Jenie: Doc, nagkafracture yung isa kong ipin, tabi ng pangil malapit sa mga molars. May pasta siya before pero biglang nagcrack and nabasag ng tuluyan yung gilid, nakikita ko pa yung pasta pero pag kinapa ko ng dila ko, may part na butas. Sumasakit na siya ngayon, pwede pa kaya itong pastahan? kahit parang abot na sa gumline yung fracture? Hanggat maari kasi ayoko pabunot kasi medyo malapit na siya sa front teeth, makikita pag nagsmile ako na may gap. Nung pinapastahan ko to mababaw lang naman siya, kaya taka ako why bigla nabasag. Btw, pinastahan siya i think 2 years ago. Thank you
Ask the Dentist Philippines: Hi Jenie. Base sa pagkakakuwento mo, malamang na nagkaroon ng recurrent caries yang ngipin mo. O pwede ding nagcrack dahil sa may nakagat kang bato sa kanin, o iba pang matigas na bagay. O pwede ding nagcrack lang talaga, dahil siyempre ginagamit mo naman lagi ang ngipin mo. Hehehe! Hindi na yan pwedeng pastahan. Base sa kuwento mo, malamang infected na yan. Ang pwede mong gawin, iparoot canal treatment mo. Kapag sumakit na, ipaRCT mo. Kung infected, hindi pwedeng pastahan lang. Lalala lang yang kalagayan ng ngipin mo.
Ang ginagawa sa RCT, nililinis ang infected na canal, kapag malinis na, lalagyan ng gutta percha pamalit sa infected na soft tissue na inalis sa loob ng ngipin mo.
Pagkatapos ng Root Canal Therapy, depende sa laki ng sira, pwedeng pastahan o lagyan ng dental crown. Sa Pilipinas, ang cost of root canal treatment is P3,000 up bawat canal. Sa premolars, 2 to 3 canals yan. Kaya P3,000 times 2 or 3, kaya equals P6,000 – P9,000 ang gagastusin mo. Ang presyo naman ng dental crown is P5,000 up (mas mura sa probinsya). Read: Dental Crown Cost – http://www.dentalcrown.tv/dental-crown-cost/ and Fixed Dentures – http://www.dentures.com.ph/category/fixed-dentures/ for more info about dental crowns. Dapat porcelain or porcelain fused to metal dental crown ang ipagawa mo ha. Huwag acrylic o plastic jacket. Unless siga ka, pwedeng plastic jacket crown.
Pwede mo rin ipabunot. Pinakamurang paraan.
Sabi mo, “mababaw lang noong pinastahan”. Kadalasan, ang cavity, mababaw lang pag titignan mo sa ibabaw, minsan dot lang sa liit. Pero sa loob, malaki. Malamang hindi yan mababaw. Malaki yan sa loob. Pwede ding mababaw nga talaga noong pinastahan, pero nagkaroon ng caries sa loob at lumaki nang hindi mo napansin. Maihahalintulad mo sa chicharon. Hollow sa loob. Akala mo solid pa, yun pala may sira na sa loob.
Sa Root Canal Treatment nga pala, ini-X-Ray yang ngipin mo. Huwag kang maniniwala sa RCT na walang X-Ray. Ang tamang RCT, may X-Ray. Unless kayang hulaan ng dentist kung ilan ang extra canal at gaano kahaba ang canal ng ngipin mo.
Pwedeng mali ang sagot ko sa tanong mo. Kaya dapat ikonsulta mo sa Dentist at wag mo gawing absolute na tama ang nababasa mo sa internet. Karamihan ng nababasa mo tungkol sa Dentistry sa internet ngayon, hindi gawa ng Dentist. Karamihan sa nababasa mo online ngayon gawa ng simpleng writer lang o kaya mga web developer lang na gusto kumita sa ads.
Hanggang sa muli. Merry Christmas!
7 canals daw po..magkano po ba and dentist’s fee for rct?
Mga 35K pataas yan. 2 ngipin yan malamang.
doc magkano b ang mag pabridge sa molar? salamat, pinag iisipan ko rin kasing magparoot canal, kaso busy ang sched, kaya ipapabunot ko nlang tas bridge. .
Ang presyon ng bridge ay Depende sa klase ng bridge, galing ng dentist, lugar ng clinic niya at iba pa. http://costofdentalbridge.com/dental-bridge-cost/
Doc ano po b gagawin pag ung front tooth ay naguumpisa ng mangitim? Tsaka magkano po kaya aabutin?
Depende sa dahilan ng pangingitim kung ano ang gagawin.
Doc na suntok po kasi ngipin ko tapos ngayon gumagalaw na siya ano po mangyayare? Ano po puedeng gawin?
Hanap ka ng orthdontist. Tapos magsasuggest yun na ixray. Sa xray makikita kung ano ang lala ng damage. Depende sa kung ano ang damage, kung ano ang dapat gawin.
Doc,what po name mo and where po clinic mo?
Ako si Ask D Dentist.
Doc, itatanong ko po sana kung pwde pang ibraces ang na root canal na. 🙂
Oo.
doc ano ba yung ginagawa para hndi mangitim yung ngipin after RCT?
Depende sa laki ng natitirang tooth structure ang maaaring gawin. Ang absolute rule ay dapat malagyan ng final restoration after RCT para maisara.
doc pede poba pastahab ang ngipin kahit bulok na?
Send photo sa FB ko para makita ko.
doc yung ngipin ko dati after i root canal nangitim. ganun po ba talaga kasi takot na ko magparootcanal ulit kung ganun
Isabi mo sa dentist mo yan para hindi mangitim. May paraan para hindi mangitim.
Good day doc mag tatanong? nag pa check up po kasi ako sa dentist din sabi nya need ko daw ipa root canal yong ngipin ko kasi may sira po kasi at nag karoon ng discoloration then nag pa tingin ako sa isa pang dentist ang sabi nya naman mag pa jacket nalang daw ako kasi sayng daw po yong ngipin kasi papatayin daw yong nerve pag pina rootcanal bale yon na nga po ang ginawa ko nag pa jacket na po ako tapos may jacket na yong mallit na ngipin po na foundation ng jakcet may itim pa din at pero tinuloy nya pa din kinabukasan may tumubong mallit na bukol sa taas ng aking ngipin sa gums po sya then medyo masakit. Ano po ba yong dapat gawin doon doc? Salamat
Tama yung unang napuntahan mong dentist. Ang gagawin diyan ay ipaxray mo. Para makita kung kaya pang humawak ng crown yung ngipin mo. Ipatanggal ang jacket crown. IpaRCT mo. Tapos gagawan ka ng bagong crown.
hi doc. ask ko po kung saan ako mas makakatipid na root canal treatment. RCT na per canal ang fee or RCT na per unit and fee? Incisor teeth po yung may problem and naka plastic jacket po ako right now. Dati pong porcelain jacket yung 4 na ngipin sa baba pero pinalitan ng plastic kse laging natatanggal yung bracket. Missing na rin po yung 1 ngipin under ng jacket.Thanks and more power.
