Jacquilyn: good am po. ask ko lang po if ano possible gawin sa tooth ko kc nkapermanent filling na po ito (last march lang po) pero nagdedecay po sya sa loob. parang affected na din po yung gum and katabing ipin na temporary filling lang. thanks a lot po
Ask the Dentist Philippines: X ray at tests. Kapag wala pang periapical infection at hindi pa naman sumasakit, papalitan yung pasta. Kung may infection na, root canal tapos porcelain fused to metal crown or all ceramic crown. Para magimprove ang gums, magbrush ka. Every after kumain. 🙂
Good day!
Ano po ba magandang procedure para sa ngipin na madaling kapitan ng stains/ dumi? Ano rin pong klase ng dentist kailangan kong puntahan para ma-check maigi ang ngipin ko? Thanks in advance!
Ang stains ba sa ngipin mo ay mula sa kape ba o sigarilyo? Kung sigarilyo, itigil mo ang paninigarilyo. Kung kape, magkape ka pa lalo at punta ka sa dentist every 6 months.
Ang klase ng dentist na dapat mong hanapin ay “dentist na pagkakatiwalaan” mo. 🙂
masakit po ba pag tinanggal ung jocket or crown sa ipin?? last 7 years ko p kc napapalitan ung jocket ko..ngaun sumasakit n sya at may times n my blood n lumalabas pag nag totooth brush ako..if ever po ba pwede pang mag p crown kahit na walang 2 ipin sa harap????
Malaki ang possibility na may tama na sa pulp yang ngipin mo. Para makasiguro, dapat i-x-ray muna yan. Kung napatunayang may tama na ang pulp, dapat i-rct muna bago lagyan ng jacket crown. Kung may missing, crown and bridge na ang tawag.
Ang pananakit sa pagtanggal ng crown ay nakadepende sa galing ng iyong dentist at antas ng tolerance mo sa pain.
Good evening po, Ask ko lang kung me pag asa paba ung mga ngipin kong utik utik ng nabubulok… hehe.. ung upper front teeth ko po medyo me cavity, pero hindi naman completely surrounded ung buong front teeth ng cavity, medyo lines lang in between teeth. Pero ing lower teeth ko, at least 4 of them eh buo pa naman.. Pero ung pinag kakapitan ng teeth is surrounded by cavity napo.. ano po bang dapat gawing procedure saking? I hope pwede pang filling procedure ung 2 front teeth? pero main concern ko po is ung 4 lower teeth ko na surrounded na ng cavity?? 🙁 kaya pa ba ng filling? or have to remove na? Salamat po 🙂
Habang may buhay may pagasa. Ang unang dapat mong alamin ay kung sumakit na. Ang tanong kung sumakit na. Kung hindi pa, i-xray. Kapag nakita sa xray na wala pang periapical infection, pwede pang filling lang. Kapag may infection na, i-a-rct muna saka papastahan or crown. 🙂 Last option lagi ang extraction.
Malaki ang possibility na may tama na sa pulp yang ngipin mo. Para makasiguro, dapat i-x-ray muna yan. Kung napatunayang may tama na ang pulp, dapat i-rct muna bago lagyan ng jacket crown. Kung may missing, crown and bridge na ang tawag.
Ang pananakit sa pagtanggal ng crown ay nakadepende sa galing ng iyong dentist at antas ng tolerance mo sa pain. 🙂
Hello Doc! Yung pangil ko po (hindi po ako bampira ah haha) may sira na butas at may itim, hindi naman sumasakit pero pag brush ko sya or pag kumakaen ako fruits ah my sakit..ano po ba dapat gawin? may sudden pain pag ni brush
Hello Noynoy! Bati na ba kayo ni Bong Bong Marcos? Sana ay nasa mabuti kang kalagayan. Ipapasta mo. Para hindi lumala tulad ng nauna mong experience. 🙂
pahabol pong tanong, na trauma po ako sa dentist nung 13 y/o ako dahil sa pagpasta ng ipin ko sa harap na nauwe na lang sa bunot ang pag pustiso..sobrang pinagsisihan ko yun, pwede po bang painless ang pagpasta? yung dentista po kase ang suggestion nya eh pabunot na lang..malapit po kase sa nerves yung sira ng ipin ko..terrible po ang sakit nung pag grind, hindi ko nakayanan
Puwede. Kung magaling ang dentist mo, madidskartehan niya yan. I-a-anesthetize niya ng walang sakit. 🙂 Kung malapit sa nerves ok pa yun, pwede pa pastahan. Malapit pa lang naman. Pero kung nainvolve na yung pulp, doon na, pwedeng RCTor bunot.
