Root Fragment – Ngipin na Nakabaon sa Gilagid

Krueger: Tanong ko lng po kung pano po matanggal ung nakabaon na ngipin sa gilagid po kc nag nana na po ung gums ko.
Ask the Dentist: Kung may sira at nagnana, matatanggal iyan sa pamamagitan ng pagpapabunot nito sa Dentist. Dentist dapat ang magtanggal niyan. Huwag mong ipatanggal sa albularyo, huwag mo din ipatanggal sa mga kalaro mo. Kailangan dentist ang magtanggal niyan para makita niya kung dapat ngang tanggalin. Salamat sa tanong mo Krueger. Bisitahin mo na ang Dentist mo. Now na!

455 thoughts on “Root Fragment – Ngipin na Nakabaon sa Gilagid”

          1. Good morning ..tanong ko lang po nag pabunot po ako sa bagang one week na po ngayon..kaso po mai ngipin pa na natira ..ano po gagawin ko..plss help po thanks

    1. Doc yong anak ko po 7y/o na nagpabunot sya ng baby tooth kasi umuuga na.bali 1 sa taas at 4 sa baba.sabay sabay lahat un.ang problem is sa baba parang naputol kc may nakakapa po ako na matulis sabi nya masakit daw.possible po ba na maputol kapag binubunot ipin.tnx doc

      1. Good am po doc pag po ba nagpabunot ka ng ngipin tsaka may natira tapos nalamanan na tsaka pwde po ba yun pinoputol ng dentist yung ngipin mo pag nagpabunot ka di po nabunot lahat ano po gagawin ko? Salamat po.

      2. Tanung lng po anu po ba dapat gawin pag sumasakit ang gums na wala nmn ngipin subalit sumasakit ?? Sa gums po parang may nakakapa po ako matigas salamat po sa sagot isang buwan kona po tinitiis to sakit simula po ng binunutan ako ng ngipin

      1. hi po suamakit po yung ngipin ko kapag kumakain ako ng kanin at ulam at saka ano po dpat gwin

  1. Namamaga po gilagid ko sa chin medyo mtgal nrin po prang d nman po nwawala khit uminom po ako ng gmot.. kpag gcing ko po sa umaga medyo konti nlang po ang paga.tpos po kpag kumain na po ako nraramdaman ko na nmamaga na nman kpag ginagalaw ko po cya pra kumain. Nag hot compress npo ako nag mumug na rin po ng my asin nag dntal at nag floss pna check ko nrin po sa dentist bnigyan nrin po ako ng gmot ganun prin po prang walang nag bago.. ano po b gagawin ko bkit po kyA sna po mtulungan nyo po ako salamat po..

  2. hi doc.. pls help me po. anu po b ang mbisang paraan or pagkain, gmot pra mbilis mghilom ang bagong bunot na ipin. balak ko po kc mgpadenture agad-agad. pls aknowledge my concern.
    thanks!

    1. Yung white material sa pinagbunutan, wag mong gagalawin / pakikialaman. At kung namaga/ swell, normal yan. If your dentist prescribed you medication/s drink them according to your dentist’s direction

      1. Gu am po..tanung ko lang po katapos ko po mag pabunot ng bagang,talong araw po nagkaruon sya ng nana..natakot po ako normal lang po ba un d po ba dahil sa kain ako ng kain kaht bagong bunot nakainom nmn po ako ng gamot tulad ng sabi ng dentista sakn..salamat po sa sago☺

      2. Doc, GoodAm po! Ask ko lang po may ipin ako sa bagang na natanggal. Tapos may natira po syang ipin. Pano po sya masusulusyunan? -Asap

  3. gud am/pm…ask ko lang po ano po ba mabisa gamot sa nagnanana yung gums ng anak ko..dati po yun nagpalinis ng ngipin nya hangang sa namaga mga gums nya sa baba bahagi ng ngipin….hangang sa binunut yung 4 na ngipin kc umuga pero di nmn sira…after 5 yrs ito na nagkakaamoy hininga nya at namamaga,nadugo minsan gums nya at may nana…sana mo mabigyan nyo kasagutan tanong ko at lunas sa gums nya….salamat po..