Makakatipid ka sa pamamagitan ng pagtatanong sa mga dentist na mabisita mo. Pero wag ka maghanap ng pinamura, mapapahamak ka dahil kapag mura, low quality ang dental treatment.
Hi po Doc, first time ko po dito, ask ko po kung bakit po matindi ang pain sensitivity ko sa bandang left part ng mouth ko particularly ung mga bandang before wisdom tooth, pag kumain/uminom me malamig masyadong masakit at parang nagssteady ung sakit minsan nawawala, so pag sumasakit mefenamic acid iniinom ko, ano po kaya ang dahilan nito Doc. Please advice po. More power po sa inyo God Bless po…
Magpapanoramic xray ka. Or periapical x ray. Yung malinaw. Send mo sa FB ko.
wow! Doc, sobrang tuwa ko at nadiscover ko tong page na to. 🙂
Sobrang tuwa ko madami ako px kanina. Sobrang tuwa ko napalitan ko yung gulong ng flat tire ng bisikleta ko. 😀
Doc, ano po ba ang dapat kong gawin, nagpapasta po ako sa gitna ng dalawang ipin ko sa harap. Pagkatapos pong pastahan sumakit po ng sobra kaya tinanggal, namaga po.. tapos nung pinabalik ko na hindi na po sumakit.. nag-iba na po ako ng dentist pinapalitan ko po ulit ung pasta ko kse nangingitim tapos nangitim po ulit ngayon sabi po ng dentist iparoot canal ko na daw po. magkano po kaya aabutin? may iba pa po bang paraan para maging maayos? salamat po
Yes. RCT. http://www.askthedentist.tv/root-canal-treatment-rct-canine-tooth/
Doc, ilang hours po ung procedure ng RCT? paano po kung nag lolock jaw? thanks po
In my experience, it usually takes me between 1-3 hours (per session). The length varies depending on what i do on the patient. In your case, the span of treatment should be shortened
hello po. doc ask ko lang po if my ession po ba ang pagpaparoot canal? ilan beses po ba ginagawa un? salamat po..
Depende. YUng dentist mo ang makakaalam.
Doc, may possibility ba na ung nag-caucause ng back neck pain ko eh dahil may cavities ako sa ngipin?
ANg mabuti pa pumunta ka sa dentist bukas, alam mong may malala kang cavities kaya mo naiisip yan, bakit hindi ka pa pumunta.
Doc ang last tooth ko po sa left side ay medyo sumasakit na po eh, hindi na po ba talaga toh pwede pastahan? Gusto ko po sana mgpa RCT nlang agad pero wala pa po kse akong extra money for the cost. Ano po dapat kong gawin? Salamat.
Ang dapat mong gawin ay pumunta sa dentist bukas.
Doc, I’ve got braces nung March. Nung 3rd month sumakit ung 2nd Molar ko sa left baba. Pinastahan na ung molar na un dati pa at ntanggal un tapos pinastahan ulit nung nagpabraces ako. Bawat pagpasta nun I really feel tremendous pain kasi mejo malalim na sya or so. I remember nung natanggal ung pasta dun ung mga pagkain na kinakain ko finifill un. On the 3rd month ng braces ko sumakit sya pero nawawala rin pag umiinom ako ng gamot o kaya bigla nalang nawawala. On the 4th month ng braces nasakit na sya biglaan and whenever I eat or drink hot or cold foods. Sabi ng dentist ko iRCT pero sabi nya obserbahan pa. I don’t know doc kung ipaparoot canal ko o hindi. Kasi, bukod sa sakit hindi ko alam kung how much would it take. And halos everyday na sya nasakit this season at di na sya nakukuha ng gamot, And, doc dapat bang ipush ko na ang pagpaparootcanalT?
May 3 option ka.
1. Magpaka-Spartan ka. Wag mo iparct at wag mo ipabunot, tiisin ang sakit at hintaying maging malalang malala ang ngipin mo hanggang ikamatay mo.
2. IpaRCT mo.
3. Ipabunot mo.
Ang galing naman ng doctor. free consultation.
Tanong q lang po.. Kelan po ba na ixxray ang na root canal. after lagyan ng gamot?
Bawat step. 5 pataas na x ray yan. Iba pa sa final restoration.
doc, nagpapasta po ako mga 2months ago lang… ngaun po bigla nalang namaga ngipin ko.. ung pinastahan.. central incisor… pumunta ako ng mga clinic, isi-nagest nga RCT. may nag suggest pabunot ko na daw..
sbi kc ng dentist na tumingin,, super infected na daw ung nerve ng ngipin ko, affected pa naman lahat ng ngipin ko ng maga…
.. gusto ko rin snang ipabunot nlang kaso, ganun din kac mapapagastos sa pag bunot and pagawa ng pustiso…
ano ba magandang gawin… tnx po.
IpaRCT mo. Mas makakamura ka kung long term ang paguusapan.
Doc, pwede pa po kaya ako mag back out kung nalagyan napo ng gamot ang papa root canal ko. nagdadalawang isip po kasi ako..
Iniisip ko din po, kung mahirap ba mag pagawa ng denture kung my abnormal growth ako ng bone sa lower pallate q.
Usually, magbabayad ka pa din. At kapag nasimulan na, mas mabuting ituloy mo na, dahil tiyak na sasakit yan kung hindi tinapos.
Hi Doc, advised ng dentist ko naRCT na yung isa kong molar. Ang concern ko po, masakit po ba talag ang RCT procedure? Yan po kasi ang lagi kong naririnig. Although my dentist told me may anethsia during the procedure. He also said sasakit ng one day after mag wear off yng anesthesia pero kaya daw po ng pain reliever. I guess takot lng ako sa pain kasi me trauma ako sa dentist simula nung maliit ako pero pilit kong nilalabanan evrytime pupunta ako sa dentist dahil ayokong makaramdam ng same trauma ang anak ko. Usually po kasi sabay kami lagi mag visit sa dentist.
