Pediatric Dentist Philippines Online

Rochelle : hello po. ask ko lng po kung anu po b mgandang gawin ksi po ung ngipin ng baby ko namamaga. katatpos lng po mamaga ung gums nya s upper right ngaun nung gumaling n po sumunod nmn ung gums nya s upper left.4 years old plng po xa.

Ask the Dentist : Ipunta mo sa pediatric dentist upang makita kung bakit namamaga. Walang mangyayari kung hanggang online ka lang magtatanong.

Temporary Teeth for Implant Patient

Matiaz : Magandang gabi po, magtatanong lang po sana ako.
I have 8 false tooths on my smile zone. How much it will cost me for a tooth inplant? Mayroon po bang temporary artificial tooth habang inihintay ang pag papagaling ng 1 year? Kc po nagtatrabaho po ako. Mag file po kc ako ng 1 month leave sa employer ko this december.
Hoping for your response.
Salamat po… God bless

Ask the Dentist : Depende sa hirap ng case ang price. May artificial tooth habang naghiheal.

Matiaz : Salamat po s reply… Aabot po ba ng mga 200K to 300K (please give me atlease an estimation)? Im planing to go home (pinas) on december…

Ask the Dentist : Send ka ng litrato ng bungi mo.

Bridge at Braces

Jillan : hello doc! ask ko lng po kung anu po gagawin sa ipin ko wala po kc ung ipin ko bago po magpangil magkabila po?..pero meron po two sa harapan.. pde po bang ipabraces po or need ko na po mag pa pustiso?.. nagcomment din po ako sa page nyo

smile is the best make up in your face. and i want it with 100% confidence.
tnx po for your future reply

Ask the Dentist : Patingin.

Jillan : doc, picturan ko po ba?…tnx sa reps

doc ayan po…='(

Bridge Philippines
Bridge Philippines

Ask the Dentist : Malaki ang probablity na braces at bridge ang kailangan.

Dapat bang bunutin ang wisdom teeth sa Braces?

Exchan : Hi Doc, itatanong ko lang balak ko po kse magpabrace. Sabi nung isa kong doc pwede na daw di ako bunutan ng 4 sa harap ( 2 up and 2 down ) na ngipin while sabi nung iba kelangan ko daw bunutan. Medyo nakalabas kse yung ngipin ko. Ano ba tama at dapat gawin Here I attached my panoramic xray and a picture. Thanks

BTW doc napabunot ko na po yung impacted wisdom tooth ko.

Ask the Dentist : Malaki ang possibility na dapat tanggalin ang 4 na premolars mo. At 4 na wisdom teeth mo dapat bunutin.

Exchan : Dahil possibility naman po yun pwede rin hindi tapos pa-brace ko na lang doc? Thank you po.

Ask the Dentist : Possibility dahil hindi ko nakita ang bibig mo. Pero base sa xray, dapat tanggalin ang sinabi ng dentist mo. Sa ngayon ang siguradong dapat bunutin ay yung 4 wisdom teeth mo.

Exchan : Hi Doc, I saw promo about braces sa different group buying sites. Nagtataka lang ako di naman lahat dapat nagpapa-brace. Lalo na wala naman dapat ayusin. Pano nila malalaman at ireregect yung pasyente kung di naman advisable sa kanila magbrace. Gusto ko sana tanungin yung dent kaso baka maka-offend ako. Okay lang ba yun lalagyan ka ng brace kahit wala naman dapat ayusin? May kilala kse ako balak lang nila gawing trend lang yung braces. Thank You

Ask the Dentist : Ingat ka sa Promo. Kung magaling ang dentist hindi niya kailangang magpapromo.

Braces sa Philippines pero sa ibang bansa nakatira

Grace : good evening po doc,

mag tatanong lang po sana ako kung pwede ba mag pa brace ulit kung hindi sobrang naayos yung ngipin? naayos naman po kaya lang parang yung right side partng teeth ko hindi naayos? nag ask po ako sa dentist sabi niya ok naman na daw po at hindi na daw po talaga maayos ung alignment yata ung about sa molar yata?

salamat po

Ask the Dentist : Pwede.

