Bryan: What are dental implants? Sa Philippines, how much po ang dental implants?
Ask the Dentist: Hello Bryan! According to Cost of Dental Implants website, “Dental Implants are devices which offer significant stabilizing effect on dental prostheses through a rigid connection to living bone. Implants are designed to provide a direct titanium-to-bone interface ( osseointegrated )”. Ang common na uri ng dental implant ay hugis turnilyo na gawa sa titanium. Gawa ito sa titanium dahil hindi nirereject ng buto ng tao ang titanium. Gumagawa ng butas ang dentist sa upper o lower arch ng tao at dito inilalagay ang dental implants. Matapos ang 6 na buwan o isang tao, inaasahang kumapit na ang buto sa implants. Mahal na mahal ng buto ng tao ang dental implants kaya yayakapin niya ito. Yun nga lang maghihintay ka ng tatlong buwan bago niya hihigpitan ang yakap niya. Pagdating ng 6 na buwan, sapat na ang higpit ng pagmamahal niya dito kaya magiging stable na ang dental implant.
Kapag stable na ang dental implants sa buto, kakapitan na ito ng abutment sa pamamagitan ng screw. Ang abutment ang siya namang kakapitan ng pustiso. Pwedeng dental crown, fixed bridge at pwede ding removable denture ang ilagay depende sa pangangailangan mo. Hindi porket may implants ka na eh hindi ka na magpupustiso. Magpupustiso ka pa din, yun nga lang mas makapit na ang pustiso kasi may stable na siyang mapagkakapitan at pwedeng mahigpit na mahigpit. Isa ito sa maling information sa karamihan sa website na mahahanap mo sa Google Search. Ang alam ng karaniwang tao, tulad ng mga ordinaryong webmaster na gumawa sa karamihan sa dental implants website na makikita mo ngayon, wala ng pustiso kapag may dental implants. May pustio pa din. Hindi mawawala ang pustiso sa implants.
Nasagot ko na ang Dental Implants cost in the Philippines. Pero ulitin ko lang, na ang price ng dental implants sa Philippines ay mula $1,000 to $15,000 (43,000 to 645,000 Philippine Pesos pag naconvert na sa Pinas money). Merong alternative na pwedeng ioffer ang dentist sayo, ang mini dental implants na madalas pumapalpak dahil sa maling gamit at paglalagay. Piliin mo ang dentista na maglalagay sayo. At mas mabuti pa rin na piliin mo ang conventional dental implants.
Salamat sa tanong mo Bryan. Kumunsulta ka sa Dentist sa tunay na buhay ha? Tandaan mo “There is no online material nor website that can substitute for professional advice.”
upper and lower na ang pustiso ko so mga ilng implant po pwedeng kapitan ng pustiso thanks!
Mas madami mas okie. Minimum of 2. Kung isa, sugal. http://www.dentalimplantscostguide.org/dental-implants/
gusto ko sana magpa implant doc kaso gaano ba tlg kamahal yan baka isang ngipin plang nd ko na kayanin?
70K pataas bawat implant : http://costofdentalimplant.com/dental-implant/