Oks.
doc, magkano po kaya ung mag pa root canal ng molar, masakit po pala ung ngipin ko po pinastahan nya sa gilid lalong napasama ano ba dapat ko kayang gawin po pa root canal ko po ba?
Kapag masakit, RCT.
i prefer to have a denture.. massive severe tootahche na po kc yung nararanasan ko as of now.. dun po yun sa pinastahan skin katabi ng 2 front tooth.. mga mgkano po ba yung denture para po sa one tooth? and pwd po ba bunutin ng dentist khit maga?
Depende sa klase ng pustiso. Punta ka sa dentist bukas.
Hi doc, yung lateral incisor ng boyfriend ko kasi medyo pudpod na. Is it eligible to undergo RCT pa rin ba or extraction na ang kailangan? Ayaw nya kasi mag dentures, mas mahal naman ang implant.
Kung may pera, pwedeng isave ang ngipin, RCT man o ano.
hi doc, ilang araw na din sumasakit ngipin ko sa may bagang. 3years ago nagpapasta ako sa pagkakaalala ko permanent cement filling yong ginamit, kapag po ba ganun kailangan ng bunutin yong tooth ko o pwede pa masave? tnx doc
IpaRCT mo.
Hi Doc
Ask ko lang po kung 2 or 3 canals ba ang affected sakin.
Yung affected po ng pagkasira ng ngipin ko at tatlo. Puro front teeth po. yung pinaka nasa unahan na dalawa at yung katabi ng isa na nasa kanan.
Ilang root canal po ba lahat yun 2 or 3?
Makikita sa xray kung ilang canal. Hindi mo binanggit kung baba o taas. Kadalasan ay 1 lang ang canal ng mga ngipin sa harap. Pero may mga ngipin sa harap na dalawa ang canal.
Hi doc, priblema ko po yung anak ko 8yeras old nabasag ngipin sa harap na dlwa sv ng dentist yung isa pede ipasta pero yung isa may nana na daw kaya dpat ipabunot….kapag 8years old nb tutubo pa ang ngipin? Ano po peeng gawin…..expensive po kasi ang rootcanal
Magsend ka ng xray sa fb ko.
Anon pong fb nyo doc? Xray pi ba or picture wala po sya xray
https://www.facebook.com/askthedentistphilippines . X ray. Hindi ko makikita ang loob niyan kahit ilang picture ang tignan ko. 😀
Doc sumsakit po yung pangalawa sa dulo na bagang ko sa ibaba sa kanan, pati po yung sa
taas na katapat nya sumakit na din pero wala naman ako makitang butas, 5 days na po itong sumasakit mula nung nilagyan ng teporary pasta, pero yung bagang ko nasa 1 yr na may butas ngayon ko lang pina denitista, Nilagyan po muna ng Temporary pasta for 2weeks, pag sumakit daw po bubunutin na, Pwede pa ba to ma save
or kung pwde po ba yung naisip namin na Ipa bunot nalang po, tapos po magpabrace ako para
hindi po maghiwa hiwalay yung ayos ng ngipin ko? Bakit din po kaya sumasakit yung katapat nya sa taas?
Ipa-RCT mo.
doc naputol ung ipin ko sa harap sa taas, nahati sya sa gitna pahiga, magkanu kaya magagastos ko pag pina rootcanal ko? hindi na dw sya madadaan sa jacket eh.
pls reply
5 k pataas. Send ka ng x ray sa fb ko para makita.
doc, ask ko lang po infected po sya ngayon pero yung ngipin ko po sa bagang eh sira na, parang base nalang yung natitira ano po pdeng option para maayos po to? pd po bang patanggal nalang? thanks in advance po.
RCT or bunot.
Doc,gusto ko sana mag RCT dyan sa pinas.. may mairerekommenda ka ba na clinic dyan sa maynila or sa cebu? May kamahalan kasi d2 sa Singapore. mga 2K SGD sa isang molar lang. tanong lang doc kung ilang weeks o buwan yung RCT aabutin? Approximate kung ilang weeks yung gap ng per session ng RCT para mapaghahadaan o medesisyonan ko rin kung makakamura ako dyan kaysa d2 na lng ako mag RCT. maraming salamat po doc in advance sa sagot nyo po.
Yung mga tanong mo ay masasagot oras na makita ang ngipin mo mismo at x ray ng ngipin mo.
doc. may bulok po kasi akong ngipin sa bagang. di pa po sya butas. pwede na po ba yung ipapasta? Saka po napansin ko po parang nabubulok din po yung ilalim na part. ano pong pwedeng gawin? pwede pa rin po bang pasta or bunot na?
Send ka ng photo para makita ko.
hello po…ask ko lang po kung mgkano mgpabunot ng pulp tissue?
Hindi binubunot ang pulp tissue. Hindi ko alam kung saan mo napulot yan.
may iba pabang remedy aside sa root canal? sira na kc ang ipin ko..lumabas na kc ang pulp tissue ko..inflamed na ata..ano po ba ang dapat kong gawin?
RCT or bunot.
Doc, Possibly bang tanggalin ulit yung CROWN? I mean na root canal na yung ngipin ko pero ang masaklap ay di tugma ng kulay.. Masyadang maputi yung crown since porcelain sya. Possibly kaya doc? :/ and how much it will cost na? thank u
Magpagawa ka ng bago.
Hi doc ask ko lng po masama po ba n nag pa bunot ka tas my naiwang ipin n maliit anung magiging epekto nun …. Txn doc pls answer my ques!!?
Possible na sumakit. Kung malakas ang immune system mo, pwede ding hindi sumakit at unt unti lilitaw palabas at magiging madali para sa next dentist mo na bunutin yun. Pwede dng lumala ang impeksyon.
Anu pong magiging epekto nun pag hindi ko pinatanggal ????
Read my previous reply.
doc , isa pong ngipin ko sa harapan ang kelangan ipa root canal. Naisip ko po na magtanong tanong sa ibang clinic kung magkano ang RCT nila kasi wala po akong idea tungkol don,sa unang pnuntahan ko po kasi 10K+,dun po sa pangalawa 3,500 lang pero di kasama yung jacket. ask ko lang po sana kung magkano po yung kadalasan na presyo ng RCT at tska kung may marerecommend po sana kayo na clinic na nagsspecialize dun. thanks doc!
