Anna : Hi po! Galing po ako sa website nyo. Naguguluhan po ako sa dapat ipaayos sa ngipin ko.Masyado na po kasing nagging kumplikado. Kindly help po maclarify ung mga tanong ko
1. May false teeth po ako sa upper part for 3 teeth sa magkakahiwalay. – Ano po bang mas maganda, pagdating sa quality-usage, FIXED Bridge or FIXED Denture? Ano pong mas tumatagal ung porcelain?ceramic?resin?
2. Problem sa Brace : FYI po, meron pa akong 2 sungki sa lower part. Nabunutan ako ng 2 teeth.
Before makabitan ng brace, nagpapasta and bunot ako ng ngipin (2) kasi ang sabi ng dentist ko, ndi nadaw kaya ng pasta, so um-okey ako. And confirmed nya na ok pa din ang magpa-brace since gagalaw pa daw ung ngipin ko (sungki) and sasakto lang ung space.
Ang concern ko po nuon eh, may false teeth na ako that time, ang sabi nya ok lang un, and sa baba na lang ang lagyan. Since dentist sya, and liscensed sya, kaya ang inisip ko nun , alam namn nya ung mga sinasabi nya. —sabi nung ibang dentist dapat ndi daw po nilagyan, and sa totoo lang po, ndi ako pinag-xray, w/c is may fault din ako kasi ndi ako nagresearch, um-okey lang ako kasi bago lang sakin un (and aminado po ako na na-excite ako..haayy..)and professional namn kaharap ko..- —
So tuloi kami sa pagbrace, hinintay lang ung paggaling nung gums ko (nabunutan ng 2 teeth) Next na pagpunta ko , nakabitan nako nung bakal, I don’t know po ung tawag, ung sinasabitan ng wire. then every mo. pmupnta ako sa knya para magpaadjust.
Sobrang konti po nang movements ng ngipin, nagworry din po ako since ung kinabitan ng crown para brace umiikot na, sabi ng dentist gnun daw tlaga, nagpapanic po ako kasi ndi In-elaborate kung bakit, basta adjust lang ng adjust everymo..nag-iiba kasi ung shift ko kaya minsan nahirapan ako sa sched para magpa-adjust, may mga mo. din ako na hndi nakapunta, hanggang sa gumulo na ung teeth ko. Php18,000 singil sakin, kalahati daw since half ung brace,.bayad na ako’t lahat, tumigil na lang ako sa pagpunta kasi parang nangyayari, 2yrs na and parang chinichika na lang ako ng dentist,.naiinis tuloi ako, kasi prang walang nangyari…
Nagpacleaning ako sa ibang dentist and at the same time nagpachekup nadin,.iba sa mga sinabi ng dentist ko ung sinasabi ng bagong dentist, so naguluhan talga ako…. Gusto ko nang maaus ung problem ko sa ngipin, please help po…..
Ung may dot po na red- ung false teeth ko.if u cud see @ the center pic, may isang ngipin pa na ndi kasama sa brace, iniwan ng dentist ko kasi sabi nya ipanghuhuli daw nya iyon na galawin.
Hindi ko po knkwestyon ung dati kong dentist, pero sana mtulungan nyo akong malinawan or kung anu man ung tingin nyong mas mabuti kong gawin sa ngipin ko…Minsan nahihiya na din ako lumapit personally sa mga dentist kasi nga kumplikado ng sitwasyon ko para sakin..
Ask the Dentist : Magsend ka ng xray.
Upper at lower lagi ang braces. Para maiayos nang optimum ang ngipin mo bago ilagay ang definitive bridge sa taas. Pero hindi ko masagot nang tiyak dahil mukhang naghanap ka ng cheapest kaya nagkaganyan ng treatment mo. Dahil kapag common sense ang gagamitin mo, laging may presyo ang quality ng kahit anong bagay.
Anna : ndi nmn sa naghahanap ako ng cheapest, nagkataon lang na ni-refer sakin ung dentist kaya sumangayon ako dun,and well-known ung dentist ditto samin, w/c is admitngly mali nga naman ako dun, na ndi muna ako ng background checking, pero atleast confirmed ko na ndi pla dapat tlga lower lang…and bridge ang pwdeng resolution,.sa sobrang dala ko sa dentist nagche-check muna tlaga ako ngaun ng possible kong gwin or dapat malaman,. what if ipatanggal ko na lang ung brace and bridge na lang, up and down, is it possible?
Ask the Dentist : Send x ray.
Pwede. Pero syempre ganyan pa din ang pagkakaayos, sabog sabog.
Anna : Still working, i’ll send po if makapg-xray ako. pwede po ba ung brace sa upper kahit may false teeth? or bridge?
Ask the Dentist : Punta ka sa tunay na dentist. Siya ang magsasabi sayo kung ano ang dapat gawin batay sa ankita niya sa xray mo at sa bibig mo.
Anna : ok. thanks na din po.
Ask the Dentist : Basta tandaan mo upper at lower lagi ang braces.
Anna : ill take note of that! thanks po, next time, i’ll be more careful in choosing my dentist.