Jessica : Hello, may loose teeth po ako. Nag start po ito nung nagpalinis ako ng ngipin. After a year bumalik po ako sa dentist para magpa-pasta ng ngipin. Nag recommend siya ng braces kasi po yung ngipin ko sa unahan naghihiwalay unti-unti. Then sabi ko if okay lang yun kasi umuuga mga ngipin ko since nagpalinis ako ng ngipin. Napaliwanag naman niya sakin ang posibleng dahilan. Ang tanong ko lang po, pwede po ba akong magpalagay ng braces kahit umuuga mga ngipin ko?
Dr. Jesus Lecitona : Hindi yung pagpapalinis ang dahilan. Yung minsan kada isang dekada ka magpalinis ang dahilan. Ang periodontl disease ay nangyayari kung once lang magpalinis ang tao sa tanang buhay nya. Every 6 months ang pagpapalinis.
Hindi ka pwede magbrace kung may periodontal disease ka, dapat muna magamot yan.
Jessica : Yun nga po ang sinabi niya kailangan daw pakapitin yung ngipin sa gums? Mga how much po ba ang ganung gamutan?
Dr. Jesus Lecitona : Yung dentist mo ang makakapagsabi depende sa makita nya sa xray mo.
Jessica : May maisa suggest po ba kayong home remedy just in case habang pinag iipunan ko ang treatment?
Dr. Jesus Lecitona : Walang home remedy yang ganyan.
Jessica : Mga gaano po katagal ang treatment?
Dr. Jesus Lecitona : YUng dentist na makakakita ng x ray mo ang makakapagsabi kung gaano katagal.
Jessica : Ah okay. Last question po covered po ba ng health card ang treatment para dito?
Dr. Jesus Lecitona : Hindi. Halos wala naman covered ang health card.
Jessica : Okay sige po. Thanks