Eddie Angle : Dok! Pwede bang magbraces kahit may pustiso?
Ask the Dentist : Hi Eddie. Oo naman. Pwedeng magpa – brace kahit may pustiso ka. Punta ka sa pinagkakatiwalaan mong orthodontist para matignan nang husto ang iyong kalagayang pang-dental.
Itanong mo sa Dentista!
Eddie Angle : Dok! Pwede bang magbraces kahit may pustiso?
Ask the Dentist : Hi Eddie. Oo naman. Pwedeng magpa – brace kahit may pustiso ka. Punta ka sa pinagkakatiwalaan mong orthodontist para matignan nang husto ang iyong kalagayang pang-dental.
Hello Dok! I enjoy reading your blog! I learned a lot. Pero something is bothering me po for a long time na. Matagal ko na din gustong magpabrace pero naghehesitate ako. Pero eto po yung problem ko. May 2 na pong bicuspid at 2 molars akong nawala sa lower area, magkatapat. 22 na po ako ngayon at since 18 ako i experience jaw clicking (on left), and until now nangangalay pa rin siya, lalo na pag bandang umaga, kumakain ng mejo matigas or kumakanta.Wala pong time na when I open my mouth na di siya magcliclick. May nakapagsabi po sa akin na ipabrace ko daw po. Kaso yung central incisor (right) ko may pasta na (at may stain po yung pasta) at mejo protruded na sya. So, pwede po bang ipabrace to kahit na yung ngipin kong protruded ay may pasta na. at need po ba talaga na upper and lower ang ipabrace para sa nagcliclick kong jaw? Looking forward to your advice! Thank you so much!
May x-ray ka na ba? Kung meron, isend mo sa FB page ko. PM mo through FB. Malamang na 1st molars ang wala,. Malaki ang probability na ang dahilan ng pagclick ng TMJ mo ay ang mga missing teeth. Kapag may nawalang ngipin, ang ibang ngipin magmomove papunta sa bungi. Sa katapat sa taas, magmomove din pababa dahil wala silang katapat na ngipin. At dahil dito, may occlusal interference ka na. Idagdag mo diyan ang 3rd molars mo, depende sa pagtubo, malamang isa pa sa dahilan ang pagtulak ng mga ito sa iba pang ngipin mo. AT pwede ding ang 3rd molars mo mismo ang interference.
Hi doc, ano po ang paraan para hindi halatang naka pustiso ang ngipin mo sa front? bali 4 po kasi ang bungi.
Hanap ka ng magaling na dentist. Wagka maghananap ng cheapest.
Hi doc. May pustiso po ako sa harap na magkakahiwalay 3 ipin po yun. Nakalagay po sa gums ganun sa retainer. Pwede po ba ko magpabraces?
Pwede.
Oo, kahit may bungi, pwedeng ibrace. Kahit may pasta, pwedeng ibrace.
Oo, need na upper at lower ang ibrace. Ang dental braces ay upper at lower. Nakakatawa lang na may ilang dentist na nagoortho na upper lang. O nagbi-brace na lower lang. Kaya kadalasan mura maningil ang ilang nag-o-ortho kasi kwestyonable kung sila nga ba’y nagaral ng ortho.
PM mo ako sa FB para sa iyong karagdagang katanungan. 🙂 Nakakatuwa na may kapwa ako blogger na nagtanong. 🙂
Dok sa facebook nalang po ako nagreply! Thank you so much!
Ok Jen. I’ll check my FB.
Pwede po ba mag pa brace kahit may bungi sa frontal teeth?
Oo naman. 🙂
hello po, panu po ang procedure ng pagpa2lagay ng braces pag may bungi?
Kung sino ang ortho mo ay siyang makakasagot niyan.
Hi Doc. Ask Kulang po kung pede ba magpalagay ng retainer ang nakapustiso? 1 teeth lang po sa front yung pustiso pede po ba magparetainer nun? tnx doc Godbless!
Bakit ka magriretainer? Ano ba ang niriretain mo? Nagpa orthodontic treatment ka ba dati?
Para lang po d sya halatang naka pustiso pwede ba un doc?