    1. Good day dok,ask ko Lang po nagpabunot po ako 2weeks ago na feeling Kasi may natira SA NGA binunot na ngipin ko SA upper part po SA tabi Ng pangil ko parang may white ngipin po ba Yun or buto Kasi until now namamaga pa sya at Kung buto po Ito Anu po ba ang gamit para magsara sya ? Sana po mabigyan nyo ako Ng payo God bless.

  4. namamaga po ung gilagid malapit sa ilong.. ano po bang dapat inumin.. hindi naman po sumsakit.. kasi pinapasta ko po ito then binutasan ng dentist ang ngipin ko para maglabas ang nana..

    1. Hindi ba niya nasabi na kailangan I root canal treatment? At kung dentist mo ang nag drain ng infection, you should come back to see him and he will give you the necessary prescription. GO AND SEE YOUR DENTIST NOW!

  5. hello po doc nagpabunot ako nung martes tapos po namalengke ako kahapon dumugo po hanggang ngayon ano po ba dapat kung igamot salamat po.

  6. Gud am po ask k lang po ngka nana po ang gilagid ko sa pligid ng ipin den niresetahan po me antibiotics at pain relievers after 4 dys po dp din ngsubside ang nana at sakit bumalik po me sa dentist at binunot po ipin khit sovra sakit nya tiniis knlang po y po kya after nun dp din nbawasan sakit and cnilip ko andun pdin mga nana nya ar sobrang painful pdin po cya

        1. Its not sakit/ pain. Soreness or tenderness ang nararamdaman mo. Why? The area was reflected in order for the doctor to be able to render extraction procedure with ease and visibility. The area has nerves around. It will get better in the next few days. Just follow post operative instructions and medications

  7. Doc, nakafxd bridge n halos lhat ng ngipin ko. Ung natirang ngipin sa upper ryt side… Nasira na ung pasta… tpos malalim na ung bagang ko? Paadvice po kung nid ng palitan ung buong fxd brdge, so another paymnt din po ba un? Tnx

    1. Hi! Kindly send photos to our facebook page to see your case. I couldn’t comment yet til I get to see your case. It is best though to schedule for an appointment with a dentist to see your case to provide you a better treatment plan

  8. Doc may ilang dentist na nagsasabi na pwede magpabrace kahit yung third molar is impacted sa dulo. Sabi pwede daw hihilahin na lang daw. Ang iba naman hnd daw pwede may impacted. Sa case ko naman ang impacted ko sa dulong dulo sa ibaba both side pero ang sunki ko lahat ay nasa itaas. Gusto ko sana mag pabrace na hnd na tanggalin ang impactedko sa ibaba, kasi sobrang bigat po kasi sa bulsa. So pwede po ba magpabrace kahit may impacted na third molar sa ibaba.?

    1. the presence of impacted teeth will have the following sequelae: pain due to impacted tooth causing pressure on the adjacent tooth, infection; even after the ortho treatment it will cause pag ka sungki din. So what part of not taking out the wisdom tooth is good? I guess your decision will dramatically change once your third molars aka wisdom teeth will cause you pain (like a 10 out of 10 pain — coz ive encountered a lot of patients who were in same shoe as you). just my two cents

  9. Last week i have tooth abscess s wisdom tooth ko, then after 5days ng antibiotic binunot ung wisdom tooth ko, at hndi tinahi ng dentist. Hndi ba masama
    Kung hndi nya un tinahi? Thankz

  10. Doc pa help naman may bulok po ako sa bagang sumakit konti kinabukasan namamaga na pisngi ko kht ndi naman sumasakit help po natatakot ako baka kc lumaki ng lumaki

    1. I cant help you through online as I cant be able to do anything in your mouth. Best thing is see a dentist (with us or with your own personal dentist) to provide you necessary medication and dental treatment. Go offline now

  11. dok good day po. May sira po mga ngipin ko tapos nabuntis po ako at hindi po ako nakapagpabunot hanggang sa parang bumaon na sa gums yung ngipin na sira. pano po gagawin dito. and masakit po ba yun. salamat po

