Dental Insurance Card Philippines : RCT

Mhatet : Hi doc… Ask ko lang po kaxe may cavity ung ngipin q s harap pero sobrang liit nya lang,pinapastahan q po… After nun nag cmula ng mangilo ang ipin q then last tuesday sumakit ca ng sobra,bumalik aq sa dentist ang sabi nya makapal daw ung pasta skin kaya binwasan nya,kinabukasan namaga na po nguso q at may nana n ung gilagid q,nag ka tooth abscess aq,pmunta pa q sa ibang dentist kinabukasa at inalis nya po ung nana… Ni rrecommend nya aq i root canal… Doc eto po ung tanong ko:
1)sobrang liit lng ng cavity q sa ipin tuldok lng bkit umabot aq sa tooth abscess na aabot pa sa root canal?
2) kung aq po yaw q po mag pa root canal dhil po mag iiba dw ang color ng teeth mangingitim… Huhu yaw ko po ng ganun… Yaw q din po mag pabunot kaxe sa front po ung teeth n un… Wala n po bang ibang paraan??
3)kung mag papa root canal po aq totoo po bang mag iiba ung color ng ipin?? At kaylan xa mag iiba ganu katagal??
Salamat doc sana marplyan nyo n po aq agad kaxe pinapbalik nq ng dentist q sa tue. For RCT

Ask the Dentist :
1. Madalas ganyan, maliit sa labas, malaki ang sira sa loob. Kaya nga yung sinasabi ng pasyente na dapat mas mura ang bayad kasi maliit lang ang butas, mali yun, kasi malaki sa loob. Kaya kung minsan dahil sa laki ng sira sa loob, umaabot na sa pulp ang infection. AT kapag ang infection ay abot na sa pulp, wala ka choice kundi ipa-RCT or bunot.
2. Ipa-RCT mo. After RCT, kung maliit lang ang damage, papastahan lang. Kung malaki ang damage, i-ve-veneer or crown.
3. Kung after RCT ay maliit lang ang damage, at papastahan, may gagawin para hindi mabilis magbago ang shade. Kung mangitim man, pwede gawin ang “single tooth bleaching”.

Napakaliit na bagay ang inaalala mo. Hanap ka lang ng magaling na dentist para hindi katangahang gawa ang gawin sayo.

Mhatet : Eh doc ang need q po kxe ung accredited ng health card q dhil nag absent aq sa work.. Other than single tooth bleach ano pa p ung ibang pwdeng gawin pag nag dark ung teeth q na na root canal!! Ung permanet po na hnd n magbbago ung kulay?? Ung nga porcelain crown ba doc? Ung bleaching po ba prrmanent din po un?

Ask the Dentist : Alright. Ang comment ko sa card, low quality na dental service makukuha mo. Kasi ang nagbabayad diyan, card. Kapag card ang nagbayad, binabarat nila ang dentist. Kaya ang dentist syempre, murang materials ang gagamitin. At mabilisan na paggawa. At kadalasan yung mga low quality dentist ang tumatanggap ng cards.

Ask the Dentist : Walang permanent na bagay sa mundo.

Mhatet : Pero po ung mga operation po like root canal hnd na po sagot ng card q sarling bulsa q na po… Ang need q po kaxe ung med cert nila bkit aq nag absent ganun doc so kung walangvpermanent ang gastos pla nun hehe… Salamat doc

Ask the Dentist : Kapag sinabi ng dentist mo na nagooffer siya ng permanent na restoration at iba pa permanent na mga bagay. Hindi siya magaling na dentist. Magaling lang sa salita. Sa pagbebenta. Dahil walang permanent sa dentistry.

Ask the Dentist : Kahit nga relationhip eh. Kadalasan, buwan lang inaabot. Pero ang panagako noong nanliligaw, forever. Permanent pero buwan lang pala.

Mhatet : Hahhaha… Ok po doc…

Ask the Dentist : Sa RCT, inixray yan ha. Kapag ina-RCT ka na hindi ini-xray, wag mo na ituloy.
ITanong mosa dentist bago ka magpagawa sa kanya ang procedure na gagawin niya. Kung sinabi niyang kukuhanan ka ng madaming x ray. Magaling yun. After RCT, picture-an mo ang final x-ray.
Tapos, send mo yung malinaw na picture ng malinaw na x ray sa akin, dito sa PM, para makita natin kung tama ang pagkakagawa.

Mhatet : Meron dw doc laxe nulay nya na po ung bbyaran q at nkita q nmn may xray umabot po sa 5k plus… Xge doc sa tue na po nya q ii RTC….
Doc kung hnd permanent ung bleaching eh ganu katgal nag llast un bago bumalik sa tunay na kulay?

Ask the Dentist : Hindi ko masyado maintindihan matet. Tagalog ako.
Kung gaano katagal ay depende sa galing ng dentist mo at iba pang factors.

Mhatet : Haha na mis typ doc… Meron pong xray kaxe po cnulat nya na ung mga bbyaran q po at may nkita po aq na xray.. Umabot po sa 5k plus ung bbyaran q doc… Sa tue po q i root canal send q po sau ung pic ng xray q doc after nun..

Ask the Dentist : Example ng x ray.

Fixed Partial Denture – Endodontically Treated Tooth
Tooth preparation for endodontically treated teeth for Fixed Partial Denture Root canal Remove only minimal tooth structure. Overenlargement can perforate or weaken the root. The thickness of the r…

Mhatet : Nga pala dic sbi ng dentist q machine n ung gagamitin n pang root canal sakin… May idea po ba kau dun?

Ask the Dentist : Sa paglilinis ng canal, may manual, rotary at ultrasonic. Sa fill-up ganun din, may manual, at may de-kuryente. Pero kahit ano pa ang gamitin, kailangan i-x-ray para makita kung tama. Hindi makakapagsinungaling ang x ray kung may mali.

Mhatet : Habang online kau doc llubusin q na ung tanong w… Doc pag hnd po q nag pa root canal ano mangyayare sa ipin w?

Ask the Dentist : Una, hahanap yan ng paglalabasan. Habang nandiyan ang infection pipilitin ng katawan labanan. Mabubuo ang nana sa loob. Hahanap ng butas. Kapag nahanap niya sa giliagid. sa gilagid lalabas. Lalaki ng lalaki, hanggang yung buto sa area, liliiit. Mabaho yan syempre. Yung pinakamalalang pwedeng mangyari ay cancer.

Ask the Dentist : Pero kung isa kang spartan. Pwede mo na hindi ipa-RCT yan. Or kung taong grasa ka, pwede din. Pwede mo ding hindi ipagawa kung isa kang pangit na tao.

Mhatet : Pero kaxe doc na drinage nya nmn na ung nana eh… Pag ba abcess root canal agad…??
Kaxe yaw q mag iba ung color ng teeth q at d nmn aq naging pabaya sa teeth q… Huhu… Nkaka depress lng doc

Ask the Dentist : Ganun talaga ang buhay kung minsan nasa ibabaw, kung minsan nasa ilalim. Saan mo ba gusto sa ibabaw o sa ilalim?

Mhatet : Hahahaha

2 thoughts on “Dental Insurance Card Philippines : RCT”

Leave a Reply

%d