April : Hi Doc.
Magkano po usually yung fixed bridge? Dun kasi sa dentist na napuntahan ko 4.5k daw per ngipin. Bale tatlo po, kasi isang bungi dalawa kakapitan. Porcelain na daw yun.
Kinakabahan ako kasi parang mura sya compared dun sa iba.
Accredited naman ng Maxicare yung clinic okay kaya yon?
Ask the Dentist : 5K pataas ang bawat unit ng porcelain fused to metal bridge. Kaya sa isang bungi 15K pataas. http://costdentures.com/fixed/pfmb/
April : Okay. Check ko na lang doc. Salamat
Ask the Dentist : Ang dapat mong matutunan ay ang paglilinis ng ngipin mo at dapat regular kang magpalinis ng ngipin sa dentist. Para maalagaan ang natirang ngipin mo at hindi ka na mabungi next time.
Ask the Dentist : Targetin mo ang implants balang araw. : http://costofdentalimplant.com/dental-implant/
April : pagiipunan ko pa po. paayos na rin ako next week. Salamat
April : May tanong pa po pala ko doc. Yung lalagyan po kasi ng bridge, bubunutin pa lang.
okay lang po ba na right after bunot , lagay bridge agad? Yung friend ko po kasi, pinnaghintay pa sya more than a month ng dentist nya.
Tapos lateral incisor din, pero dalawa lang yung unit ng bridge sa kanya. Isa lang kinapitan. Bakit kaya sakin dalawa
Ask the Dentist : Ha? Bakit ka magpapabunot. Send mo photo, baka pwede pa iRCt. Magsisisi ka sa plano mo. Mahirap magbridge.
Ask the Dentist : Send photo tignan ko.
April : ah nasa office po ako e. HAHA, mamaya po siguro.
Kasi po yung ngipin na yun nakajacket na din grade school palang ako, tapos nasira na sya sa loob. Nagka-abscess na po sa roof tapat nung tooth.
Panget din po pagkagawa nung jacket e, plastic lang din.
Pinainon na po ako antibiotics, tapos ayun. pwede na ata sya bunutin.
Ask the Dentist : IpaRCT mo.
Ask the Dentist : http://www.denturesaffordable.com/fixed-partial-denture-endodontically-treated-tooth/
April : :(((
April : naiyak ako sa images.
mas okay po yun bale kesa ibridge?
suggest ko po dun sa dentist.
Ask the Dentist : Hindi man lang sinabi yan sayo ng dentist mo?
April : Hindi nya po nabanggit. Bridge lang tyaka dentures.
Ask the Dentist : Send ka ng photo. Or bisita ka sa clinic: http://dentistquezoncity.com/
Doc mag kano po mag pa implant?
70 thousand pataas. Read : http://costdentures.com/dental-implants-cost/