Melody : di ko po alam kung san mag msg. Phone lng kasi gamit ko.
sobra pong takot ako sa dentista,tipong pag naka salang na ko,naka pikit lang ako hanggang matapos.kaya di ko alam ang ginagamit nila,baka mahimatay lang ako pag nakita ko ~ganun po feeling ko.
huli pa kong nka pag palinis 2011.Tapos nung magbuntis at nanganak ako,,lalong pumangit,rumupok,nasira,umitim at bumaho ngipin ko. Resulting to a very bad breath. Kahit pa po mag brush ng madalas at matagal,wala rin.di nagtatagal.may gingivitis na nga.
Sa pag gising lalo ang amoy.
sa totoo lang nahihiya nga ako sa asawa ko,alam nyo na po,iniiwasan ko sya halikan,natatakot akong baka may maamoy sya.
ngayon po ako nagsisisi, natatakot ako mauwi sa pustiso.iba parin ang totoong ipin.
may pagasa pa po ba maayos ang ngipin ko na madami ng itim2x ang ipin.??Gusto ko rin po maisave ang ipin ko sa front na may pasta pero may itim narin dahi sa katagalan ~since elementary pa.
maisasave pa po ba??
Melody : sana po may reply kayo..
sabi ko nga po willing ako gumastos para sa pasta at linis kahit ilan pa. Mawala lang ang BAD BREATH at iwas pustiso.. Sana may pag asa pa nga..
Ask the Dentist : Habang may buhay may pagasa. Yun lang gagastos ka. Magpasched ka, para makita ko ang ngipin mo: http://dentistquezoncity.com/