Pwede pero madali lang gawin na hindi magmukhang pustiso ang pustiso. Hindi na kailangang pakumplikaduhin.
helo doc 🙂 ask ko din po db po postiso ung s upper n nsa gitna,,ok po b yun n plagyan ng braces pra nd halatang postiso,,at s estimate nyo po doc up & down braces magkano kya?pra po my idea lng..thank u po godbless
Mahirap yang case mo. Mahal ang babayaran mo dahil hindi yan simpleng case.
doc mahal kita
Wow! Thanks! Hehehe! 🙂
pag may jackets n po bang 2 sa front pde pa din i brace? parang rabbit po kc yung front teeth ko 🙁
Oo. Pero baka iba ang problem mo sa jacket. Malaki ang probability na mas dapat palitan ang jacket crowns mo para hindi parang rabbit. Buti pa send ka ng photo sa FB para makita ko. Use PM.
doc pano ba malalaman kung dapat bang ipasta o dpat ng bunutin ang ngipin?.. tnx doc..:)
Xray at tests na gagawin ng dentist. Hot and cold test. Percussion test. Etc.
ok n po doc napalitan na po ng crown kaso sbi nung dent. ko di dw pwede i brace ang nka jacket dahil di dw mag mmove yung mga ngipin.
Ano ang tanong mo?
Hi. Ikwento mo ng buo. Bale ano ang problema? Anong klase ng jacket yan? Magsend ka ng photo ngg jacket mo. Pwede magbrace kahit may jacket.
plastic po doc, eh kc sb nung dent na gmwa ng jacket k d dw pde ako mg brace kc nka jacket n dw ako
Nagjacket ka ng plastic? Bakit plastic? Pangmaton at taong grasa lang ang plastic na jacket. Pwedeng ibrace yan, lalo na’t plastic lang.
Plastic na jacket, tapos sa harap pa? Buti nakakangiti ka pa? Buti hindi ka nahihilo sa umaga?
ok nmn sha eh mas ok 2 sa date kong jacket n porcelain pno nyo nmn po nsbng png taong grasa? grabe nmn..
Hindi mo napapansin yung itim na plastic jacket ng taong grasa? Plastic yun hindi mo lang halata kasi itim at butas butas.
Hindi yan definitive treatment. Pang temporary lang ang plastic crowns. Ilang buwan lang tiyak ako, iba na ang kulay niyan. At halata namang hindi ka kuntento sa crowns mo. 🙂
Kung okay na yan para sayo. Then, wala ng rason para sa karagdagang treatment. Hehehe! Mas pa pala sa ok eh bakit ka pa nagrereklamo na parang rabbit ang ngipin mo? Okay na pala? Hehehe! 🙂
nahihilo sa umga y? po my effect po b yun ?
Oo. Ilang araw lang mula pagkakasemento, tiyak, nangangamoy na yan. 🙂
hi doc, nakapustiso po ako ngayon, 4 ang bungi sa harap, is possible ba na mag pafixed bridge and usually how much ang cost..thanks doc….
Possible. Napm mo na ako sa FB di ba?
Magkano po aabutin pg bridge ang 4 n ngpin doc?
4 na ngipin ang missing? Magkakatabi?
Opo doc mgkakatabi po sa harap.
PM mo ako sa FB. Gusto ko muna makita.
pwede po ba magpa brace ang naka bridge ng ngipin?
Yes.
ahh! eh ano po kaya ang dapat ilagay sa ngipin para maging mapute? kasi po ung ngipin ko po na naka bridge di ka kulay nung tunay ko na ngipin!
salamat po! 🙂
Punta ka sa dental clinic sa malapit sayo at tanungin mo tungkol sa teeth whitening procedure.
how much po ba pa brace both upper and lower?
Depende sa hirap ng case.
hi dok pwede bang magpabrace ng may bulok sa gilid 2 bulok lang
Oo. Kung beyond restoration na bunot na muna tapos braces. Dapat ayusin muna lahat ng may sira, at bunutin ang dapat bunutin bago lagyan ng braces.
kung may bulok sa ngipin 2 bulok pwede ba i retainer?
Bakit ka magriretainer? Nagpaortho ka? Ano ang iriretain?
Hi Dok pwede na po ba magparetainer ang 12 years old na bata?
Ang retainer ay isinusuot lang ng mga taong kakatapos magbraces.
bakit yung friend ko bago sya magpa brace niretainer muna ng dentist nya?
Kahit nga yung friend ng friend ng tambay sa amin, uminom ng juice kanina bago nagpabraces.
Dok. pwede po bang ibrace ung ngipin kahit na nakapasta lang ung apat sa harap?
