Braces Cost in the Philippines 1,697

Edward Angle: How much do braces cost in the Philippines? Is orthodontic treatment really affordable in the PH?

Ask the Dentist : Hello Edward Angle. Thanks for asking the dentist! Dental braces in the Philippines are more affordable than other countries and there are several reasons why.

Generally, the prices of dental treatment in Asian countries are affordable. Because of lower cost of living, the prices of services are naturally lower than European countries. There are also steps in a dental procedure na pinasimple para mapapababa lalo ang presyo.

Sa Cost of Braces, madaming factors na makakaimpluwensya dito. Una, gaano kalala ang alignment. Gaano kalala ang overjet at overbite. Gaano kalala ang oral health status mo. Pangalawa, anong uri ng brackets ang gusto mo? Metal ba? Ceramics? White? Transparent ba? Self ligating ba? Pangatlo anong materyales ang gagamitin sa pagkabit?

Pangapat, specialization ng dentist na gagawa sa orthodontic treatment mo. GP practicing orthodontics ba? Or may MS o may PhD? International Association for Orthodontics member ba? O member ba ng Association of Philippine Orthodontists.

Panglima, location ng clinic. Kung sa manila, mas mahal, kung sa city mas mahal. Kung sa liblib na lugar, syempre mas mura.

Panganim, kung may iba pang problema sa ngipin mo, kung may dapat lagyan ng dental crown. Kung may dapat bang pastahan, o dapat i-root canal treatment. Or kung may dapat bunutin. Dapat inuunang ayusin ang mga ito bago ilagay ang braces mo. Para sa karagdagang impormasyon visit mo itong site: a guide on Braces Cost.

Walang fixed price sa braces. Hindi siya tulad ng pagpapagupit sa barbershop. Hindi siya tulad ng pagpapa-pedicure Iba-ibang tao, iba ibang kalagayan ng bibig. At iba iba din ang kailangang orthodontic treatment. Iba iba ding materyales.

The cost of dental braces in the Philippines is much cheaper compared to other countries. Kaya nauuso ang dental tourism. Panlaban natin ang high quality at low cost ng dental treatment.

Ito ang ilan sa tips ko para makahanap ng low cost but high quality Orthodontic treatment. Ask your friends about their dentists. Feedback tungkol sa dentist. Search mo kung ano-ano ang training na inandertake niya. Magpagawa ka sa province. Itanong mo kung member siya ng local dental society at Philippine Dental Association para malaman mo kung updated siya sa mga bagong pamamaraaan. Itanong mo kung member siya ng International Association of Ortho or Association of Philippine Orthodontists. Kung may MS of PhD siya mas mabuti, nakakasiguro kang napakagaling ng dentist mo, yun lang siguradong medyo mas mahal.

Salamat sa pagbisita mo sa aming website. Kapag may gusto ka pang itanong, bisitahin mo ulit ang Dental website na ito o kaya’y pumunta ka sa iyong pinagkakatiwalaang dentista. Pinakamainam pa ding makita ng personal ng isang dentista ang iyong dental na kalagayan.

For free dental braces consultation, visit Braces Quezon City Philippines.

Phone : 0927 984 8895, clinic address : #75 15th Avenue cor. Main Avenue 1101 Cubao, Quezon City

1,697 thoughts on “Braces Cost in the Philippines

1 6 7 8
  1. Reply greg Aug 19,2014 8:39 pm

    doc, ask ko lang. Pwede bang magpa-dental implant kahit may brace? O tatapusin muna yung brace bago mag-dental implant?

  2. Reply Mylene Candelaria-De Castro Aug 21,2014 11:01 pm

    Paano po yan? Kasi sungki po ngipin ko sa taas. Nakaatras ko yung isa, yung isa nman po nakaharap. Paanu po ito lalagyan ng braces?. Salamat po

  3. Reply angela nunga Aug 25,2014 12:49 pm

    magkano po ba ang pinakamurang brace?

  4. Reply ivy Aug 26,2014 3:59 pm

    Paano po Doc KUng wala na pong ngipin sa Dalawang bagang and isa po sa taas ano pong gagawin kapag nag pa Brace ?

    • Reply Ask the Dentist Aug 27,2014 1:07 am

      Yung orthodontist mo ang magdedecide nang gagawin niya. Kaya mabuting sa Orthodontist ka pumunta at hindi sa katangahang nangyayari ngayon tulad ng DIY Braces at Braces na kinakabit ng taong hindi naman dentist. Naglipana sila ngayon sa FB.

  5. Reply Cez caro Aug 28,2014 8:54 pm

    Hi doc ask ko lng how much ang sapphire braces system? Thanks pa reply naman sa email add ko, thanks.

  6. Reply Lucrezcia Doe IV Aug 31,2014 4:15 pm

    doc mula nung bata pa ako tinutukso na ako and now im 21 yersold pd pa ba maayus ipin ko pag nag pa brace po ako? tsaka magkanu po exact price can u give me an idea?

  7. Reply Danica Valdez Sep 1,2014 6:27 pm

    Doc my nag ooffer kc na 5K lng daw ang braces tas mura lng daw kc ang binaboy arman nilang tax tsaka Hindi nla gustong mabigatan ang gustong magpalagay

    • Reply Ask the Dentist Sep 2,2014 4:20 am

      Hindi yan dentist. Luging lugi ang dentist kung sa tunay na gamit pa lang ang paguusapan. Pero kung gusto mo itry, sige lang. Balik ka dito kapag naubos na ngipin mo. Hehehe!

  8. Reply Mar Arizala Sep 8,2014 10:23 pm

    doc magkalayo ung dalawang ngipin ko sa harap. ano po maganda gawin? my tendency din po bang lumuwag ung spaces ng iba ko pang ngipin? thanks po.. pwede po bang sa email q na po kau sumagot..

  9. Reply Linyangs Sep 12,2014 1:45 pm

    What if upper part lang po ang papalagyan ng braces? How much po yun?

  10. Reply Veronica Sep 13,2014 12:04 pm

    Hindi po pantay ung ngipin ko sa baba. Yung sa taas po pantay naman pero naka-forward kaya pag nagbite ako, nasa harap yung upper teeth ko. Maaayos po ba to ng braces? Mga magkano po?

  11. Pingback: Magkano ang braces ← Ask the Dentist

  12. Reply vhin Sep 24,2014 7:05 pm

    Ask ko lang po magano po kya aabutin pag nagpa brace ako Hiwalay po ksi ung ngipin ko sa taas,, sa unahan,

  13. Pingback: Magkano ang Self Ligating Braces ← Ask the Dentist

  14. Reply matt Oct 12,2014 9:00 am

    doc , ano po address ng clinic nyo ? punta nalang po ako para maayos usap .. pwede naman po sigurong i-pacheck ko muna ngipin ko sa inyo ?

  15. Reply Veronica Oct 13,2014 6:58 pm

    100k po ang sinisingil ng dentist ko. Pasok po ba yun sa price ng braces? Or masyadong mahal?

  16. Pingback: Halaga ng Brace ← Ask the Dentist

1 6 7 8

Leave a Reply

%d bloggers like this: