Toothache – Toothbrush

Daniel Buser: Bakit po kahit nag totooth brush ako ng teeth 3 times a day eh after mag toothbrush eh sumaskit teeth ko?

Ask the Dentist Philippines: Hi Daniel Buser. Salamat sa iyong tanong. First of all, ipakita mo sa dentist ang sumasakit na ngipin mo. Para makita yan nang aktwal.

Maraming dahilan kung bakit sumasakit ang ngipin mo. Hindi sapat ang toothbrush para masigurong hindi magkakaroon ng sira, na siyang primerang dahilan kung bakit sumasakit ang ngipin.

Ang pag-totoothbrush, ang isa lang sa mga pamamaraan para maiwasan ang pagkasira ng ngipin.

Maaaring nagtotoothbrush ka nga, ngunit kulang ang time sa pagtotoothbrush mo. Mayroon diyan, nagtotoothbrush ng 30 seconds. Idinaan lang ang brush tapos mumog, tapos tapos na. Ano ang nalinis doon? Laway?

Kahit anong brand ng toothpaste ang gamitin mo, basta tama ang pamamaraan mo, at tama din ang tagal ng pagtotoothbrush mo.

Isa pa, kahit nagbrush ka, hindi mo malilinisan ang mga pagitan ng ngipin mo. Madalas, hindi naabot ng bristles ng toothbrush ang pagitan ng ngipin, unless hiwahiwalay ang mga ngipin mo. Hindi sapat ang toothbrushing, dapat mag dental floss ka din. At dapat magpaturo ka sa dentist kung paano magdental floss.

Maaari ding ang pananakit ng ngipin mo ay dahil sa pamamaga ng gilagid mo. O kaya dahil sa ulcerations. o kaya neoplastic na pala. Na akala mo dahil sa ngipin yun pala, cancerous na pala.

Kung ako sayo, pupunta na ako sa dentista ngayon upang ipasuri iyan. huwag kang umasa sa mga websites para masagot nang eksakto ang tanong mo. Iba pa rin ang aktuwal na pagpapasuri sa doctor at dentista. Tandaan mo “There is no online material nor website that can substitute a professional advice.”

4 thoughts on “Toothache – Toothbrush”

  1. Doc ano po bang magandang gamot kse yung gilagid ko po 4days ng namamaga. Dun po sa pinaka huli kung saan part tumutubo yung wisdom tooth. sana po eh masagot nyo po ako. 😊

Leave a Reply