Rose : Natanggal ang permanent na ngipin ng anak ko dahil sa pagkakadapa. Pwede pa ba ibalik?
Ask the Dentist : Kapag ang ngipin ay natanggal nang buo dahil sa pagkakadapa o malakas na pwersa, at hindi pa lumipas ang oras/mga oras, possible na ibalik pa ito. Kuhanin mo agad ang nahulog na ngipin. Bumili agad ng fresh milk. Hawakan sa crown, banlawan ang ngipin sa pamamagitan ng pagbuhos dito, para lang matanggal ang kumapit na alikabok, wag kaskasin, wag din i-rub. Ibabad ang ngipin sa natirang gatas. Magpunta agad sa dentist upang siya ang magbalik sa socket na pinanggalingan ng ngipin. I-stabilize ito ng dentist, at hihintayin ng ilang buwan na gumaling at magform ng buto sa paligid ng ngipin. Kapag stable na ang ngipin, ang dentist ang magdidecide ng mga susunod pang mga gagawin base sa extent ng damage at paggaling na nangyari.
Magkanu nmn poh magpanraise underbite class c poh ako
Magtanong ka ulit tapos linawan mo.
pwede po ba i-papasta yung sa front teeth na nbasag po (isang ngipin lang po yung may basag)?magkano po kaya doc? Thankyou po
KUng umabot na sa pulp at sumakit na, ipa RCT mo. Read : http://www.denturesaffordable.com/restoration-of-broken-teeth/