Grace : Hi doc, mag ask lang po ako. Meron po ba talaga na braces na kahit 1 year di ka mag punta sa dentist? Nag wowork po kasi ako sa ibang Bansa and sabi ng dentist meron daw po na ganun. Thanks po!

Ask the Dentist : Sugal yan. Kung saan ka madalas, doon ka magpabraces.

Grace : Doc good morning po self ligating daw po tawag dun? At may magagawa pa po ba kung ang mga ngipin ko eh naka lock na daw po? Cross bite daw po ako. Sabi po kasi ung dentist daw na nag brace saken before instead bunutin ung wisdom tooth ko ung isang ngipin po sa harap ang binunot. Pero sabi po kung self ligating magagawan pa daw po ng paraan? Salamat po doc.

Ask the Dentist : Hi. Isipin mo. Ito ang number 1 na dahilan kung bakit “kung saan ka madalas ay doon ka dapat magpabraces”. Isipin mo, kung natanggalan ka ng bracket at nasa ibang lugar ka. SIno ang magdidikit ng bracket sa lugar na iyon? Babalik ka sa Pinas? Babalik ka sa clinic ng dentist mo? Self ligating man o hindi, kung natanggal ang isang bracket, sino ang magdidikit? Ikaw? Madami pang ibang dahilan, hindi lang ang pagkatanggal. Isa na din ang maintenance ng ngipin mo, kung may braces ka, kapitin ng dumi, prone sa caries. SIno ang magmimaintain? Ikaw? Kawawa ka lang habang masaya ang dentist mo.

Magsend ka ng panoramic x ray para makita ko ang sinasabi mong nakalock.

Ask the Dentist : Sa braces, laging tinatanggal ang wisdom teeth. Absolute yan. Pampagulo ang wisdom teeth.
Alalahanin mo, hindi kita pinagkakakitaan, kaya ang payo ko walang impluwensya ng pera. Hehehe!

Grace : Kasi po doc nung nag pa brace po ako before di po tinanggal ung wisdom teeth ko. Sige po papa X-ray po muna ako. Kala ko po kasi ung sinabi nila na self ligating eh hindi matatanggal na ung mga bracket eh.
Salamat po doc ah. Pacensiya na po kung makulit hehe
And usually doc how much po ang self ligating braces?

Ask the Dentist : Hindi ko alam kung gaano kalala yang ngipin mo, kaya hindi ko masasabi kung magkano.

Grace : Ok po doc salamat po.

Kailangan ba i-RCT

Amae : Doc kasi po nagpapa braces ako, on process pa po. Baba palang po ang kinakabit saakin, tapos po eh bubunutan pa daw ako ng dalawang ngipin sa taas. Yung dalawang ngipin ko po sa unahan ay naka pasta na may sira at sumasakit okay lang po ba na ibraces na yun kahit walang rct?

Ask the Dentist : Kailangan i-RCT.

Amae : Nakikta na po kasi ng dentist ko yung xray ko di naman po nya nirecommend yung rct. Tsaka po, binunutan po ako sa bagang ko sa taas, tapos po sumasakit po yung katabi nung nabunot bakit po kaya ganun?
Thankyou po doc

Ask the Dentist : Send mo x ray sa akin.

Amae : Sige po papa xray po ako ulit. ay doc, kakabunot ko lang po ng ngipin kahapon yung sa tabi po ng pangil. tapos po bigla naman po tumutunog yung jaw ko kapag ngumunguya.

Licensed Dentist

Lyly : Hi Doc. good pm po.. Ask ko po sana kung kelangan pa bang i-XRAY bago mag pa brace? ask ko din po sana kung may marerecomend po kayo saakin na dentist na malapit sa SM Fairview pero affordable at license or orthodontist. Thanks in advance

Ask the Dentist : Yes. Kailangan.

Lyly : good morning doc. ask ko lang po pano malalaman kung licensed talaga yung dentist na magkakabit ng braces sakin? thank you po

Ask the Dentist : Hanapin mo PRC ID Niya.

%d