Dental Cost

Gino Ray : Hi doc,
Galing po ako sa dentist kanina at eto ang quote na binigay sakin for the following procedures. Standard po ba yung presyo o medyo mahal?

Tooth extraction – 2.5k
RCT ng molar – 15k
Dentures – 25k

Ask the Dentist : Mura lang yan.

Gino Ray : Ah ok, thanks doc! So mas mahal pa pala ang singil niyo dyan?

Ask the Dentist : Depende yan sa hirap ng case. Kung kaya ijustify ng dentist mo yan, then mura yan. Kung specialist ang gagawa, then nakamura ka na. Madaming klase ng pustiso. Tulad nito, 25 K usually ang bawat isang ngipin nito:
All Ceramic Bridge with CAD CAM Milled Zirconia Framework

Ask the Dentist : Sa mundo, you get what you pay for. Kahit ikaw siguro, kung mura ang pasweldo sayo sa isang company, hindi mo mapapabuti ang trabaho mo, at tiyak maghahanap ka ng ibang trabaho.

Gino Ray : Ay pag mababa JO, di ko tinatanggap doc. Kaya masipag ako lagi sa trabaho ko to give them what they pay for. Hehe.

Salamat doc idol!:)

Gino Ray : Nga pala doc, napadpad din ako sa page niyong http://www.askthedentist.tv/affordable-dentures-manila/. Yung affordable ba na yun e mas mahal pa dun sa 25k na quote ng dentist ko?

Ask the Dentist : Syempre mas mura yan. Kailangan sa Manila yung pasyente at hindi nagmamadali.

Gino Ray : Aba kung mas mura pala doc, interesado ako dyan! Hindi naman ako nagmamadali doc at taga-Metro Manila ako, sa Paranaque.

Ask the Dentist : Okies. Describe mo problem mo sa ngipin.

Gino Ray : Sa upper part, may missing tooth sa right side malapit sa molars. Sa left side kumpleto pa naman.

Sa lower part, missing ang first and second molar sa left side. Sa right side naman, papabunot ko baka next week yung first molar.

So bale 3 missing teeth now pero by next week baka 4 na.

Ask the Dentist : Bakit mo papabunot yung first molar?

Gino Ray : Sira na doc. After i-clean at temporary filling e nag-swell naman. Either extraction or RCT daw. E yung RCT 15k, it hurts doc idol!

Ask the Dentist : Sinong dentist mo ngayon?

Gino Ray : Di ko alam pangalan doc. Pero dito sa global city yung clinic. Bakit mo natanong doc?

Ask the Dentist : Buo pa yung ngipin mo na sumasakit?

Gino Ray : Buo pa doc. Di na sumasakit after temporary filling. Pero may swelling nga so sabi may infection pa rin kaya dapat i-extract or i-RCT

Ask the Dentist : Kung gusto mo ipaxray muna. Panoramic x ray. Tapos send mo sa akin yung picture.

4 thoughts on “Dental Cost”

  1. Hi Doc! ask ko lang kung napamahal ba ako o ok lang ang price na binayaran ko sa dentist ko, nagpa denture ako isang ngipin sa harap tapos cleaning then may pinastahan sya 3 ngipin tapos meron pa syang nilagyan ng palp protection ba yun? sa bagang right side tapos IVOCAP daw yung denture ko.anu ba yung IVOCAP Doc? mahal ba yun? kasi bale 20k lahat ang binayaran ko sa kanya naka mura po ba ako Doc o napamahal?

  2. Hi Doc! Ask ko lang po. Kasi bagong bunot po ako. 2 days before. After po nung bunot ko, sinukatan na po ako kaagad ng para sa denture ko. Tama po ba yun? Or sana hinintay po muna magheal yung bagong bunot ko?

Leave a Reply

%d