  12. Gud pm po doc ako po ay nagpabunot sa albularyo dati sa aking wisdom teeth pero hindi nya po nabunot kc bulok na dw ngipin ko hindi daw kakapit ung pambunot naka pang lima na xa anestisya sa akin hindi nya nabunot hininto nlng nya kc grbeh ng dugo. Mula noon hindi na tumigil ang sakit sa ngipin ko mag iisang taun na ngayun doc. Ano ang gagawin ko

  13. Galing na ako sa dentist ang sbi 5 tausand dw maibayad ko kapag pinabunot ko sa kanila wla akong pera doc suggest ko lang kapag ba pina pasta ko ung crown kc bulok na tlga ang crown sa ngipin ko mabubunot nba xa ng normal na fee

  14. Doc,nagpa bunot po ako sa bagang,lower part right side..pang 3 days na po ngaun pero bkit po masakit pa rin sa pinagbunutan at namamaga po pisngi Ko..pati po paglumunok aq mejo masakit na po sa may lalamunan?..bakit po kaya ganun doc?..anu po pwede gawin?

  15. meron po kasi aq ipin na nabulok tapos po dati nung buntis aq medyo naging mapurol po sya kaya unyi unti nagaalisan kaso po may naiwan pa na ipin tapos po medyo nagsasara na po ung gums q nu po dapat gawin q ?

  16. ngpabunot po ako ng ngipin nung tuesday kso lng p my ntira po nkaunti anu po ang dpat kong gawin mskit po kc

  17. Doc ask qo lang po kung pwede magpabunot kahit namamaga n ung pisngi qo hindi qo n po kc kya anh sobrang kirot.salamat p

  18. Hi po doc tanong ko lang po sana kung ilang weeks mag hihilom yung bagong bunot kong ngipin? Ksi sabi nang dentist ko kaya daw matagal nabunot yung ngipin ko kasi 3 roots sya,matagal po ba maghilom pag ganon?

  19. Hi doc. Ask ko lang po. namamaga kasi yung pisngi ko. due to namamagang gums. dahil sa 3rd molar (wisdom tooth) ko. nag mouthwash na din po ako. pano po kaya hihilom ang maga? . di ko pa kasi nga mapapatanggal coz. busy pa ako sa work. and. papatanggal ko na din kasi yung isang bagang ko. pde naman po siguro di na sya alisin dahil uusog nman na sya pagkatanggal nung bagang ko na malapit sakanya. Thank You po

  20. Hi Doc. Ask ko lang po sana. if pano mawawala yung maga sa pisngi ko. due to namamaga kasi yung gums ko. because of my 3rd molar. na nagpupumilit lumabas. imbis na ipabunot ko kasi sya. im planning na ipabunot kasi yung bagang ko. yung pinakamalaking bagang. di na po kasi maliligtas dahil sira na talaga. para din may space na sya kung gusto nya lumabas. at di na kailangang bunutin pa.

    May question po. how maalis yung pamamaga nya? and if its possible na di na sya tanggalin dahil magkakapwesto nman sya ones natanggal na yung bagang ko. Thank you po.

    1. Hi Doc. Ask ko lang po sana. if pano mawawala yung maga sa pisngi ko. due to namamaga kasi yung gums ko. – by removing the etiology of infection. Your 3rd molar and 1st molar are both in a questionale condition. Okay, hindi bubunutin ang 3rd molar… but are you going to undergo orthodontic treatment after removal of 1st molar to move the second molar, which is the tooth next to the 3rd molar? If yes, provide me a Panoramic Xray to see your case.

      Paano maalis yung maga- schedule for a dental appointment. Your dentist will prescribe you necessary medications

  21. Doc nagpatanggal po ako ng ngipin sa Bagang.wala na po yung ngipin bakit sumasakit pa po,dahil po ba sa pagkabunot ng ngipin ko kaya nalagyan ako ng singaw? Tnx po

  22. hi there. pls help me, magpapabunot sana ako nung january pero sabi nun dentist pasta lang need don, di ko naackso til nun march i’ve found out im 1 month pregnant. Never ko nrmdman sumakit yun til nung june w/c is 4th month ko nagcrack ung dapat na ipapabunot ko (same teeth na sabi pasta lang need) after how many weeks pasulpot sulpot sya sumasakit. etong august dire diretso na ang pagsakit nya. i asked my ob if i can undergo dental procedures but she didnt allow me. pero super sakit na ksi. may mga nababasa ako bawal pabunot meron naman sabi pwede nmn daw. ano po ba tlga. parang di ko na kasi kaya wait pa na makapanganak ako bgo magpabunot. pls help po

