Sungki ang Ngipin na Tumutubo

Mark : doc tanong ko lang po ..may baby po ako na 6YRS OLD NA .. HINDI PA PO NAWALA MGA NGIPIN NYA KAHIT ISA..YON PO MGA MILK TEETH NYA ..

ngayon po may tumubo po sa lower teeth , sungki po xa. sa tingin nyo po ba pernament na din po ba yon ?? or maaalis din po yon ?? kasi never po sya nabungi eh

thank you doc

Ask the Dentist : Ah. Tumutubo na yung kapalit ng ngipin na nasa ibabaw. Patingin mo na sa pediatric dentist.

Mark : Doc mag send ako ng voice record para ma explain ko ng maayos ah

Mark : Sa lower teeth yon mga lumalabas na ngipin doc eh

(Mark sends a voice record saying “Blah blah blah. Gets niyo ba doc? Gets niyo ba doc?”)

Mark : Gnyan ang ngipin nya doc complete pa mga milk teeth nya , sa age nya 6yrs old never xa nabungi

Mark : Ngayon my tumubo sa lower teeth nya sa loob na isaaa ,, pro mukang my kasunod paaa , sa tingin mo doc?? Maalis din ba yon ? Ayoko kasi mging sungki xa eh

Ask the Dentist : Malinaw na malinaw sa una mong naisend na message. Tumutubo na yung kapalit ng ngipin na nasa ibabaw (ibabaw/nauna/1st set/unang mga ngipin na tumubo). Kapalit ng nauna. Kapalit ng 1st set. Imagine-in mo ang ibabaw. Kung ano ang mas mataas, siya ang nasa ibabaw. Kunyari may dalawang palaka, yung isa nasa ibabaw ng isa, kahit nakatagilid konti yan, o bandang loob, alam mong nasa ibabaw yung isa kasi nasabi nating nasa “ibabaw”. Kung sa tingin mo malabo pa din kung ano sa dalawa ang nasa ibabaw, yung ano ang bagong tubo, yun ang nasa ilalim. Kung ano ang bagong tubo siya ang matitira diyan, kung ano ang luma, siya ang bubunutin.

Patingin mo na sa pediatric dentist para makita niya at mapagdesisyunan kung dapat na bunutin yung nasa ibabaw or maghintay pa ng ilang buwan. Usually, sa pinoy, sa lower central incisors, tumutubo sa gulang na 7. Sa kano, 6. Kaya kung dapat na bunutin yung 2 deciduous lower central incisors, ay mapagdedesisyunan lang kapag nakita na ng pediatric dentist. Pediatric dentist ang tawag sa dentist na pambata. Madaming specialization ang dentist, may prosthodontist, may orthodontist, may pediatric dentist.

Mark : Sa tingin mo doc ??? Ndi ba pedeng hntayin nlng na mtanggal mga ngipin nya ?? Takot kc xa sa dentist eh ,,

Ask the Dentist : Sa tingin ko ay hindi ko makita. Bibili pa ako ng bolang kristal para makita ko.

Mark : ahahahahhahahahha :)))

—————————–
Ask the Dentist : Hindi nagsend ng photo si Mark at nagtatanong siya kung ano sa tingin ko. Kaya kailangan ko ng bolang kristal para makita ko.

2 thoughts on “Sungki ang Ngipin na Tumutubo”

  1. doc tanong ku lng po sana ung anak ko po kc ung ngipin nya tumubo po ng pabaliktad twice kuna po sya napabunutan ng ngipin….ung s upper teeth pu nya dun po ung tumubo ng pabaliktad 2 n po…

Leave a Reply

%d