Pekeng Dentista – Fake Dentist

Masamang dulot ng DIY Braces = Pagkalagas ng Ngipin
Masamang dulot ng DIY Braces = Pagkalagas ng Ngipin

Sheryl : Nagpabraces po ako. Nakita ko lang ang page niya sa Facebook ang page niyang Affordable Braces.. Murang mura po kasi. Doc, paano ko ba malalaman kung peke ang dentista ko?

Ask the Dentist : Hi Sheryl. Unang una. Quality comes with a price. Lagi kong sinasabi, wag mo hanapin ang cheapest. Ang cheapest siguradong low quality. Tama nga na magduda ka kung murang mura.

Maraming paraan para malaman kung peke ang dentist mo.

Sa Dental Clinic
Required ang dentist na nakasabit ang certificates at mga papeles niya galing sa Professional Regulation Commission (PRC). Hanapin mo ang mga nakasabit. Kung may mga papeles siya mula DTI at school kung saan siya graduate ay mabuti. Pero ang pinaka mahalaga ay ang mga certificate niya mula PRC Board of Dentistry.

Pero hindi porke kumpleto siya ng papeles mula PRC ay sigurado nang dentist siya. Madaling mameke ng mga certificate na sinasabit. Madaling magscan, photoshop at magprint ngayon dahil sa technology. Kaya, ipagpatuloy mo ang pagbabasa, nasa dulo ng post na ito ang pinakaeffective na pamamaraan.

Sa Google, Yahoo at Bing
Search mo sa Google (Yahoo or Bing) ang pangalan niya. Kung lumitaw ang website ng clinic niya, mabuti. Karamihan sa mga tunay na dentista naman nagpapagawa na talaga sila ng website. Pero hindi porke nahanap mo sa google ang pangalan niya ay siguradong tunay siyang dentista. Sa PRC mo malalaman kung tunay ba o peke siyang dentist. Kaya, ipagpatuloy mo ang pagbabasa, nasa dulo ng post na ito ang pinakaeffective na pamamaraan.

Sa PRC
Pwede kang pumunta sa main office ng PRC sa Manila. Kuhanin ang buong pangalan ng dentist mo. At itanong doon kung tunay ang dentist mo. Ang Main office nila ay:

PRC map location
PRC map location

Professional Regulation Commission
P. Paredes St. corner Morayta St. in Sampaloc, Manila.
Tel. (632) 3100026
Telefax (632) 7354476
License Verification
(632) 3102020

PDA Warning about DIY Dental Products
PDA Warning about DIY Dental Product

Sa PRC website
Ito ang pinakaeffective na pamamaraan. Bisitahin mo ang website ng PRC, http://www.prc.gov.ph/

Click to enlarge
Click to enlarge

Hanapin mo ang button na ito:

Verification of Dentist
Verification of Dentist

Piliin sa drop down form ang “Dentist”

Itype ang kumpletong pangalan ng dentist (example George John Michael K. Rocks)
Itype ang kumpletong pangalan ng dentist (example George John Michael K. Rocks)

Itype ang buong pangalan ng dentist. Kailangan buong pangalan. Buong pangalan ang kailangan. Tama ang spelling. Hindi spelling ng taga-Star Bucks.

Kung, ang lumabas ay:

VERIFICATION RESULT:
Error No matching record found

Possible na peke ang dentist mo.

Pero
1. Dapat mong siguruhing buong pangalan ang itype mo. Kanina ko pa inuulit ito. Kung dalawa ang pangalan (John Michael), dapat itype mo buong pangalan din. Kung dalawa ang pangalan niya, halimbawa George Johnny, at naitype mo ay George lang, hindi yan lilitaw.
2. Dapat mong malaman na kung kakapasa ng dentist mo, kunyari, kahapon lang naiannounce ang dental board exam results, malamang wala pa sa listahan ng PRC website ang pangalan ng dentist mo.
3. May mga dentist na hindi nila inilalagay sa prescription pad nila ang buong pangalan nila. Halimbawa, yung kaibigan ko, napakaganda ng pangalan niyang ginagamit, pinaikli niya mula sa tunay na pangalan niya. Dahil ang tunay na pangalan niya ay pangalan ng bold star ilang dekada na ang nakakaraan. Matagal na misteryo yun noon sa dental school kung ano ang tunay na pangalan niya. Noong grumaduate, saka ko lang nakita buong pangalan niya noong inannounce ang mga graduates sa stage.

6 thoughts on “Pekeng Dentista – Fake Dentist”

  1. Nice Information po Doc, napakagaling nyo po talaga…hindi lang sa Ngipin, sa comedy at sa mga iba pang information tungkol sa mga Papeles at mga iba Pang bagay…God Bless you po..Idol kona kayo… Mabuhay po kayo Doc!

Leave a Reply

%d