Anong ngipin? Depende yan sa kung anong ngipin, bilang ng canal, at natitirang structure ng ngipin.
Doc .. naguguluhan po ako kung bunot or RCT ang gagawin sa apat na ngipin ko.. nakakahiya po kasi ung dentures.. kaya i think ..RCT nalang ako .. how long will it take po?..safe po ba?
Pwedeng tapusin sa isang araw.
i had my tooth undergo RCT last year. Just 3 weeks ago, the same tooth had been undergone RCT again because it was aching. the doctor said it was because of bone infection as seen in the x-ray. right now, it began aching again (just 3 weeks after the second RCT). i plan to go back to the dentist. but do you think i should be charged again if a 3rd RCT is done (considering that the last one was just 3 weeks ago)? thanks.
Noong unang RCT, anong nilagay pagkatapos? Noong pangalawang RCT, may x ray ka? Usually, after 3 weeks may masakit pa dahil naghiheal pa yang area na may radiolucency. Matapos malinis ang canal hindi biglang maghiheal na mala-Wolverine ka or Spartan warrior. Possible ding may canal na mahirap makita sa x ray. Kaya kung may malinaw kang x ray after 2nd RCT, isend mo sa FB ko. Within 4 – 6 weeks after RCT dapat may final restoration na yan na crown: http://www.denturesaffordable.com/final-restoration-for-endodontically-treated-tooth/ . Dapat hindi sumubra ng 4 – 6 weeks bago malagyan ng crown.
Hi doc, yung ipin ko po sa harap, 4 nakapasta lahat for 8 years. ang kaso natanggal po yung pasta sa pagitan ng ipin ko sa harap (center) paano po kaya ang dapat kong gawin? ipa-RCT? magkano po kaya iyon? tsaka sobrang sakit ba compare sa procedure ng pagpapa-pasta?
Kung hindi pa sumasakit, ipapasta mo lang ulit.
doc pahabol lang, incomplete kasi, yung ipin ko sa harap itaas banda. hindi pa po kasi ako nakakapa-pacheck up sa dentist.
May bungi ba? Ano ang bungi? Send photo.
pwede pa bang ipapasta ang sirang ngipin at sumasakit??
Hindi. RCT yan or bunot.
Doc qawsan po ba murang mag pa root canal,,kc sumsakit na yung pasta ko,,ayaw ko na mabunutan wala na ako bagang ang pangil yung nasira,,at anu po ba ang RCT
Magtanong tanong ka dito: http://www.askthedentist.tv/clinics/
hi doc, masakit po ba ang pagpa root canal?
Hindi. Para ka lang kinagat ng higanteng langgam.
HI Dr, question po. yugn gilid ng mga ngipin ko ang rupok niya at madali nabubutas kaya ang dami kong filling sa ngipin. Nagsisi nga ako kasi hindi ko naalagaan ang ngipin ko nung bata ako at ngayon late na. Ang dami ko ng teeth na nextract.. Pwede pa rin ba ako mag braces para magtuwid ang ngipin ko kahit kulang kulang na?
Pwede.
doc magkano po kaya magagastos ko overall pag nagparoot canal ako, isang ngipin lng po sa harapan katabi ng pangil
Send photo sa fb ko.
anu po pwedeng pamalit sa pustiso bukod sa dental implant ?
Bridge: http://www.denturesaffordable.com/fixed-bridge/
Doc magkano po kpag jacket tpos root canl tpos may ilalagay n bakal o post s ngipin q singil skin 9000 mhal n po b un?
Anong ngipin yan? Wag bakal na poste ang ipalagay mo, fiber post dapat. http://www.denturesaffordable.com/fixed-partial-denture-endodontically-treated-tooth/
S front upper tooth tpos ung downing post po not sure po e name ng post sounds like ng downing post mahsl n po b ung 9000k? Tnk u
Olrayt. Wag prefab na bakal na poste ang ipalagay mo. Fiber post or cast post ang dapat ilagay.
Doc need ko na ba ipa root canal ngipin ko? I think yung second pre molar sya. No pain pero may butas na ang may maliit na abcess na sya. Maga magkano po kaya ang magastos?. May ma recommend ba kayo magaling na dentist kasi natatakot na po magpagawa if ever di pa sanay. Syang pati ang bayad.. o kaya sa inyo na lang.. hehe . Thank you
4k pataas ang maaari mong magastos. Kung sa clinic, visit our website: http://dentistquezoncity.com. Andiyan address at contact number. Thanks!
Hi Doc, Tulad ng iba mag tatanong din po ako, regarding sa front tooth ko, meron akong discolored teeth isa sa 1,2, tooth ko kusang gumaling after ko mag take ng antibiotic,nag pa medical ako kasi requirement sa work, then dun sa dental ni required na pastahan yung mga dapat pastahan at kasama ang cleaning with molar extraction dahil sobrang sira narin, then a week ago po kumikirot at sensitive na yung katabi ng tooth ko sa 1,2 na hindi discolored, binalik ko po sa dentist ko then inulit nya yung pasta at sinabi nya kun sasakit ulit ay i RTC na, mga mag 2 weeks ago na yun last akong bisit sa dentist yun pain na paulit ulit mawawala at babalik halos nararanasan ko ngayon sa araw araw sa front teeth sobrang sensitive like pag hihigop ako ng mainit na soup, minsan yun lahat ng gawing left side na mga ngipin ko sumasakit din, dapat na po kaya itong i rtc, medyo mahal po kasi ang rtc, ilan po ba ang canal ng front tooth, salamat Doc and more power
Base sa sintomas na sinabi mo… Yes, rct. Mahal? Hindi. Una sa lahat, kung ipapabunot mo yan… In the next few years, maghahanap ka ng kapalit niyan which may be implant, fixed bridge, or removable denture. If you choose to save it by undergoing root canal treatment… You save yourself from further expenses. Tandaan mo na kapag na nawala yang front teeth, hindi mo na maifaflash ang killer smile mo. Isang canal typically ang front tooth.