  23. Hi po! Ngpabunot po ako nung 23 sa may bagang. Namamaga po ito ngayon at nana pa. Natural lang po ba ito…kelan po ky mawawala ang pamamaga at pagkakaroon ng nana.feeling ko din po ito ung dhilan kung bkt ako nilalamig o ky naiinitan.pabago bago po pakiramdam ko.iniinom ko nmn po ung gamot na nireseta sakin.salamat po

  24. Hello po Doc, may tanong po ako, pwedi papo bang e jacket ang ngipin ko kahit dumanas na ito nang pananakit, ano pong mabisang paraan, para po na maisalba pa po itong ngipin ko, ayaw ko po talagang e pabonot, kasi po kumakanta po ako. please po.

  25. Good pm doc nung September 8 dalawa pong teeth na magkatabi yung binunot sa akin katabi po ng bagang, normal lang po na pang 4 days na po sya pero namamaga pa rin po yung paligid nung gums na binunutan at may white po na parang teeth pero sabi po nung dentist bones daw po yun.

  26. doc sept 8 poh nagpabunot ako ipin sa my bagang tapos sabi doc wag daw mumugan bka magdugo lalo..ang ginawa ko po kinainan ko agad ng ice cream..pgktpos po bgla na lng sumakit ngkrun pa q ng singaw sa labi..ika 4 na araw ngkarun ng nana sa gilid ng gums ko ..iniinuman ko naman po ng amoxilin..namaga muna bago ngkarun ng nana po..ano po ba dapat ko inumin na gamot pra mawala un nana

  27. Doc nagpabunot aq ng ipin sa bagang after an hour ng nsa haws n aq kinapako ng dila ko. Then may na kapa akong parang tirang ipin matulis xa pero maliit lang sa bandang gilid.. bumalik ako agad sa doktor ang sabi nya normal lang daw un kasi un daw ung kinakapitan ng root. Ano po b un..

  28. doc tanung kolan po normal lang puba yung nagpabunot ako sa bagang tapos namaga ung pisngiko ndinaman sobrang maga maumbok lang ndi din masakit pero may nana po ung part na binunutan saka ung sa pisngikopo

  29. doc,,natural lang ba na may maiwang portion ng ngipin kapag binunutan? sa kaso ko kasi doc nakakapa ng dila ko yung parang naiwang ngipin sa bagang ko,, ano po ba ang dapat kong gawin?

  30. Doc, nagpabunot po kc ako one week ago until ngayon po masakit sya then knina chineck ko, i found out po na may maliit na natira sa bandang gilid. Anu po gagawin ko? Panu po ba ito bubunutin? Salamat po.

  31. hi doc..nung dec 7 po nagpabunot po ako ng wisdom tooth ko sa taas kc butas n cia..kaso nung binubunot cia nadudurog hanggang ubos na ung crown at natira yung ugat..sabe nung dentist iba daw kc tubo ng ngipin kaya bubusbusin daw..pinainom nia ko clindamycin dalacin c tas balik daw ako after meds para busbusin..eh sobrang sakit nia tlga hanggang ngaun,every 4hrs ata ako magtake ng painreliever dahil ngigicng ako sa sakit..nagpacheck ako sa ibang dentist,hindi daw pede binutin kc bugbog daw,ndi rw tatablan ng anesthesia..balik daw ako after 3mos..safe ba na ndi muna bunutin ug natitira at hanggang kelan kaya ito sasakit?pra kcng my laman na pumatong dun sa natitirang ngipin..tnx po

  32. hi doc sa upper pa ng gums ng 6 years old kung anak may lumanas na puti na matigas at matulis pudpod na po teeth nya sa harapan close po kasi ang dentist dito sa amin, Ani po kaya yun. Pag kimikiis po namin sa nataaman yung loob ng upper lip nya

  33. pano po pag sobrang bulok na bulok na na halos sirang sira na po ang ipin tas parang may tumubong malaking parang laman? ooperahan po pag ganun? o natural na bunot lang?