may humahabol pa din pong tanong, hehe para po ba sa inyo ok lang ba ang flexible denture? may dentist kase na nagsabe saken mas ok pa din daw ang removable denture kase daw po pag flexible parang may bad effect sya sa gums sa look ng gums and bones?
Ba! Magaling yang dentist mo ah. Tama yung sinabi niya. Hehehe! Masama sa gums, buto at TMJ ang flexible dentures.
salamat sa pag reply doc..plan ko po kase na magpagawa ng flexible denture kase mukang promising yung comfort na maibibigay niya pero natakot ako dun sa effect niya sa gums at ma expose daw yung bone pag tumagal..taga Sampaloc Manila po ako sino po ma rerecommend niyo magaling gumawa ng denture? at yung dentist po na magaling magpasta yung painless po.hehe salamat po
Hindi naman ma-i-expose. Extreme ka naman. Daig mo pa ang mga spartan. 🙂 Ako. Pero hindi ko pwede i-recommend ang sarili ko. Paglabag yun sa rules ng dentist ng spartans. 🙂
Doc, pano po ba maiwasan ang pagkakaroon ng cavities. And if ever po kung di na tlaga siya matanggal, ano po ba ang mainam na home remedy. At doc! Ano po ba ang pdeng pampawhit ng teeth :))))
Magbrush ka matapos kumain para maiwasan mo. magfloss ka tuwing gabi. Walang home remedy kung may cavity na. Kahit pumunta ka pa sa kawit cavite.
Doc, ano po ba ang uunahin ko? Ang pagpapa-brace o ang pagpa filling?
Pasta.
Hi doc good morning ano pinakaeffective na gawin sa ngipin na natanggal na ang outer coating? Sorry sa term na ginamit ko di ko kasi alam kung anong tawag. Few years ago napansin ko most of my teeth sa lower part sensitive na kapag binnabrush and napansin ko din mabilis magyellow ang part na yun. I noticed na yung outer part ng mga ngipin ko natanggal na, yung outer coating. May dentist ako na ngpasta don and ok naman naging result. Now na lumipat na ko ng dentist and natanggal na yung mga pasta bumalik sa dati. I requested my dentist na pastahan kahit pa mgadd ako sa package ng braces ko. Ayaw nya. Use toothpaste na lang daw na mild. Kahit ano pilit ko ayaw nya kasi daw wala naman msyado didikitan ng pasta.
Please advise, Doc. Thank you!
Send photo sa FB ko. Tignan ko.
Pic sent
Oks.
Good eve po doc. ask ko lng poh if pwede ipasta yung sirang ipin khit na sa may malapit sa gums yung cra nia. Masakit kasin kapag nagtotooth brush ako at pag nag tatake ako ng malamig na tubig,at pwede pa pasta khit malaki na yung butas masakit na kc pag napapasukan ng solid food..tapos makukuha ba sa linis yung part na naging yellow na lalo na sa may pangil poh..magkano po ang papasta?
Kung sumakit na, ipaRCT mo. Kung hindi pa sumakit, ipapasta mo.
good morning po, ask ko lang if ano po pwede gawen sa ngipin ko kc ng braces po ako before and nagretainers…nawal po retainers ko kaya di ko na po pinareplace. Now nagrelapse po yung isang ngipin ko sa front so hindi xa pantay pag ngumingiti mejo nakausli. Ayoko na po sana magbraces kc nahirapan n tlg ako before e..Hope may iba pang way. thanks in advance
Send photo ng ngipin sa FB namin, Facebook.com/AdvancedDentistryPH