Salamat Doc. atleast nakita ko ang possible worst case scenario kun mali ang maging decision ko, anyway more power po! and God Bless you more!, I’ve been looking for some learning in root canal procedure and I found more interesting with your useful advice, : )
Yup. We’d like to let people know more that 1. Extraction is not the sole option to cure tooth ache. Save it, keep your healthy, beautiful smile! That’s honestly priceless
Doc.pano kapag nasira na yung ngipin sa taas yung sa malapit sa gitna dalawang butas po nakakhiyan po kasing tuwa at ngumiti sa mga kaibigan ko sira na nga at bulok pa.
Pati rin po yung dalawa ko ng bagang sa left po kita o labas na yung laman at sa right nmn po butas na nawala n po yung pasta niya after 2 or 3 years.
Pati po yung gitna ata sa taas bka po masira na din.
Magkano po kung ipapa root canal ko yung ngipin ko sa taas at ipapaayos po yung dalawa kong bagang?
Send photo sa fb ko.
Doc, ano po ba ang dapat gawin pagnamaga ang niroot canal?
Kailan niroot canal? Send a photo or bisita ka sa clinic: http://dentistquezoncity.com/
Doc, sinabihan po ako ng school dentist namin na magpa-pasta ng ipin kc infected na ng cavity pero hindi po ako nakapagpa-pasta. ngayon, may nadurog na part ng ipin at may napansin ako na parang gums sa loob. ano po ang dapat gawin?
Ang dapat mong gawin ay pumunta sa dentist bukas offline.
Hi Doc,
Itanong ko lang naka-fix bridge po ako sa may molar, tapos sumakit sya at namaga, nagpunta ako ng dentist at nag-x-ray sila ang sabi sa akin yung pinaglagyan daw ng crown na dalawa may nana sa ilalim ng ngipin which causes ng pamamaga (yung maga nya nakakain pa ako). Ang sabi kailangan daw i-root canal, pero kaiangan muna paliitin yung maga, kaya binigyan ako ng antibiotic na Clindamycin na 300mg (every 6hrs for 5 days) at saka mefenamic (3x a day kapag masakit) kapag masakit.Nag start ako uminom clindamycin then nung maka-10 capsules na ako, parang lumala pa ang maga kasi hirap na ako kumain. Then bumalik ako sa dentist pero iba na humarap sa akin at pinalitan anti-biotic to Amoclav 375mg inumin ko raw ng 10 capsules na lang since nakapag-start na ako clindamycin. Ang tanong ko.
Tama po ba yun? at magkano po dapat ang root canal na gagastusin ko para sa mga crowns?pwede po ba hindi na tanggalin ang bridge at butasin na lang yung crown then takpan na lang after matanggal ang nana?
Salamat po.
Philip
Yes okay lang naman na palitan yung antibiotic on your case. Very important to stick to the prescription and days of medication.
Per 2nd inquiry, ang root canal treatment fee is different from each clinic. Ang specialist who is called an Endodontist charges more than a General practitioner who performs the treatment. Too, per canal ang charge sa root canal treatment. A molar tooth has about 3-4 canals. So x 3-4 ang charge.
Apparently yung request mo depends on the case. It is very hard to assess the health of crown with a crown on.
Kaya nagkaroon ng infection yan is because there was a decay within the crown. In order for the dentist to completely evaluate and remove the decay is remove the crown. Anyways, if you want to visit the clinic for consultation or for more info regarding you case, visit our website for more details:
http://dentistquezoncity.com
doc? pwede pa bang i pasta ang bangang na ngipin kasu medyo malalim na ung bagang
Pwede given na hindi pa tinatamaan ng cavity yung pulp/nerve. Once it reaches the nerve, the tooth is for Root Canal Treatment, not fills/pasta
Doc tanong ko lang po may possibilities pu bang mangalawang yung bakal na nilagay sa ngipin ko? Root canal at crown po ang akin.
Hindi. Unless naghanap ka ng cheapest kaya ginamitan ka ng bakal dahil nagtipid ng todo ang pobre mong dentist.
hi, how much po yung root canal treatment. front teeth po ito sa taas. thanks.
5K above.
Hello Doc, ask ko lng po sana.. may dentures po ako, and ung isang fake tooth nabiak.. ordinary lng po ang dentures ko. may iba po bang klase n denture na hndi agad mabiak.. ung pngmatagalan.. tnx po and godbless
Yes there is. Thats a reminder for everyone you shouldnt settle for something cheap coz it equates to poor quality
Nabasa ko po yun mga previous comments at nakakarelate ako..
Problemado po ksi ako ksi mamedical ako sa pmma tas nagkaproblema yun isa kung ngipin sa katabi ng pangil yun papasok.. Di na daw po kaya ng pasta e. Ksi kita na daw ang gums sabi po nung dentist bka daw po mamaga pag pinastaan.. Pero di pa nman po nasakit. Ano po suggestion mo? Magkano ba yun root canal pag isang ngipin lng? Thak you po.
Ang isusuggest ko ay root canal treatment + crown, kung incase tinmaan na nga ang nerve ng ngipin na involve. Ma veverify ito through xray.
Magkano? Per canal ang charging sa root canal treatment. Iba iba ang dami ng canal ng bawat ngipin.
Pagnagparoot canal po ba ako pwede pa magpabraces?kc di ba ho nagmomove ang ipin pag nagpabrace.
Pwede.
yung po 8 years old daughter ko e natulak ng classmate nya nabasag po yung teeth nya sa kalahati, permanent teeth na po nya yun ano po dapat gawin?
Send photo ng ngipin.
hi doc! okay lang ba pa-RCT kahit nka-braces? or the braces must be removed first?
another question, yung lower 2nd molar ko has a steel crown, since 18 or 19 y/o ako naka-crown na yun. i’m 24 now. sometimes, there’s a small pimple, sometimes wala. seasonal lang ganun.
my ortho said that it is inflammed and put me into 1 week antibiotics for 3x a day. pag di daw nawala, RCT na daw.
now, i asked my dentist who put the crown on, she asked me kung sumasakit daw ba, i told her, hindi. so sabi niya ok lang daw yun. once daw sumakit, dun daw may infection.
i dunno who to trust. i’m so confused right now.
may life span ba yung tooth that undergone RCT? if so, after that life span, extraction na ba or another RCT?
Sino sa kanila ang nag-x-ray? Kung sino ang nagxray at pinagbasehan ang x ray ng sinasabi niya, ay siya ang tama. Kung wala sila x ray pareho, magdasal ka na lang para magkaroon ng power ng panghuhula para maging manghuhula ka din tulad nila.