  34. Doc ilang araw npo nasakit ngipin q s bagang taas baba gsto q n po ipabunot! .,,e paga po xa at d nwawala ang skt kht uminum gamut! .,,bubunutin parn po b xa kht my iniindang sakt at paga??malayo po kc ung dentist n papabunutan q ,,,asked po muna aq s inyo para po d aq masobrahan s gastos,.,pamasahe..,salamat po…

  35. Ask ko lang po, yung pinagbunutan ko pong part eh sumasakit po, last august 2k15 pa po nabunot, pero na sakit po siya ngayon, di po ako makatulog sa sakit.

  36. Two weeks na po after nagpabunot ako ng ngipin then last sunday uminon na ako ng antibiotic at continue pain reliever kasi masakit talaga cya..until.now po may kirot parin

  37. hello? tatanong ko lang po kase yung ngipin ko sa harap natanggal po yung pasta bali 1yr na po ,tapos ngayon may tumutubong maliit sa gilagid ko sa taas ng ngipin ko sa harap. para syang may nana. sobrang sakit . ano po bang gamot doon? at ano po bang problema sa ngipin ko?

  38. Meron po akong wisdom teeth sa gilagid napakasakit po parang po yung ugat kumikirot sobrang sakit po paano po maigagamot ang wisdom teeth ko???? At color black po yung nasa gitna

  39. Doc, may parang kanin na nakapSok sa binunutang ipin, di makuha sa mumog, may white and black ako nakikita, ano gagawin ko?

  40. doc ask ko langs..last friday pumunta ko ng dentist para pabunot yun bagang ko sa baba kaso hindi nya binunot kasi sumasakit bale niresetahan nya na lang ako antibiotic ska pain reliever pang 2nd day ko na umiinom ng gamot kaso hindi nawawala un sakit at namaga un gums ko sa gilid nun papabunot ko..normal lang ba yun na mamaga?para na syang may nana pwede ba putukin yun? thanks

  41. Hi doc . ask ko lng nag pa bunot ako ng ipin . pangil yata tawag dun . . after ko mabunutn kinbukasn may nkkapa ako na prang ipin .pero sabi ni
    Doc. buto daw un . anu dapat kong gawen patangal ko ..salamat.
    Anu po mangyyare ko hndi ko to patangal

  42. Hi doc . ask ko lng nag pa bunot ako ng ipin . pangil yata tawag dun . . after ko mabunutn kinbukasn may nkkapa ako na prang ipin .pero sabi ni
    Doc. buto daw un . anu dapat kong gawen patangal ko ..salamat. at anu mangyyre kung ipatangal ko tong buto ?

  43. Need help .plsss

    Hi doc . ask ko lng nag pa bunot ako ng ipin . pangil yata tawag dun . . after ko mabunutn kinbukasn may nkkapa ako na prang ipin .pero sabi ni
    Doc. buto daw un . anu dapat kong gawen patangal ko ..salamat

  44. Doc ask ko lang po if napasukan ng kanin yung bagong bunot n ngipin ano po dpat ko gawin kusa po bang matatanggal yun. Kaka bunot k lng po nung April 16 2016 ..

  45. gudmorning po doc nagpabunot po ako ng ngipin nung april 10, minor surgery po ginawa wala na naman pong maga pero di pa po full na nagdidikit ang laman at may nakikita po akong buto ok lang po ba na may nakikitang buto ung nakalabas na buto?at di po tinahi now po nasakit pa din normal lang din po ba na nasakit pa din po ung katabing ngipin na nagdudugo po gums ng katabi pagnadadali ko ng daliri.maraming salamat po

  46. Good morning po doc. Magpapabunot po sana ako kaso baka po di bunutin kase sobrang sakit po nya. Di ko po alam kung bakit sumasakit. Dahil po kaya sa may tumutubong ngipin sa baba na wisdom teeth po ba yata tawag dun at masakit po sya kahit nasa taas naman sya kaya po pakiramdam ko masakit din sya. Pero pag inuga ko po gamit ng dila ko masakit sya. Pwede po kayang magpabunot kung sakali man pong may nana ito?

