Doc, ang pangil ko ay naputol at kelangan ng root canal. Pero balak ko din magpa-brace. Pag nagpa-brace ako ng teeth kelangan bunutan ako ng ngipin. Alam kong mahalaga ang pangil pero pwede bang option na ang pangil na lang ang bunutin kesa iparoot canal.. o dapat isave ang pangil at all cost at yung ibang healthy tooth na lang ang bunutin? Sorry di ko alam pano magpost ng new question kaya reply na lang ako dito..
Alam mo na palang mahalaga. Alam mo na din ang gagawin. Iparoot canal mo yang pangil.
Doc, pag lampas ba ng 5 mins ang pagto-toothbrush nkakasama?
Tanungin mo sa dentist mo. Pinagmamalaki mo ang dentist mo sa akin pero ako naman itong tinatanong mo.
Ang galing mo doc.
Doc ikaw ang pinakamagaling.
Thanks.
THanks.
doc ask ko lng po, s root canal treatments po ba dto sa pinas eh hindi tayo gumgmit ng anesthesia before doing the procedure? paparoot canal po kc sna ako sa upper left molar ko kso sa unang needle thingy plang eh ang sakit sakit n kya d nmin naituloy.. parang d ko po kc kya ung skit.. eh sabi po ng dentist ko ung mga RCT eh d tlga inaanesthesize kc kelangan nilang mlaman pg ung sa tamang pagtusok sa pulp ng ngipin .. pero kpag nman ngreresearch ako sa internet usually nman daw po ninunumb up ung teeth area n gagawan ng RCT (root canal treatment).. ano po ba tlga?
Malaki ang probability na dentist ka. PM mo ako sa FB kung gusto mo ikunsulta yang case mo. Send ka din ng photo ng xray ng case mo. Oks?