Doc magtatanong po. Kasi yung nabutas ko pong ngipin sumakit na pero pinastahan padin. ngayon po nafifeel ko na kumikirot at namamaga po yung gums ko. ano po dapat gawin?
Bumalik sa dentist. There is possibility the tooth needs to have root canal treatment
Doc currently on rtc ako. Ok lang ba un doc na pa unti unti niya ginagawa? I mean hindi pa tapos procedure niya sakin. Thanks po.
Yes. You will have to come back many time in order to disinfect the problematic area.
Thanks Doc. Follow up question po. Jacket crown daw ang pinakadabest in after ng procedure. May iba pa bang option para di mangitim ang ngipin? And pinalalaki daw po ang canal para malinis ng todo?
Yes. That is correct. After the root canal procedure, the strength of tooth becomes lessened. By providing a cap/crown/jacket,the root canal treated tooth is prevented from fracturing off. I’ve experienced cases patient didn’t want crown after. Patients came back with a bigger problem to settle.
I could be able to give you the necessary treatment options if I have seen your case personally with necessary diagnostics.
hello po doc pwede po bang i root canal itong harapan ko kasi wala na pong ngipin 5 po siya.
Send photo of the involved tooth to our facebook page and pls quote your concern. Thanks
Hi PO ask ko Lang nag pabunot Ako ng ngipin, Bali pustiso na cya, pede po ba implant?
Ayoko po KAsi ng pustiso ano pede Gawin 4 ngipin po un magkaka dikit
Oo pwedeng implant : http://costofdentalimplant.com/
Hi doc may nabasa po kasi about sa root canal sabi po meron suang masamang epekto pwede magkaroon ng tendency na magkaroon ng cancer. Totoo po ba to balak ko po kc mag pa root canal and may nabasa po ako sa maaring maging epekto ng root canal sa health, isa syang study sa america. Natatakot po tuloy ako.
Hindi. Yung nagsulat nun ay isang kanong may pagkaalbularyo. Marami ding kano ang may topak.
Hi, doc! Tanong ko lang po kung anong magandang gawin dito sa left molar ko. Di na daw kasi sya pwedeng pastahan. Matagal na po kasi tong may sira. Sinabi na dati ng doktor na di na kayang pastahan. Kung ipapabunot ko naman po baka umusog na naman yung ibang ngipin at yung sa harapan yung mabakante at magmukhang bungi katulad nung pinabunot ko yung right molar ko ganun yung nangyari. Ayoko naman po ng pustiso na natatanggal. Ano pong the best na magagawa dito?
Ipa-RCT tapos jacket :
http://dental.tips/rct/
http://dental.tips/dental-crowns/
http://www.denturesaffordable.com/fixed-partial-denture-endodontically-treated-tooth/
Pano po kpag sumasakit na hndi na po b pde pastahan? Pag bulok na ipin what possible solution
IpaRCT mo:
http://dental.tips/rct/
http://www.denturesaffordable.com/?s=endodontically&x=0&y=0
Hello, Doc! Nakakatuwa naman po at may ganito. 🙂 Parang nakakita ako ng kaibigan. I’m 27. I have an open bite probably dahil na din sa thumbsucking? At dahil na rin sa fear at hesitations ko, kanina lang talaga ako pumunta sa dentist to have my teeth checked dahil, this is the point in my life, more than ever, na gusto ko ng harapin at lunasan ‘to, to improve my appearance na din. What treatments can you suggest? The dentist I’ve visited a while ago said she could elongate my four front teeth with ‘pasta’. I was thinking of dental veneers but she said she does not recommend that. Wala din daw warranty kung hanggang kelan magtatagal ang pasta. I’m also planning to visit another dentist. Kahit for aesthetic purposes na lang ang treatment. I understand na pag talagang kinorek tong open bite ay matinding gamutan po. Ayaw ko na po pagdaanan ang ganon.
Hope to hear from you, doc. Thank u so much and God bless you 🙂
Ipabraces mo: http://dental.tips/dental-braces/
Doc ano po yung the best option after RCT? Crown or jacket? And pareho po ba ang cost nito?
Pareho yun. Read: http://costdentures.com/fixed/porcelain-crowns/
http://dental.tips/dental-crowns/
hi doc. may butas po yung ipin ko sa bagang , isa sa left side isa rin sa right , noong dec lang po to na butas at hindi ko alam ko bakit tapos ngayon po sumasakit po sya, gusto ko magpa RCT pero magkano ba lahat?
Depende sa dami ng canals present sa ngipin. I can’t provide an eyeball figure as I have not seen your case clinically with necessary diagnostics
Doc ask lang po nagpapasta po ako etong taon lang pero lumipas isang b uwan nangitim yung pinastahan ano po ba dapat gawin dito..? Nakakawala ho kasi ng self confi eh than ks po…
Ipapasta mo ulit.
Doc, ask ko lang po. Masakit po ba mag pa root canal? Kahit anesthesia lang ang gamit? Aabot po kaya hanggang nerve yung anesthesia? Mag papa root canal po kasi ako next wed. Kinakabahan po ako. Kasi baka masakit. May phobia na po kasi ako sa mga sakit sakit na ganyan. Tsaka gano po kasakit yun? Rate from 1-10 doc pls. 10 pinaka masakit. Please reply po. Thanks
Para ka lang kinagat ng higanteng langgam.
Doc nag pa dental filling po ako last month ayos naman po pero this week pag kumakain ako ng mainit sumasakit pag malamig?ano po problema?
Maaaring infected na yung nerve. Hindi nakapagrecuperate at talagang na invade ng bacteria yung nerve. Possible for root canal treatment ito
Doc nag pa dental filling po ako last month ayos naman po pero this week pag kumakain ako ng mainit sumasakit pag malamig hindi naman po? ano po gagawin ko?
Bumalik sa dentist. Ipa xray.
doc, free po ba magpa checkup only? consult lang tapos babalik ka lang if nakapag decide kana anong gagawin mo? tapos po may molar at premolar po ako na nabunot na, ano po pwedeng gawin to fill the space? at yung teeth ko po para bang madali magkaroon ng cracks, ano po pwedeng gawin to prevent pa to have cracks at tuluyang masira ang tooth?
Yes. Complimentary.
Have a nice day doc!!
Ask ko lng po anu po bang gagawin kpag sumasakit ung ngipin na malalim na ung butas at nilagyan ng temporary pasta lng.
Kasi lagi po cyang sumasakit??
Ipa RCT mo:
http://dental.tips/rct/
http://www.denturesaffordable.com/?s=endodontically&x=0&y=0
I doc naaliw po ako sa mga sagot nyo po 🙂 Godblessed.
God bless.
Hi po…1 month pa lang pong nakakabit braces ko. 33 years old n po ako. Ndi po ako hiningian ng panoramic xray. Kinabitan n po ako nung gabing pagpunta ko. Pero based sa kwento ng dentist ko ortho nmn daw xa. Ndi pa po kc ako nagpapabunot kc natatakot ako huling bunot po ng ipin ko 9 yes old p ko so sabi nya tooth destruction muna daw kami pero dapat before 3 months mabunot n dapat bunutin. Although natatakot ako magpabunot kaya cgro ganung option bnigay nya pede po b ung ganun? Ung brackets ko din po ndi lahat ng ipin both sides up and down tig 2 ipin walang brackets so total of 8 n ipin wala.ganun po b tlga ndi lahat ng ipin lalagyan ng brackets? Thank you.
May x ray dapat bago braces. Read these articles for more info about braces:
http://www.askthedentist.tv/braces-faq/
http://dental.tips/dental-braces/
Hello doc… anim na ipin ko nasira and gusto ko ipaaus lhat.. i mean, gusto kong ipa RCT lahat.. ok lang po ba kung isabay ang lahat.. ilang months aabutin?… kung pabunut ok lang ba isabay rin lahat ng ipin.. thnx… urgent lng po tlga para sa work.
Yung dentist na makakakita ang sasagot. Kung maganda ka wag mo ipabunot, lubhang katangahan yan.
Hai doc…. eh 3 days na pong masakit ung pinastahan ng dentist ko one of my left side molar teeth. Eh wala pa pong 3 months ung pasta ko….anu pong gagawin ko
IpaRCT mo:
http://www.denturesaffordable.com/?s=endodontically&x=0&y=0
http://dental.tips/rct/
hi doc. tanong ko lang po, kahit po ba naremove lahat ng sira ng ipin and then nilagyan ng pasta, pwede pa rin pong magcause ng badbreath ung tooth na yun? TIA doc
Ang kadalasang cause ng baho ng hininga ay sakit sa gilgid. Read: http://www.denturesaffordable.com/who-can-suffer-from-gum-disease/
Doc, may ngipin po ako ng pinastahan pero supposedly dapat bubunutin na. Ang ginawa lang po ng dentist ko dati ay pinastahan nya then iniwanan ng butas para lang masave ang tooth temporary. Pero ngayon medyo umiitim na yung ngipin ko. I think patay na rin ang roots ng ngipin na to. Possible po bang maipa root canal pa to? Ayoko po kasi ng dentures eh.
Oo ipaRCT mo. Dito clinic namin : http://dentistquezoncity.com/
Hi Doc,
Yung ngipin ko po sumasakit. Wisdom tooth sya (na not so wise), nasa pinakadulo na sya sa right side at patagilid ang tubo. Paharap sa katabing ngipin nungtumubo sya. Mga 18 years old pa ako nung tumubo sya tapos ngayon may butas na yung ngipin ko na yun tapos laging napapasukan ng pagkain pag kumakain ako. Iniisip ko if ang magangda ipagawa is RCT or tooth extraction na talaga?
Check sa xray.
Okies po Doc..
Anong klaseng dentist po kaya ang dapat kong ikonsulta? Kasi po di ba may iba’t-ibang klase ng dentist (general dentist, orthodontist, dental surgeon, etc). Ano po mga pagkakaiba-iba nila (curious lang po)? 🙂
Igoogle mo na lang : https://www.google.com.ph/
Hi doc! Last month po sabi ng dentist malalim na daw yung butas ng premolar ko, baka need na i-root canal. Pero nilagyan lang niya ng gamot and pinastahan. Ngayon, sobrang sensitive na nung tooth, pag kumain ako ng hot or cold nangingilo siya. Should I proceed with the root canal? Thanks po!
Send x ray.
magkano po crown/jacket kng palalagyan po sa ngipin sa harap?everyday po ba open clinic nyo doc?
Magpasched ka.
Maya pa po bang maayosng RCT kahit pudpud na pudpudna hung ngipin?
Okie. Balik ka dito kapag hindi ka na lasing.
Hi doc galing po ako ng dentist kahapon lang kc po d ko na kaya yung pain sa bagang left side 2 years na po yung pasta nito pero ok p naman po sya kaso po pag umiinom o kumakain ako ng mainit na pagkain nagiistart n po xang sumakit hanggang hindi n po tumigil yung pagsakit..sv po nung dentist kailangan na daw po syang i RCT (1500 dirhams=19,500 pesos 3 sessions..pinoy dentist dito sa abu dhabi..)d n ako nkapagicp ng ayos kung mahal or what. that time gusto ko n lang matanggal yung pain khit mahal para sa isang ngipin.. Question po: kc po base po sa nabasa ko kailangan muna ipa x ray yung ngipin bago simulan yung treatment na hindi po ginawa nung dentist deretso po agad sa treatment my pinakita p nga po n nerve n bulok.:::::yung second session po e after 10 days daw kya lang nagdadalawang icip n ako ituloy kc nga po sobrang mahal nkapagbayad na po ako ng 6500 sa pera natin.iniicip ko po sa pinas na lang ituloy pwede po ba yun kso mga after 4 months p po ako makakauwi possible po ba yun?wala po kayang mangyari sa ngipin ko?..sensya na doc medyo mahaba ah..waiting for your respose..thank you in advance po..have a good day doc.
Pwede basta maghanda ka lang sa mga pwedeng mangyari. Sa buhay mo pwede mong gawin ang lahat ng bagay basta maghanda ka lang sa mga pwedeng mangyari.
Doc? ano po bang gagawin para mag karoon ulit ng ngipin? binunot kasi sa ibaba yung dalawang ngipin ko.
Paimplant ka. Read : http://costdentures.com/dental-implants-cost/
Doc, pano po kapag ung root canal teeth mo may crack na tapos nangingitim na. po cia
sumasakit nadin po siya tas nagdugo na, dapat po bang ipabunot ko na?
Ipaxray mo, send mo sa fb ko.