  47. Gud pm doc nagpabunot po ako ng ipin 5 days ago sa dulong bagang sa baba ilang days po ba hihilom ang sugat at mawawala po ba ang butas nito?thank u i advance

  48. Doc ask ko lang po pano mawala yung pamamaga ng muscle frenum. Namaga po kasi after ko matusok. Nakabrace po ako at lumaki yung muscle frenum kaya para akong may malaking tinga sa harap ng ngipin ko.

      1. Hi po doc,,ask KO lang po..my nabulok po AQ n ngipin taz po unti unti po xa nbabawasan hanngang s bumaon n po s gums q,,anu po kaya ang pwedeng gawin kc po maga n ung gums q,,salamat po,,

  49. gud am. dok bakit po kailangang temporary pasta muna ang ginawa sa akin, tapos after 2 weeks babalikan ko yung dentistang nagpasta?

  50. Sir pano po ba eto namamaga gums ko parang my naiwan na ngipin sa loob nakakapa ng dila ko namamaga kase ang kirot

  51. Ask ko lng ksi nag pa bunot ako ng ipin sa bagang pag uwi ko kinapa ko ng dila ung binunot sakin nkapa ko ung gums ko na biyak sa harap and mahaba ung biyak so normal lng ba yun ??

  52. doc namamaga po ngipin ko dahil sa wisdom tooh ang tagal na po nyang paga makaka apekto po ba sakin to matigas na po yung paga nya e buok sa gilid ng pisngi

  53. Hi po. Masakit ngipin ko po, tapos paghinahawakan ko yung gums ko sa itaas, masakit pati yung ngipin ko sumasakit. Ano po gagawin ko at pano maaalis to?

  54. hi doc ,may itatanong lng po ako. pwdi po ba ipatanggal ang wisdom tooth ko sa harapan , kasi parang vampire po pgkatubo ng wisdom tooth ko matalas .dalawa pong ipin , bali sa opposite side. pwd po ba matanggal to ?

    1. HINDING HINDI MO PWEDENG IPATANGGAL ANG WISDOM TOOTH MO SA HARAPAN KASI KAILANMAN, HINDI PWEDENG TUMUBO ANG WISDOM TOOTH SA HARAPAN. Wisdom tooth erupts in the posterior area. I think, what you are referring is your canine tooth.

  55. Doc need info/ advice wisdom tooth ko po nasakit mdyo nkalabas lng po kc xa bulok nrin po. Minsan po namimilipit po aq sa sobrang sakit prang bnubutas panga ko at binanali. Ang mahal po kc ng singil sakin 5-7k.

    1. Hi Kirk. Kung ako tatanungin mo, reasonable price yung dental fee. Hindi ito regular tooth extraction. That’s a wisdom tooth you’re talking abuot. Ang wisdom tooth removal can even cost more lalo na kung isang batikang Oral Surgeon ang gagawa sayo.

    1. Ang best advice ko sa iyo ay mag pa tingin ka sa isang Dentist or Oral Surgeon. Huwag hayaan na manatili ang nabubulok na ngipin sa loob ng bibig. Tandaan, may masamang epekto iyan sa systemic health mo.

  56. Doc 4 days napo masakit yung wisdom tooth ko sa taas may nana po sya Hindi po ako nkakakain dahil sa sobrang sakit nya.kailangan ko po ba ipabunot yun o makukuha pa po ba yun sa gamot? Thanks po

  57. hi doc, ask lang Ako kung kaya pa bang bunutin kung root tip na lang ang natira sa bulok na ngipin at halos natatabunan na ng gums? thanks

  58. tanong lang po n nag papasta po ako ng ngipin sa harap five years ago tapos sumakit po sya tapos namaga nagpatingin na po ako sa dentist binigyan nya ko ng gamot then nung hindi na masakit parang biglang umuga na po ano po ba ibig sabihin non? kailngan na po ba bunutin yon o may chance pa po marecover yung ngipin ko? salamat 🙂

    1. You need to see that dentist again and ask for a dental xray. Then have that dentist evaluate the condition of tooth. Kasi kung wala kang xray na maiproprovide, hindi kita mabibigyan ng definitive YES OR NO Answer