Yes.
Dok. pwede po bang ibrace ung ngipin kahit na nakapasta lang ung apat sa harap?
Yes.
doc ano po ba ang fb acc mo
Yan nakalink sa gilid.
magkano po ba magpajacket dalawa po ang pustiso ko sa harap ang pangit kc nlkhya po ipin ko tabingi
Ilan ang bungi?
dalawa po doc
Oks. Aabot din ng 20 K pataas.
pde po ba ijacket ang dalawa g pustiso ko sa harap?mgkano po
Pwede kahit ano basta may pambayad ka.
mga magkano po
Aabot din ng 20 thousand pataas.
Doc,pustiso po ang apat n teeth ko sa harap,pwede din po b ibrace yun.thanks
Yes.
Nagtanong na po ako sa dentist ko doc,hnd daw po pwde kse hnd daw matatanggal or malilinis ung flexible dntures ko pag nilagyan ng brace,paanu po kaya yun doc?
Bakit ka naman nagpagawa ng flexible dentures? Masama yan sa buto at gilagid. Kung hindi masolve yang simpleng case lang, maghanap ka ng ibang dentist.
Kase po mas hnd dw halatang purtiso ang flexible.gsto ko n po magpabrace dok,san po b clinic nyo.
Hindi halata ang pustiso kung magaling ang dentist mo. PM mo ako sa FB.
Doc, ask ko lng po magkano po ba mag p brace ngayon yung upper two teeth ko lng may problema nahihiya po ako mag smile kasi yung upper middle two teeth ko po mkng pang motocross. Thanks Doc!
Sigurado akong hindi lang yan ang may problema.
kaya nga po Doc gusto ko malaman yung estimated price po para makapag ipon ako.
Oks.
doc, pde po ba magpabrace ako 2 false teeth po sa front? ano po ba pangsamantalang pde nyo po irecommend para ndi po halata na false teeth ung 2front teeth ko? ipon pa kc for implant.. tnx po 🙂
Yung magbibraces sayo ang may diskarte kung ano ang gagawin.
eh ano po doc ung tnatnung sau ni mhacel about sa false teeth nya ..na pde mgpakacket?
Bridge yun. Crown and bridge.
*jacket
Oks.
DOc sira po ung 2 teeth ko sa front tas papabunot ko po tom. hhm pede po bang ipabrace to ?
walang teeth sa harap ? panu po ba yun ?> salamat po
Wag mo ipabunot. Ipa-RCT mo. Napakamura ng RCT kumpara sa braces.
Hi Doc,
Ask ko lang po kung pwede mag pa brace ang nakapastang ngipin tsaka po gaano po ba katagal tumatagal ang white filling sa ngipin doc. 🙂
Salamat po. ;D
Ang tagal ay depende sa pangangalaga ng iyong mga ngipin.
Hi doc! Pwede po ba magpa-brace kahit walang sira yung ngipin? I mean, maayos naman po yung pagkaka-align nila. Pang-porma lang,haha! Ayoko kasi ng retainer po sabi nila nakaksira daw ng ngipin.
Talaga? Maayos? Saan mo ibinase para sabihing “maayos”?
doc,,ask ko lang po anung gamot sa sakit ng ngipin yung may pasta ko po kasi sa harap sumasakit pero matagal na po itong pasta ilang years na din po…..kasi po sumasakit at nangingilo….
Visit ka sa dentist para malaman kung ano ang dahilan ng pananakit.
Dok, bakit po madaling umuga ng ngipin ko kahit walang namang sira! At minsan namamaga yung gilagid ko.
Periodontitis. Madalas na nagkakaganyan kung hindi nagpapalinis sa dentist.
san po ang clinic nyo..? thanks po..!
Sa puso mo. 🙂 Tignan mo na lang recommended dentists ko : http://www.askthedentist.tv/clinics/
dok pede ba mg brace kahit ng wowork ako sa abroad? seafarer po kasi ako eh. pano po ba yang treatment since wala ako palage sa pinas?
No. Kapag ikaw ay namalagi na dito saka ka magpabraces. Hadlang pa yan sa trabaho mo kung sakali.
Puwede po bang magpa-braces kahit walang sungki?
Imposibleng wala. Elf nga merong sungki. Ikaw pa kaya. Unless complete dentures ka.
helo
Hi.
doc san po loc nyo sau ko nlng pagagawa ton ipin ko
thanks
Ako’y nasa puso mo. Kung hindi mo ako mahanap sa puso mo, tanungin mo ako sa FB.
doc..gusto ko sana magpabrace kaso apat po sa harap eh pustiso..anong solusyon?
Braces. Hanap ka ng magaling na dentist.
bkit pwede po ba?
Pwede. Pero hanap ka ng magaling na dentist dahil hindi pangkaraniwan ang kasong ganito.
hi doc pwede po ba ako mag pa brace kahit my 4 dentures as upper teeth ko sa my gilagid po?
Yes. Pero hanap ka ng magaling na dentist.
Doc pinalagyan ko po anak ko ng retainer,,12 year old kc nabungi nga sang ipin nya sa harap e konti n n lng po po umuusad na,,ok po b retainer pansamantagal para makatulong sa pag used ng ipin…?thankz po
Hindi.
ano po facebook niyo?
Yan nakalink sa gilid.
Doc pwde po ba magparetainer ang 12 yrs old na bata na may bungi?
No.
Doc pede po ba magparetainer kahit hindi may butas ung bagang??
Hindi.
pwede po b magpabraces kahit ok namn po ung ngipin?
Pwede basta may pera ka. Duda akong ok ang ngipin mo.
pinatingin ko na po kasi ung teeth ko ang sabi po ok namn po ung ngipin ko taas pero daw po sa baba medyo di daw po ok… pero lahat po ba ng nagpapabraces binubunutan ng teeth???
Hindi.
Doc azk qlng magkno poh flexible denture pra za 6 upper teeth poh.. Pptnggal q poh kc fix bridge q then 3 upper tooth extraction poh.. Cra n poh kc fix bridge q.. Kea i decided flexible dentures nlng poh ipapalit.. Mgkno poh estimated price?dito poh aq za marikina ngaun..suggest nmn poh kau ng affordable clinic pra zken..tnx
IpaRCT mo yung ngipin na pinagkabitan ng bridge tapos ipabridge mo ulit. Kung gusto mo talaga ng flexible, dapat may metal framework ang flexible denture mo.
Doc pwede po ba mag pa brace ang na root canal na at napa jacket? sa harap po yun
Yes. Hanap ka ng magaling na dentist. Kasi yang ganyan, pag hindi alam ng dentist ang gagawin, ikakapalpak yan ng treatment.
San po ba may magaling na dentist? taga bulacan po kasi ako.
Recommended dentists : http://www.askthedentist.tv/clinics/
dok.pwede po bang mag pa brace kahit taas lang?
Hindi. Upper at lower lagi ang braces.
Doc pwede po ba mag pabrace kahit naka RCT na yung 2 front teeth?
Pwede.
hi doc pwede po ba mag pa braces kahit 1 tooth is missing on the upper front ? TIA
Yes.
Doc pnget ba magpa brace ang plastic jacket
Maganda, kung maganda ang gagawang dentist.
.. kc po ang case q po ngayon pustiso po ung upper frntal teeth q 3 po un ngaun ngpa brace po aq ng upper and lower . ngaun sbi ng dentist q paltan na dw po nia ii jacket dw po nia q kso plastic lng dw po muna .. pg ngjacket plstic po aq pwede prin po ba xa ii brace bka po kc tngglin nia..
thnx
Oks.
pwede po ba mag pa brace kahit root canal na po yung ipin sa harap ?
Yes.
doc lahat po ng ngipin ko sa harap eh pustiso.. ask ko lng f pde b ung ibrace?
No.
Doc, ask ko lang po. Possible pabang makapag pa braces ako if kulang ako ng dalwang ipin sa taas?
Yes.
Ask lang po pwede ban magpabraces kahit walang isang bagang if no ano ang dapat?
Possible.
Question po, if bungi n ung upper left first and 2nd premolar and first molar. tska upper right first and 2nd molar, are braces still possible? or any suggested restoration?
Possible.
Thank you. Ask ko lang po gaano kalaki ang possibilty? and any suggestion of dentist that can do that? Thanks again. Well appreciated =)
Possibillity ng ano?
Hi doc! please answer this question. Salamat po…. ung lower teeth ko po is missing ng 2 ngipin…. ung sa 2nd and 3rd tooth simula dun sa dulo. ung panguya po ng pagkain.. malalaki pong ipin.. ang question ko po is pwede po ba gawing pustiso yun tapos after malagyan ng pustiso lalagyan ng braces… and additional question mo.. since pang nguya po ung missing sa ipin ko hindi kya yun mababasag pag pustiso na siya at hindi po ba yun babaho since hindi ko siya malilinis kasi naka braces napo ako.. hindi po na siya matatanggal doc diba? pasenxa napo madaming question…
Kapag nagpabraces ka hindi mo na isusuot yang pustiso mo. Kung malawak ang space ng pagkabungi mo, pupunan temporarily ang space. Kung isang bungi lang ang pustiso mo, madalas hindi na pupunan. Tricky ang tanong na “pwede”. Pwede halos ang lahat basta may pambayad ka sa mga gagawing procedure para maachieve ang gusto mong mangyari.
Possibility na mafix pa? ung maipabrace?
Pakilinawan ang tanong.
doc pwede po ba mag brace yong may postiso sa ngipin…1 lang po…tapos sa bandang harap sa itaas sa may gitna…tapos mmay sira na po yong ibang ngipin ko po…pwede pa kaya mag pa braces?
Ipaayos mo muna lahat ng may sira saka ka magpabraces.
Doc, pde po ba ibraces ang ngipin kahit pasta na ito
Yes.
doc pwede po bang magpabrace kahit removable yung pustiso?
salamat po 🙂
Ilan ang bungi. Hindi mo isusuot yan kapag nagpabraces ka. Pero siyempre kung sa tangang dentist ka napunta, ipapasuot niya yan.
doc wla na po kci akong bagang pwede po bng iretainner un tapos may kasama ng bagang
ANg retainer ay dapat sinususot lamang matapos ang orthodontic treatment.
Hi doc. PWede po ba magtanung kung tatagal po ba ang plactic jacket?
Hindi.
HELLO
Hi.
hi doc.. itatanong ko lang po anu po tawag sa jacket na mukhang ngipin tlga ung sakin kc doc porcelaine eh . ang pangit hndi ka match ng ngipin ko ngkukulay black pa ang gilagid pag tagal. 2 po jacket ko in front . tnx po doc
All porcelain crown: http://costdentures.com/fixed/ips-e-max-restoration/
heLLo Doc , pwede po ba mag pabrace kahit yun pang apat na ngipin sa taas sira , pwede po ba yun ??
Hindi. Aayusin muna ang lahat ng sira bago braces.
Magkano po mag pa braces???
Depende sa lala ng aayusin.
Hello po
Ask ko lang po if how much po ung pabraces sa denture?5 ngipin po kc magkano kya po ang aabutin?
Hindi binibraces ang denture.
Hi.
I mean if ever po na mgpalagay ng pustiso lima po kc ang wala kong ngipin pwde pa po ba un ibrace?
Pwede, after ng braces.
Mgpalagay po ba ako ng pustiso n 5 ngipin pwde po bang ibraces un?or wala nang chance?
Pagkatapos ng braces, mga 2 years mula pagkalagay ng braces, pwede ka na magpapustiso.
Kaso nga po wala n po ung 5 ngipin kaya po ngttnung po ako kung pwde pong magpapustiso ako kasabay ng braces..sbi kc ng isng dentist hnd n dw po pwde kc nga po wala n ung 5 ngipin ko pede dw po lower braces lng…
May gagawin diyan. Pero hindi pustiso. Magpalit ka ng dentist. Hanap ka ng dentist na magaling. Upper at lower lagi ang braces.
Mga how much po kya aabutin pag nlgyn ng pustiso at braces?thnk u po
Magpabraces ka muna. After 2 years at natapos ang treatment saka mo isipin kung magkano ang pustiso mo. Hindi yan sabay iha.
doc, pwede po ba magparetainer kahit hndi ka nagpabraces?
Pwede. Pero masisira lang ang ngipin mo at magiging abnormal ang laki ng mukha mo.
DOC.ano po ba ung pustiso na hndi halatang pustiso at magkano po kaya un?
german plastic po ba un?
Depende yan sa gagawa, bayad mo at galing ng dentist mo. Hindi sa material lang.
pwede ba magpapustiso kahit may ngipin na pudpod na sobra sa gilid? nabulok na at pidpod na sobra?
Then, ipabunot mo ang sobra.
Hi doc
Hi.
Hi doc.pwede po bang magpabrace if my apat ka na pustiso na ngipin sa taas sa my harap po??? If pwede po.malalagyan po ba ng bracket yung pustiso? Suggest ka naman po kung anong magandang solusyon.GUSTO KO TALAGA MAGPABRACE Doc
Pwede. Hindi lalagyan ng bracket ang pustiso. HIndi ka magpupustiso habang may braces ka. May ilalagay diyan ang dentist mo para hindi ka mukhang bungi habang may braces ka. Hanap ka ng magaling na dentist para hindi ka mapariwara.
Doc ano po ilalagay sa bungi ko doc?pagnagbraces nko.
Ang laki kc ng pangil ko nagpaharap sila.kaya halatang pustiso .gusto ko sana maayos to
Malalaman mo pag nakahanap ka ng magaling na dentist.
Doc my kilala ka bang taga tuguegarao na magaling na dentist?
Wala.
Paano to hirap na hirap ako mgslita kase ngpapustiso ako sa harap apat. Khapon lng. Gaano kya ktgl bago ko msnay rito..
Kung tama ang pagkakagawa, wala ka dapat alalahanin. Magsalita ka lang ng magsalita para masanay ka. http://www.denturescostguide.com/dentures-change-way-speak/
hello dok pwdi puba yung naka pustiso ka sa taas tapos papatungan ng reteyner
Pwede ang denture na may retainer. Pero hindi advisable.
pwede po bang mag pa brace kahit naka pasta?
Pwede.
ahh ok po
Oks.
Doc need po ba talaga madeep sealing muna bago magbrace?
Ano ang deep sealing? Ano ang gusto mong i-seal?
Nagpacheck po kasi ko kanina and ami pa gagawin bago daw po ibrace
Oks.
Doc, naka isang oras ako sa kakabasa ng mga q and a dito, natuwa ako sa mga positibong reply nyo at may halong joke pa. Ang tanong ko ngayon doc ay importante para sa akin, dahil smiley person po ako. Anim po ng taas/harap kong ngipin ay ceramic crown, ndi na po naging pantay ang set ng ipin ko dahil nagpeel ng konti sa dulo, kaya ba ito ng pasta o composite filling para pumantay cla ulet, o mag level ulet ang haba?
Papalitan mo ang jacket crowns mo para umayos. Hindi kakapit ang pasta sa porcelain. Kumapit man ngayon, magbilang ka lang ng ilang araw tanggal na yan. http://costdentures.com/fixed/porcelain-crowns/
Doc ask ko lng po kung pwede idikit ang bracket ng braces sa part na fixedbridge ang ngipin.?
Naku, baka isa kang pasimuno ng DIY braces. Hehehe! Tanungin mo ang Dentist na nagoortho sayo.
may klase po ba ng pasta?
Yes.
pwde po bang mag pabrace kahit may bulok na ngipin
Hindi. Aayusin muna dapat lahat ng bulok bago braces.
may iba’t ibang klase po ba ng pasta?
Yes.
anu ano po iyon?
Composite resin, amalgam, GIC, Gold etc.
ano po tawag sa nagpapasta ng meron pang ngipin na onti
Ang tawag sa nagpapasta ay “dentist”. Picture-an mo send mo sa FB ko.
Ano po fb mo
https://www.facebook.com/askthedentistphilippines/
hi doc pwde po ba akong magtanung kng pwde magpa braces kahit postiso yong ngipin?
i will wait for ur reply tnx po 🙂
Ilang ngipin ang pustiso? Send mo sa FB ko kung gusto mo litratuhan.
San po meron malapit na denture? makati po ako
Tingin ka dito ng malapit: http://www.askthedentist.tv/clinics/
hello doc ..is it really possible na yung pudpod na ipin sa gilid e matakpan ng gums na parang nabunot nrin at hndi nman po sumasakit..
Oo, at tiyak na bahay yan ng mikrobyo.
doc, pwede po bang mag-pabraces kapag may apat na bungi sa taas (sa bagang at sa front side?)
Pwede.
Kaya po bang i-RTC yung ngipin na may black na Sa front teeth?
Oo.
*RCT
Oks.
Mga magkano po ba ang magagastos if 2 teeth yung ipapa RCT?
Anong ngipin?
Much better po ba ang RCT kesa sa Pustiso. ?
Kung gusto mong hindi mabungi, mas ok ang RCT. Kung wala ka namang panggastos para sa RCT, magpustiso ka na lang.