Doc yung sinasabi mong parang kinagat ng higanteng langgam pag nagpa RCT, saan bandang procedure po yun? Ung pag drill? Ntatakot po kasi ako. kc previous appointments ko sa dentist di nila ako mai-numb..
Huwag kang matakot, hindi mo ba alam nandito lang ako. Sa iyong tabi, hindi kita pababayaan kailan man.
doc ask ko lang po kung magkano sa inyo ang root canal ng 2nd premolar? thanks
Masasabi ko lang kapag nakita ko nang personal.
Hi doc gud day po..ask q lng po pede p rin po b akong mag p implant kht 10 years ng denture ung ipin q…if pede p po how much nmn po ung gagastusin..10 teeth m ung wala q s harap..magkakatabi po sila…tnx po
Oo. Yung dentist na pupuntahan mo ang magsasabi kung magkano. For estimate, read : http://costofdentalimplant.com/dental-implants-cost/
Gud pm po doc, ask ko lng po…pwede po bang mabulok ang pina root canal at pwedeng mag cause ng bad breathe?
Oo, kung napabayaan mo. Kahit magpaRCT ka, kung hindi ka naman nagbabrush o nagpapacheckup sa dentist every 6 months wala ding kwenta yang pinaRCT mo.
Hi doc good evening po, ask ko lang po kung pwede pa po bang ipasta yung ngipin ko, kc malaki na po yung butas, yung ngipin ko sa harap bale na hiwalay na sya sa katabi nyang ngipin na crack na po kc, ngayon lng po nangyari, habang kumakain ako.. ano po ba dapat kung gawin
Given, malayo pa sa nerve at may enough tooth structure to retain the filling material then yes
Hello po.
Doc.. ano po bang treatment ang pedeng gawin sakin? Sa front teeth ko po kc sumasakit cya.. sumakit na din xa before after pastahan.. lalo na kapag umiinom ng mainit or malamig. that was 3yrs. ago.. ngaun bumalik na naman yung pain. Yung sakit nya umaabot na sa loob ng ilong. And it is painful talaga. Umiinom na lang po ako ng pain reliever para mabawasan yung sakit. Ano po ba ang pwedeng porcedure doc? Thank you po.
Magpa-RCT ka. Browse : http://www.denturesaffordable.com/?s=endodontically&x=0&y=0
hi Doc, nagpapasta po ako sa dalawa kong ngipin sa taas (central incisor) then after a month sumasakit na siya na parang nangingilo pag umiinom ako ng malamig/mainit na tubig. then nagpacheck up po ako nag paxray sabe for RTC na siya, pwede pa po bang treatment na tanggalin yung pasta tas palitan ng bago kung ayaw ko po yung RTC?
Thanks
Hindi mawawala ang infection sa balak mo. MagpaRCT ka. Browse : http://www.denturesaffordable.com/?s=endodontically&x=0&y=0
hello po my tumubo po kcng bukol sa gums ko. sa my sirang bagang. d ko alam kc d naman sya sumakit. d ko rin maintindhan kung maga ba.. mas matigas po kc sya.. ano po gagawain ko?
Pumunta sa dentists.
Hello po Doc! I would like to ask if pwede po bang mapastahan ulit yung ngipin na napastahan na before?
Thank you po.
Oo, hanggat hindi pa sumasakit.
Hi doc. Nagpapasta pa ako two days from now dahil nakapa ko na may butas ang bagang ko na dati na ring napastahan. Habang pinapastahan siya, natamaan ang gums ko at dumugo. Pinamumog ako ng dentist at tinuyo niya iyong dugo gamit ang bulak, tapos ay nagproceed na sa filling. Kaso habang pauwi ako, naramdaman ko na hindi nafillan ng pangpasta yung gum area. Kumbaga may butas pa rin kasi shumushoot dun yung food or bacteria. Hinayaan ko muna dahil naisip ko na baka hindi lang talaga pwede na dumikit yung filling sa gilagid. Kaso after one day, kumikirot na yung ngipin ko na hindi naman kumikirot dati. Tapos masakit na rin ang gums ko. Tanong ko lang po sana kung ano iyong posibleng mali doon? Yung dentist ko po ba? At ano po ba ang magandang treatment doon? Pasta po ba ulit? Kakayanin pa rin po ba ng pasta iyon?
Malamang na masyadong malala na yan noong maisip mong magpapasta. Kung sumakit na ipaRCT mo. Read: http://www.denturesaffordable.com/?s=endodontically&x=0&y=0
Doc, ask ko lang po, may butas yubg ngipin ko at sobra na po syang nananakit, pwede pa po ba syang pastahan?
Hindi. IpaRCT mo. http://www.denturesaffordable.com/?s=endodontically&x=0&y=0
GOODMORNING po doc. tanong lang po ako. kasi noong 2ndyr college ako, pinapasta ko po ung 2ngipin ko sa harap. tapos po sumakit at may tumubong gums sa itaas. hndi na po ako bumalik dun sa clinic. kasi nahihiya na po akong pabalik balik. ngaun po natanggal po ung pasta nya at nagdidiscolor na po ung dalawang ngipin ko po.. ayaw ko po sanang ipa bunot. pero na babahala po kasi ako dun sa gums na tumubo sa itaas ng ngipin ko. pwde po ba un mawala at ipa RCT ung dalawa kung ngipin para maisalba?? ayaw ko po kasing maging bungi..
Oo, pa-RCT ka. Browse : http://www.denturesaffordable.com/?s=endodontically&x=0&y=0
Doc magkano po ba magparoot canal? Gusto ko po kasi magpabrace tapos pp sabi ng doctor kailangan po irootcanal yung ipin ko malapit sa front ng ipin ko.
Nakadepende sa kung ilang canal ang ngipin at kung tagasaan ka. Iba iba ang presyo kada lugar.
Doc Magkano kaya aabutin ng rootcanal isang ngipin sa upper front teeth ko. pinasta kc to dati tapos biglang sumakit na sobrang sakit talaga. tapos nagpaconsult ako sa ibang dentist sabi nya kailangan iparootcanal tapos para mawala ung sakit binutas nya ung ngipin para daw makawala yung bacteria na dahilan ng pagsakit. As of now butas sya pero di na masakit magkano kaya pag ipaparootcanal to doc? Reply pls. Thankyou 🙂
Mag pa schedule kang consultation with a dentist para ma discuss sayo ang treatment and fees.