  59. Good evening. May tanong po ko kasi sumasakit yung pangatlong molar ko sa right side pero nung nagpa dental check up po ako 4 days ago. Hindi daw yun tunay na sumasakit.. Sabi sa kin. Kundi yung bagang ko na hindi tapos umusbong kung baga nag circulate lang yung pain sa malalapit na mga molar, tas ginawa ko pinalinis ko muna ngipin ko para malaman kung ano tlaga, taz sabi sa kin wala daw sira yung ngipin ko kailangan lang ikonsulta ko sa surgery yung bagang ko kc kalahati lang usbong nya pero ang wird po kc 26 na ko ngaun lang sumakit ng ngipin ko ng grabe. Taz after po nun dental check up ko nararanasan ko ulit yung sakit taz nag ka singaw pa ko sa gilagid sa left at right sa upper pa taz bakit po ganun feeling ko parang magaspang yung ngipin ko sa taas pag tin touch. Ng dila ko taz pag uminom ko ng dolfenal parang feeling ko tumataba yung gums ko sa may bagang po. Thanks to rrply godbless

    1. My assumption on your case would would be your wisdom tooth is causing pressure to the second molar. Normally we would take xrays on the area where the patient feels the pain to identify the root of problem. You may need dental surgery of the tooth causing the problem. Wisdom tooth erupts in the age of 17-31 years old. I would take that out especially if the tooth is causing problem or pain.

  60. doc ask ko lang po , ano pong ggawin ko kasi po may sira akong ngipin sa bagang tapos sa ibbaw ng natiring ngipin may tumubo pong laman

  61. Doc namamaga po gums no dahil sa ngipin no kaso d po saw pwede pabunot kc namamaga po anu po pwede Kong inumin na gamot?

  62. Kahit magtootbrush at mouthwash d pa din maalis ang badbreath at my kasamang nana at pagdurugo ang gilagid..ano po ang dapat gawin

  63. Namamaga po mukha dahil sa sakit ng ngipin ko harap. Ano po ba gagawain ko? Pisngi sa may mata at ilong po namamaga ko.

  64. Dok may tumobo pong isang maliit na bukol sa harapang gilagid ng anak ko anu pong cause ng pakakaroon neto? at Dok dilikado oo ba eto?

  65. Hi po? ask ko lang po nag punta n po ako sa dentist ung sumasakit na ngipin ko at gums ko ay ipina chck ko sa dentst pero snbi nya sa akin na wala daw sira at okay ang teeth ko nag try ako sa suggestion ng dentst na xray muna daw para mlaman san nangggling. Pero dun lang sa part n mskit nya xray then nung lmbas ang result wala nmn daw problema para sumkit ang teeth at gums ko ng sobra. ano po ba ang pwede gwin? At bkt sumskit ng sobra ang teeth at lalu na gums ko? Di na ksi ako makatlog sa sakit lalu na kapag nadadaplisan din ng hangin. Sana matulungan niyo po ako. Salamat

      1. Doc nagpabunot po ako sa 3rd molar daw un pero may natira pong ngipin sa pinagtanggalan ng pinabunot ko..ok lang po ba un? Masakit pa kc til now 3 days na ngaun simula nung nagpabunot ako..

  66. Doc, help me pls.. I jus had extraction but it feels like naiwan yun ugat. Mabilis though mabilis nag heal yun gum ko I’m still worried na baka magkaroon ng infection.. Anu po ba dapat ok gawin? Thanks doc..

  67. Doc ilang araw po lulubog ung buto sa pangil ko kasi binunot cya march 7 ung kabila march 13 po. Nagpa denture ako 24 ko nakuha ung denture kaya lang naka umbok po kasi ung nguso ko.. Anu po gagawin ko para ndi nakaumbok ang nguso ko may gums po ksi ung upper denture ko. Full denture cya

  68. Doc Nagpabunot ako nung Monday, tapos ngayon pagaling na sya pero may nasalat yung dila ko na parang matulis sa pinagbunutan tapos nung tiningnan ko kulay white sya. Di ko nga lang po alam kung buto yun or naiwan na ngipin. Bagang po yung binunutan

  69. nagpabunot po ako ng ipin tapos yung pinagtusukan po ng anaesthesia ay namamaga at may nana normal po ba yun ?

  70. Doc magpabunot po ako ng ngipin. Bagang po. After po nun may naiwan po na ngipin at nagkaroon ng white na matulis dun sa giligid ko. Tas yung part po na binunutan medyo maitim po. Bakit po ganun? Ano pong pwedeng gawin doc? Salamat po.

      1. Doc nagpabunot po ako ng ngipin today. Kaso po may naiwan po na ngipin. Sabi po ng dentist buto lang daw po yun na naiwan. Hindi po ba sasakit yun kapag nalagyan na ng laman? Thanks

  71. Doc i need your help po, nag pabunot po kasi ako monday afternoon, then now po wednesday medyo masakit parin at parang mabigat ung pinagbunutan sakin, dun sa pinagbunutan may mga puti sa paligid, minsan pag nalunok ako parang mapakla, i can feel na namamaga po sya, tpos po may time na nag iinit katawan ko, at nasakit ulo ko, sinusunod konpo pag inom ng gamot, normal lang po kaya un mga nararamdaman ko po?

    Thanks doc☺☺☺

  72. Nagpabunot po ako nung saturday. Natnggal naman po ung roots ng ngipin. Kaso po, nakita ko may naiwan na ngipin sa gilid po at ibabaw ng gums na pinagbunutan . Anu po ang dapat kung gawin?

  73. Tanong q lang po. Matagal na po akong nagpabunot ng ngipin. Ngayun q lang po napansin na may natira. Natutunaw na po gums ko ano po magandang gawin?

  74. hi po nagpabunot po ako na bagang na ngipin pinakita naman ng dentist ang ngipin ko parang wala naman naiwan tapos na ilang months napansin ko na may tumubong gums sa nabunutan ng ngipin ko benaliwala ko lang akala ko mawala din tapos po napansin ko na palaki na ang tumubong gums ,2014 pa ako nagpabunot tapos ngayon ang gums na tumubo pumalit sa ngipin ko na nabunot natakot na po ako kc pah magtoothbrush ako dumugo pa xia ano po ba ang dapat kung gawin sana matulungan niyo po ako maraming salamat doc.

  75. hi po nagpabunot po ako nang bagang na ngipin pinakita naman ng dentist ang ngipin parang wala naman naiwan tapos ilang months napansin ko na may tumubong gums pero benaliwala ko lang ksi akala ko mawala lang din tapos napansin ko na lumaki anh tumubong gums pumalit ang gums na tumubo sa ngipin na pinabunot ko 2014 pa ako nagpabunot natakot po ako kasi pag magtoothbrush ako dumudugo po ang gums tapos may time din na sumakit sana matulungan nyo po ako maraming salamat doc”;;

  76. Hi doc, ask ko lng po ilang days po bago mg heal ung binunot skin s bagang and ung 2pangil ko,?? Ans, me plz! Tnx

  77. Nagpabunot po aq isang ngipin pero my naiwan po s pagbunot kc po nbasag po ngipin ko pagbunot hndi po nadala lahat naiwan un dulo.,. Dilikado po kaya un.,.

  78. Ask ko lng po. Yung baby ko kc sira po yung mga ngipin nya. Kahit ngtoothbrush sya. Mabaho parin po yung hininga nya.4yrs old na po sya. Ano po dpt gawin ko po? Salamat

  79. Doc ask ko lang nagpabunot Po kc aw Ng ngipin Bali dulong ngipin o tawagin wisdom teeth after 2days Po nasasalat ko na may magaspang at nun sinilip ko may Parang nakausling ngipin sa gilid Ng pinagbunutan… Nahihirapan n po kc aqng kumain..? Any kaya in??

  80. masakit po ba kung ipabunot ung ngipin ko sa second molar?? (ung pangalawa sa dulo katabi ng wisdom tooth), may malaking bagang po kasi ako dun eh.

  81. May naiwan pong ugat (bagang), 1 yr na sya kasi hindi naman sya masakit, tas recently sumakit na sya, pumunta ako sa dentist hindi nya mabunot, nag undergo na kami ng xray and 2 anesthesia, hindi tumalab sakin at masakit padin, nag nana daw po kasi, she recommended me to go back this Thursday.

Leave a Reply

%d